Agad kong pinara ang paparating na Taxi sa gate ng subdivision. Abot-abot ang kabog ng aking dibdib habang halos tumalon na ako upang maagaw lang ang atensyon ng driver. Umilaw ang head light nito at nilampasan lamang ako. Nakita kong may sakay pala iyon. Napa-daing ako sa inis at pagka-bigo.
"Please... please..." I chanted. Tumingala ako sa langit at nakitang gabi na talaga. Rush hour na ngayon kaya medyo pahirapan na ang pag-sakay mapa-Taxi man o PUV. And the hell I will ever ride a Jeepney! Never!
Iilang Taxi pa ang dumaan ngunit purong may mga pasajero. I groaned in frustration. Kung sana'y hindi keypad phone itong cellphone ko eh edi sana nakapag-book na ako ng Uber! Inis kong inilabas ang aking phone mula sa sling bag ko at tiningnang muli ang mga mensahe ni Luca.
That was the last message he sent to me. Wala nang sumunod kahit halos magti-thirty minutes na simula noong huli niyang text. Is he busy? Sinumbong niya na ba ako kay Daddy? Nag-uusap na ba sila ngayon tungkol sa mga nagawa kong pinag-takpan ni Luca at ngayo'y isinumbong na? Pinag-hahanap na ba ako?
Mas lalong dinagundong ang dibdib ko sa kakaibang kaba. Gosh! Hindi ko yata talaga kakayanin ang parusa ko! Hindi ko lubos ma-isip kung ano iyon at kung may hangganan pa ba iyon.
I heaved a deep sigh as I tried to compose a text for Luca. Pipindot pa lang ako ay nanginginig na ang mga daliri ko. Napa-pikit na lamang ako sa huli at inis na ibinalik iyon sa bag ko. Shit! Hindi ko kaya! Kinakabahan ako. Natatakot ako. I've never been this scared of Luca. It was never in my wildest dreams na magpadala sa takot ko sa kaniya. I have always been so proud that I have never let myself go weak in front of him. Pero ngayo'y hindi ko yata kakayanin. Hindi ko yata magawang mag-tapang tapangan. Lalo na't alam kong kasalanan ko. Na naman. Shit!
Naka-taas pa rin sa ere ang mga kamay ko habang nag-hihintay ng Taxi na huminto para sa 'kin. I need to be home. Kahit nakakatakot. Kailangan kong makauwi!
Napa-talon ako nang sa wakas ay may tumigil nang Taxi sa harap ko. Agad akong sumakay at halos habulin ko na ang aking hininga habang sinasabi sa driver ang address ng bahay.
"Aling street po roon?" Sabi ng driver.
"Maharlika Street po, Manong. Pakibilisan, please." Nanginginig na sabi ko. Tila na-weirduhan naman ang driver sa inasal ko ngunit hindi na ako pinansin.
I was praying the whole time. Ilang beses kong gustong mag-padyak ng paa sa sobrang kaba. Sobrang kaba na para akong naiihi na ewan. May kumikiliti sa puson ko at para akong nasusuka. Namamawis rin ang mga palad ko.
Marahas akong napa-singhap nang masilayan na mula sa malayo ang mga ilaw ng bahay namin. The tall gate and the guard house. Kinagat ko ng malakas ang aking ibabang labi.
"Heto po, Manong! Keep the change." I said dismissively at agad lumabas ng Taxi. Patakbo akong lumapit sa grills ng gate namin at sinilip ang nakikinig sa radyong gwardya namin.
"Manong! Paki-buksan ho." Katamtamang lakas ng boses na sabi ko. Napa-tingin naman ito sa akin at nanlaki ang mga mata.
"Naku, bata ka! Bakit ngayon ka lang naka-uwi?" Aniya at lumabas ng guard house. Binuksan niya ang maliit na pinto ng gate.
"Salamat po." Sabi ko at agad nang tumakbo papasok ng bahay. Narinig ko pa itong nag 'tsk'.
I swiftly glanced at my phone to see that it is already six forty seven in the evening! Mag-hahapunan na anumang oras!
Pagkapasok ko ng bahay ay narinig ko agad ang mga tunog ng mga pinggan sa Dining Area. Wala pa namang mga boses kaya napanatag ako kahit konti. Mukhang nag-aayos pa lang ang mga kasambahay.
Agad kong tiningala ang hagdanan at lumunok ng laway. Napa-mura ako nang mahina nang bumalik na naman ang malakas na kalabog ng dibdib ko. Para akong aatakehin!
![](https://img.wattpad.com/cover/149112264-288-k535589.jpg)
BINABASA MO ANG
His Untamed Brat (Hot Trans Series #2)
RomanceLike a typical bratenella, Blythe Gia Gomez loves to do rebellious things and gives zero care. Kayang kunin lahat sa isang pitik lamang ng daliri, buhay prinsesa kung maituturing. Pero ang hindi niya inaasahan ay ang pagdating ng taong babago at hah...