That day, hindi natuloy ang pagsama ko sa bahay nina Clyde. I immediately ended our rendezvous and told him I needed to go back home before anyone in the house knew I sneaked out. Pinigilan niya pa ako nung una, aniya'y pagbigyan ko na raw siya at mukhang magiging madalang na ang pagkikita namin dahil sa nangyari noong nakaraang araw. Pero wala na siyang nagawa nang tumanggi pa rin ako.
Luca's last text sent shivers down my spine! Sobra ang kaba ko. Kaya hindi ko pwedeng isawalang bahala na lamang iyon. It's not that I'm afraid he might really confiscate my milk lotions. Ang ikinakatakot ko ay baka pag naabutan niyang wala ako roon ay baka isipin niyang nakikipag-kita na naman ako kay Clyde! At alam na alam ko na kung anong susunod niyang hakbang kapag ganoon nga ang nangyari.
I swiflty glanced at the busy man in front of me. Nakatalikod siya sa 'kin at abala sa pag-aayos ng kung anong mga papeles. Wearing a button down white shirt, gray slacks, and brown leather shoes. He looks so formal and intimidating. Ang malapad niyang likod ang halos umuukupa ng paningin ko mula rito. Ang suot niyang button down shirt ay perpektong naka-yakap sa kaniyang katawan. Sa bawat galaw niya ay umiigting ang mga muscles niya sa likod at sumasabay sa alon niyon ang tela ng kaniyang damit.
Pinilit kong iniwas ang aking tingin sa kaniya at ibinalik sa binabasa kong libro. The same book I've been reading noong nasa pool ako at naligo ang isang iyan. Hindi ko pa natatapos dahil ayoko munang tapusin sa sobrang ganda nito. Nagbalik ako sa pag-babasa ngunit hindi ko maibigay nang buo ang aking atensyon dahil naaalibadbaran ako sa bawat kilos ni Luca.
He wrote something on the paper habang nakatayo pa rin. At bahagya siyang yumukod. And damn it! The move just emphasized his butt! Dahil hapit rin sa kaniya ang kaniyang slacks, bakat na bakat ang matambok niyang pwet. And it should be weird for a guy to have such a booty but it is not! He looks... sexy. Somehow. What? Oh my...
Iniwas ko ulit ang tingin sa partikular na parte ng katawan niyang iyon at itinaas muli sa kaniyang likod. Ang lapad ng kaniyang mga balikat ngunit pababa sa kaniyang beywang at torso ay lumiliit, parang nag hugis V tuloy. Pagdating naman sa kaniyang pwet at mga hita ay bumalik ulit sa pagiging matigas at malobo. I suddenly wonder if he goes to the gym regularly? Siguro nga, oo. Pero sa pagkakaalam ko ay sobrang busy niyang pesteng iyan! Kailan naman siya sumisingit ng oras upang mag-gym? Ugh.
Mariing tumikhim si Luca at biglang humarap sa 'kin. Napalunok ako nang mag-salubong ang tingin namin. Bumaba ang mga mata niya sa lalamunan kong paniguradong umalon dahil sa pag-lunok. Nag-taas siya ng kilay.
"Are you hungry?" Aniya. Nag-kunwari akong parang wala lang kahit medyo nahiya ako dahil parang nahuli niya akong tinititigan ang likod niya.
"Nope." Sagot ko. He nodded. Ngayo'y ibinalik ko na naman ang aking tingin sa binabasang libro. Sa peripheral vision ko ay nakita ko siyang umikot patungo sa swivel chair ni Daddy at umupo roon. Tiningnan ko siya at nakitang kunot-noo na siyang nagbabasa ng mga papeles. I bit my lower lip.
This is so frustrating! He shouldn't be such a distraction to me but he is! I hate that guy. So much.
"Just tell me if you're hungry, okay?" Biglang sabi niya habang nagbabasa pa rin. He looked so professional sitting on that chair! Sitting on one of the most in demand Architect's chair!
"Just shut up, Luca. Ang ingay mo." Kunwaring inis kong sabi. He chuckled. Natigilan ako habang nararamdaman ang pagtayo ng aking mga balahibo. That chuckle suddenly brings so much worldly thoughts to me. Ano ba! Nakakainis na! Hindi na ako natutuwa!
Padabog akong nagpalit ng posisyon dito sa sofa'ng kaharap ng desk ni Daddy. Sumandal ako sa gilid ng sofa at patagilid ring tumalikod kay Luca. My back is now on full show in Luca's eyesight.
BINABASA MO ANG
His Untamed Brat (Hot Trans Series #2)
RomanceLike a typical bratenella, Blythe Gia Gomez loves to do rebellious things and gives zero care. Kayang kunin lahat sa isang pitik lamang ng daliri, buhay prinsesa kung maituturing. Pero ang hindi niya inaasahan ay ang pagdating ng taong babago at hah...