Pagkalabas ay dinumog kami ng mga tao. Kaliwa't kanan ang pagfa-flash ng mga camera. Napa-pikit ako ng matantong masyadong agresibo ang mga tao sa pakiki-usisa at halos hindi na kami maka-daan. I held on to Bryan's back as I was supporting his balance. Parang gusto kong mag-sisi na pinaalis ko ang mga bodyguards ko! No one is obliged here to help us! Kung wala ang dalawang bouncers na nakaalalay samin ay baka hindi na kami nakalabas ng tuluyan.
Habang inaalalayan si Bryan ay bigla na lamang siyang bumagsak. Tumili ako at agad nagpa-tulong sa mga bouncers.
"Bryan! Bryan!" I panicked. Bigla na lang siyang nawalan ng malay!
"Brod, isakay na natin dun sa ambulansya! Hindi pa lumalabas iyong duguan kaya unahin na natin ito." Sabi ng isang bouncer sa kasama niya. Natigilan ako habang pinapanood silang kinarga si Bryan at ipinasok sa loob ng naghihintay na ambulance. Hindi pa nakaka-labas si Luca? Then what the hell is he still doing there? Duguan siya! He needs to be attended as soon as possible!
Lumingon ako sa club na punong-puno ng mga nang-uusisang tao. Patuloy pa rin ang pag-iilawan ng cameras. Parang gusto kong pumasok ulit at hilahin si Luca palabas! I can't help but get worried!
"Ma'am, halika na ho. Kailangan ng isugod sa ER ang nobyo niyo at mukhang hindi kinaya ng katawan niya." Putol sakin ng bouncer. Mariin na lamang akong napapikit at pumasok na rin sa ambulansya.
Umiiyak ako habang bumibyahe patungong ospital. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Hindi ko alam kung alin ang mas matimbang. Nag-aalala ako ng sobra kay Luca! Kahit ganun ang nangyari, kailangan niya paring matutokan dahil duguan siya at mas delikado dahil ulo niya ang na-dehado. But I can't also leave Bryan here all alone! He's unconscious and he's my responsibility! Nasapo ko na lamang ang mukha ko at tahimik na umiyak.
Hindi raw nakayanan ng katawan ni Bryan ang nangyaring suntokan. Sabi ng doktor ay dahil sa tinamong mga suntok at ginamit na lakas, hindi nakayanan ng katawan ni Bryan. Not to mention he's drunk. Hihintayin na lamang daw na gumising at inoobserbahan din siya para sa mga iilang pwedeng sanhi ng kaniyang pagkawalang malay.
Naka-upo ako sa sofa ng private room ni Bryan ng bumukas ang pinto. Pumasok si Daddy, Mommy, Ate Von, Kuya Miko at Justin sa loob. Agad akong umiyak.
"Bly! Oh my goodness!" Nag-aalalang sabi ni Mommy at agad akong niyakap. I cried so hard and I don't know if it's still because of Bryan's condition or what. Ang alam ko, labis labis ang pag-aalala ko! Para akong mababaliw.
"What happened, Blythe? Laman kayo ng mga balita! Dis oras ng gabi at ganito ng maririnig namin!" Halong galit at pag-aalala ang boses ni Daddy. I saw Ate Von checked Bryan's swollen face. Si Justin naman ay madilim ang mukhang pinagmamasdan ako.
"I-i don't know.. we were just partying and I.." hindi ko matapos-tapos ang sasabihin. Hindi ko alam kung paano ito ie-explain sakanila! Ngayon ko lang napag-tanto kung gaano kahirap ipaliwanag ito kina Daddy. It involved Luca Lagdameo! At ni wala silang alam na may interaksyon kami ni Luca!
"Bakit nag-susuntokan si Bryan at Luca Lagdameo? Paano nangyari ito? Anong dahilan?" Sunod-sunod na tanong ni Daddy. Mas lalo akong umiyak.
"Duguan raw si Luca.." narinig kong sabi ni Ate Von sa asawa niya.
"Jesus Christ! This is such a big scandal, Blythe! Why did you involved yourself into this! Ano na lamang ang masasabi ng mga kliyente natin, at ng mga Sy?" Halos manginig si Daddy sa galit at kunsimisyon.
"I'm sorry, Dad.. hindi ko talaga alam.. bigla na lang-"
"Bigla na lang ano? Sabi-sabi ay sumugod na lang daw bigla si Luca sainyong dalawa ni Bryan. Anong dahilan?" Daddy is burning me with all these questions. I can't answer him! Kahit gusto kong magsalita, walang lumalabas sa bibig ko!
BINABASA MO ANG
His Untamed Brat (Hot Trans Series #2)
RomanceLike a typical bratenella, Blythe Gia Gomez loves to do rebellious things and gives zero care. Kayang kunin lahat sa isang pitik lamang ng daliri, buhay prinsesa kung maituturing. Pero ang hindi niya inaasahan ay ang pagdating ng taong babago at hah...