Chapter 2

30.2K 1.1K 224
                                    

Isang milagro at maaga akong nagising kinabukasan. Matagal akong naka-tulog kagabi dahil sa pagkaka-tuwa ko sa ginawa ko roon sa lalaki. I feel so satisfied about it. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mag-isip pa ng mga maaaring gawin ko pa sakaniya.

Buong gabi akong naka-titig lang sa kisame habang tamad na naka-higa sa kama ko, nag-lalakbay ang isip ko roon sa mentee ni Daddy. Luca... great name, huh. Too bad I hate him.

Bukod sa inggit at selos ko sa atensyon na ibinibigay sakaniya ni Daddy ay talagang hindi ko siya gusto at naiinis ako sakaniya. I know it's irrational to hate someone you don't even know but who cares? Eh, sa hindi ko siya feel at sadyang naiinis ako sa pagkatao niya. May magagawa ba sila?

I badly want to talk to Dad. Kumbinsihin siya na sana ay huwag na lamang niyang patirahin ang lalaking iyon dito. Fine, kung gusto niya iyong tulungan, eh 'di okay! Pero hindi niya na kailangan pang patirahin ang lalaking iyon dito.

As much as I want to speak with Dad, I know his decision could never be altered anymore. Pinal na iyon at hindi na mababago pa.

Pababa ako ng hagdanan ay naka-taas na agad ang kaliwang kilay ko. That guy is probably just somewhere here, lurking. Sabado ngayon kaya wala akong klase. Iyong lalaking iyon kaya? I heard he's a graduating student na. Siguro ay petiks petiks na lamang iyon dahil magiging Magna Cum Laude pa? Napa-irap ako.

"S-sir, este... Ma'am Blythe..." bungad sa 'kin ng isang kasambahay. Ito iyong natarayan ko kagabi. Humalukipkip ako.

"What?"

"Handa na po ang agahan niyo. Nakaalis na po kasi ang mga magulang niyo at tapos na rin pong kumain sina Ma'am Von at Sir Justin." Aniya. Tumango ako at nag-tungo ng dining area. Narinig ko namang sumunod ang kasambahay.

On my way to the dining area, may nahagip ang mga mata ko. Sa malayong dapit ay may malaking bintana kung saan kita ang malawak naming garahe. At kitang-kita ko roon si Luca na hubad baro at nag-pupunas ng sasakyan. Our family car. Natigilan ako.

Napa-lingon ako sa kasambahay at nakitang natigilan din ito at napa-tingin din kay Luca. Tumikhim ako kaya napa-kurap kurap siya.

"Anong ginagawa ng lalaking iyan?" Tanong ko.

"Uh, eh. Kanina pa po iyan, eh. Dalawang sasakyan na nga po ang nalinis niyan." Anito. Nanliit ang mga mata ko sabay baling ulit kay Luca.

Tumitig ako sa itsura niya. Kupas na maong na shorts at puting tsinelas lamang ang suot niya. Walang pang-itaas at hindi ko mawari kung dahil ba sa tubig o pawis at tila basang-basang ang pang-itaas niyang katawan.

I'm right. He's really moreno. Ang katawan niya'y malayo sa mga lalaking ka-edad ko. Nagpuputukan ang mga ugat sa mga braso niya at mayabang naman ang kaniyang dibdib. Kitang-kita ang mga biyak ng kaniyang muscles mula rito. At sa bawat galaw niya ay kumikinang ang kaniyang morenong balat.

Ilang sandali pa akong nakatitig sakaniya nabg biglang tumikhim ang letcheng kasambahay sa likod ko. Napa-pitlag ako at inis na nilingon ito.

"Huwag mo nga akong ginugulat!" Pinanlakihan ko siya ng mga mata. Parang tuta naman itong yumuko.

Inirapan ko ulit siya at sinulyapan muli si Luca. Pagkatapos ay mataray na akong nagpatuloy sa paglalakad.

Nang naka-pasok ng dining area ay handa na ang mga pagkain ko. Hindi pala ako masyadong maaga nagising dahil ako na lang ang hindi pa nakakain. Nag-tungo ako sa kabisera kung saan umuupo si Daddy at dun umupo. Agad naman akong inasikaso ng kasambahay.

"You're new." I noticed habang nakatingin sakaniya. Natigilan naman ito at tipid na ngumiti.

"Ah, opo. Nung nakaraang linggo lang. Ako po si Kuling." Pakilala niya. Umikot ang mga mata ko.

His Untamed Brat (Hot Trans Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon