Chapter 24

36.5K 1.2K 297
                                    

It all just seemed to happen in a blink of an eye. Sa isang iglap, nagka-baliktad ang aming mundo. I did not expect it to end up this way. Ni hindi ko namamalayan na napapa-ikot at naibabaliktad ko na pala ang sitwasyon naming dalawa. It was his fault! Kung hindi niya lang sana ako hinabol at parang tangang nagpapaliwanag pa eh 'di hindi na kami umabot pa sa mga bagay-bagay. Umabot pa sa pag-amin ng kaniya-kaniyang nararamdaman! Ugh.

My face heated at the thought of it again. Gosh! Did he really just admit that he likes me? Na gustong-gusto niya raw ako na parang mababaliw na siya? If that's case, then how come I did not notice it all this time? Was I that numb? Dumb? O sadyang pilit ko lang talagang binabalewala dahil sa nababalot na disgusto ko sa kaniya?

If he really likes me, does that mean that all of those thoughtfulness and kindess he's shown me is part of his affection to me? At hindi lang dahil mabuting tao siya? Ugh! I don't know anymore!

He was so good at admitting his damn feelings na pati ako napa-amin din nang wala sa oras! Na kahit ni minsan sa panaginip ko eh hindi ko pinangarap iyon! Nakakahiya kaya! I'm pretty aware that my tears were such a giveaway and even very questionable! Pero hindi ko pa rin inasahang mapapa-amin talaga ako sa kaniya! Just right after admitting it to myself!

All this time, itong mga hindi ko alam na nararamdaman para sa kaniya ay 'yun na pala. These strong emotions I have been having since he came into our lives.. My life.

Anger, frustration, admiration, and... passion. Na dati ay hindi at ayaw ko talagang pangalanan dahil nga nababalot sa poot ang puso't isip ko sa kaniya pero ngayon, eto na. All this time, nababalutan lang pala talaga ang mga emosyong iyon ng pinipilit kong poot at galit.

And I had been very oblivious to the fact that slowly, somewhere deep in my heart, I begun to appreciate him. I learned to acknowledge his presence. I learned to admire him, not just because of his thoughtfulness, but simply because of him. As a person. And most importantly, I learned to... like him.

Napa-tigil ako sa pagiisip nang biglang sumikip ang dibdib ko. I can't contain it! My emotions just overflow like a water. Itong mga nararamdaman ko nitong mga nakaraang araw simula nang pangyayaring iyon ay nakaka-baliw. Hindi ako pinapa-tahimik. And it doesn't help that my stupid heart beats so loud every time I think about him! Damn it!

Oh, poor Blythe. Ni hindi mo man lang talaga namalayang unti-unti na palang napapalitan ang pagkamuhi mo sa kaniya ng ibang emosyon. And I don't really know when or where it even exactly started! Ang natatandaan ko lang, simula noong una ko pa lang siyang nakitang naka-upo sa Dining Table namin ay nararamdaman ko na ito. Maybe, it started from a simple annoyance then gradually turned to hatred and finally developed into something... beautiful. A beautifully light yet heavy feeling.

Na kaya pala hindi ako komportable kapag nariyan siya, naalibadbaran, at naiinis pa, ay dahil hindi ko lang talaga kaya itong mga nararamdaman ko para sa kaniya. At hindi rin matanggap. Kaya mainit ang dugo ko sa kaniya kahit wala naman siyang ibang ginagawa kundi ang maging responsable, maintindihin, at mabait sa akin. How stupid can I be! Ugh.

Ngayon ko lang din natandaan, na siguro simula noong iniwasan niya ako, ay doon ko lang talaga tuluyang napagtanto ang lahat. Naguluhan, dahil bakit naaapektuhan ako nang ganun sa pag-iwas niya sa akin? Bakit nako-konsensya ako? Bakit nasasaktan ako? Little did I know, I was already so drawn to him.

Malamyos akong napa-ngiti habang tinatanaw siya sa malayo. Four days have passed since that incident, pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin talaga lubos na nasi-sink in sa utak ko na may gusto nga sa akin ang lalaking ito. Lalaking dati lang ay inis na inis kong pinakikisamahan. Palaging tinatarayan. Bina-bastos...

His Untamed Brat (Hot Trans Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon