Epilogue

51.8K 1.3K 988
                                    

Thank you for your patience. See you in the third installment! Love you.

---

Umalingawngaw ang tili ng isang kambing matapos ko itong pakawalan mula sa pagkakatali. I smirked as I watched the cute little creature ran as fast as he could as if making the most out of the freedom I bestowed upon him. It has been six months since his mother gave birth to him and he became my friend. Nawala ang ngisi ko nang maalala ang nangyari sa kaniyang ina. She died after giving birth to my friend. Isang bagay na labis kong kinahuhugutan ng lakas para alagaan at buhayin ang kawawang naulilang kambing.

"Huwag kang lalayo!" sigaw ko nang makitang patungo na ito sa mga puno ng Lanzones. Napa-iling na lamang ako at inabala ang ibang bagay. Kinuha ko mula sa lupa ang mga tuyong kahoy at napag-desisyunang mag-sibak na lamang. 

It's my summer vacation but I've got no plans for leisure. Well, this is my leisure. Nakakatulong pa ako kay Lola. Hinubad ko muna ang sando kong puti at tinali iyon ng pa-ikot sa ulo ko. Kinuha ko ang itak at nag-simula na.

"Luca, kanina ka pa riyan sa labas. Mag-tanghalian ka na," rinig kong sambit ni Lola mula sa bintana ng hayahay naming munting bahay. I craned my neck to see her.

"Mamaya na po, Lola. Tatapusin ko lang ito."

"Aba! Wala ka na yatang ibang ginawa sa buong bakasyon mo kundi ang mag-trabaho rito sa bukid. Bakit hindi ka lumuwas sa bayan at mamasyal kasama ang mga kaibigan mo?" aniya. I pursed my lips as I felt hot sweat running down my forehead. 

"Hindi na, La. Mas gusto ko dito."

"Hindi ka ba nababagot?"

Huminga ako ng malalim at ngumiti ng tipid. Well, there are things that I really don't tell her for reasons I believe will just make her worried for me. Not that she's not worried about me always. I love her so much.

"Bagot po." sagot ko na lang. I don't want to lie to her anymore. It's the truth, anyways.

"Aba, eh, magpa-punta ka nalang dito ng mga kaibigan mo, kung ganoon. Sina Junjun? Homer?" banggit niya sa mga malalapit kong kaibigan. Nagpatuloy ako sa pag-sibak ng mga kahoy.

"Para naman magkaroon ng ibang tao rito. Tayong dalawa lang lagi, eh." tila kausap ni Lola sa sarili niya. I suddenly feel so bad after it. Not for myself, but for her. I feel so guilty for it. Dahil alam kong habang tumatanda ako, medyo lumalayo na rin ang natural na mga gawain ko kay Lola. Ngayong lumalaki na ako mas lumalawak na rin ang mundo para sakin. And even though I hate to admit it, I am slowly leaving Lola behind. 

Lumaki akong siya ang kinagisnang magulang. Na siya lamang ang nakikita at nakakasalamuha. I was heavily protected by my grandmother for I am not just her beloved grandson, but am also the first born of the Lagdameos. Hindi man maganda ang opinyon niya sa ama ko, pinalaki niya akong may respeto sa mga magulang ko. At habang lumalaki ako, natutunan kong huwag ibigay ang pagmamahal sa taong madaling nakalimutan ang Nanay ko. I accepted him as my father. But it doesn't include the privileges, riches and many other things he could offer. Never.

Ngayon naiisip ko na kung sana ay pwede na akong makapag-trabaho na kumikita ng malaki ay napapasaya ko pa si Lola. My hugs and kisses are not enough. I want to give her the world she deserves. Kung bagot man ako dito sa bukid, mas bagot si Lola. Wala siyang naging kasama sa pagpapalaki ko. I want to make her happy so bad even though she always insist that I am her happiness. I am not contented with it. I want to give her more... 

Tumigil ako sa pag-sibak at nilingon si Lola. May binuburda na naman siya. 

"Huwag ka pong mag-alala. Balang araw, dadagdagan ko ang tao rito sa atin. Mag-aasawa ako at bibigyan pa kita ng apo." pilyo akong ngumisi. Pero sa likod niyon ay isang seryosong pangako. And I think this is that 'something'. I could not think of any other things that could suffice the loss of her daughter, my mother. Huminga ako ng malalim at napapikit sandali. Pangako, La... dadalhin ko po siya rito. Balang araw.

His Untamed Brat (Hot Trans Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon