Chapter 33

35.5K 1K 189
                                    

Hindi ko matandaan kung kailan ang huling tulog kong mapayapa. Sa sobrang payapa, ang tagal kong nagising. Ang gaan ng pakiramdam ko. Parang may nawalang mabigat na pasanin sa likod ko at nakaka-tunaw ng puso ang sobrang sayang nadarama. I slept so well last night. I couldn't explain how great and amazing it felt, but one thing's for sure: I am very happy. I've never been this happy. At kung may ihihigit pa man rito sa hinaharap, basta sa ngayon, ito na siguro ang pinaka-masayang pangyayari at panahon sa buhay ko.

Ang tagal kong nagising kinabukasan at kung hindi pa ako kinulit-kulit ni Luca ay baka tinanghali na talaga ako ng gising. I think it was around 9:24 am when I felt him shook me. Niyuyugyog niya ang balikat ko sabay bulong.

"Baby... hmm... gising na," paos niyang bulong. I groaned. Siniko ko siya.

"Tsk. Gising na..." patuloy niya. I moaned and covered my face with a pillow. He sighed.

Akala ko titigilan niya na ako pero nagulat na lang ako nang pinupog niya ako ng halik. He removed the pillow from my face. Una sa likod ng teynga, sinisinghot at marahang hinahalikan. Hanggang sa gumapang iyon patungo sa pisngi ko at sa huli'y bumaba sa leeg ko. The feel of his thin stubbles softly brushing against my delicate skin is very calming yet ticklish. I stifled a chuckle.

"Wake up now... I got something for you." Aniya sa baritonong boses. I yawned. Nakapikit pa rin ang mga mata.

"Maya na..." I said in a tiny voice. Suminghap siya at naramdaman ko ang pag-higa niya ng tuluyan sa kama. He hugged me from the back.

"Why do you seem so lazy today?" He asked. Hinahaplos ang kamay ko na nasa tiyan ko. He showered me with soft kisses again.

"I just wanna sleep some more..." sagot ko. Binitawan niya ang kamay ko at marahang idinantay ang kanyang kamay ngayon sa maliit kong beywang. Napa-ngiwi ako sa kiliti.

"You don't wanna see it? Hmm..." may himig ng tukso ang boses niya. I pursed my lips. Anong pinagsasabi nito?

"Ayaw mo talaga? Bahala ka..." he chuckled lowly. Inis akong dumaing at pumadyak-padyak sa ilalim ng comforter. He made my legs steady using his hairy ones.

"Luca, let me sleep!" I hissed. He kissed the back of my ear and sniffed on it. Sobrang nakakakiliti na talaga pero hindi ko magawang umilag dahil ang sarap din sa pakiramdam.

"Itatapon ko na lang? Sayang... sabi mo pa naman ang mamahal nun." Pang-aasar niya gamit ang mababang boses. He really doesn't sound humorous. Kahit kasi mag-biro siya ng nakakatawa, hindi nakakatawang pakinggan dahil sa boses niya!

Na-curious ako sa huling sinabi niya. "What are you talking about?" Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Enough for me to see my white curtains.

"Mac, NARS... coloring materials," aniya. Namilog ang mga mata ko at agad napabalikwas. Gulat akong tumitig sa kaniya, not even minding how I possibly look like as of the moment. Did he just mention my makeups?

"Ano?!" I screamed. He has that annoying smirk plastered on his face.

"Ayaw mong gumising eh kaya itatapon ko na lang. Ibabalik ko pa naman na sana, finally." Umiling-iling pa siya, tila dismayado. I groaned and hit his chest.

"Ugh! Nakakainis ka! Akin na sila!" Dumaing ako nang parang batang nagta-tantrums. He barked a laughter.

At dahil naka-higa pa siya at ako'y naka-upo na, hindi ko maiwasang hindi mapuna ang itsura niya. Still on his sweatpants and white sando, I can clearly see his manliness. His stubbles are a bit darker this time, probably did not shave it for days now. Agaw na agaw niya talaga ang atensyon ko imbes na ang makeups ko ang pag-tuonan ko ng pansin ngayon. Ugh!

His Untamed Brat (Hot Trans Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon