Pinapanood ko ang sabay-sabay na pagtatayuan ng lahat matapos mag-agahan— Martes ng umaga. Bagsak ang balikat akong naka-upo habang naka-tingala sakanilang lahat na abala na sa pagbibilin ng kung anu-anong mga bagay bago tumulak sa kanya-kanyang paroroonan.
I don't know what will happen today, tomorrow, and so on... Ang alam ko lang, may magbabago. At involve ang walang hiyang si Luca roon.
Daddy did not dare talk to me. Mommy only gave me reassuring words. Ate was just there going with the flow. And my son of a bitch little brother was obviously happy with all of these.
"Tumayo ka na riyan, Blythe..." Aling Eula drawled lazily. Napa-tingin ako sakaniya at nakitang may katabi siyang dalawang kasambahay. Maaaring naghihintay sa paglisan ko rin upang ma-umpisahan na ang kanilang pagliligpit.
Nilipat ko ang aking tingin sa labasan ng Dining Area at natantong ako na lang pala ang natira rito. Lahat sila ay nakalabas na. Bumuntong hininga ako at tumayo na rin. Binitbit ko ang aking LV sling bag at tumulak na rin.
Paglabas ng bulwagan ay nakaabang na ang aming family car. Nasa loob na si Justin at naghihintay namang nakatayo si Luca sa labas ng naka-bukas na pintuan ng sasakyan habang mariing nakatingin sa 'kin.
"Take care, Blythe." Agaw pansin ni Mommy sa 'kin na naka-tayo sa kaliwang gilid ng bulwagan. Lumapit ako sakaniya at hinagkan siya sa pisngi.
"Sayang at nagmamadaling umalis ang Daddy mo, hindi ka na naka-halik..." aniya. Walang pag-asa ko lang siyang tiningnan at napa-iling.
"I'll go na." Mahina ang boses kong sabi. Tumango siya kaya naglakad na ako palapit sa sasakyan.
Sinalubong ko ang titig ni Luca at kahit nanghihina ay sinikap kong pagtaasan siya ng kilay. I won't ever give this asshole the satisfaction of seeing me losing.
Huminto ako sa harap niya at pinaningkitan siya ng mga mata. Umayos naman siya ng tayo.
"What are you going to do now, then?" Mapang-hamon kong sabi. Isang beses siyang kumurap ngunit nanatiling tahimik.
"You're like my, what, babysitter now? Taga bantay? Gawaing sipsip? Pabida?" I said tauntingly. Kitang-kita ko ang agarang pag-iba ng kulay ng kaniyang maiitim na mga mata. Naging mas madilim pa ang mga ito.
"Well, okay..." I drawled and smiled sarcastically. Nag-kibit balikat ako. Pagkatapos ay itinaas ko ang aking sling bag at inabot sakaniya.
"Bitbitin mo." Utos ko. Umigting ang mga panga niya at bumaba ang tingin sa hawak kong bag.
"Bilis. Nangangalay na ako." Maarteng sabi ko. Ipinilig niya ang kaniyang ulo pa-kaliwa bago matalim na tumitig sa 'kin.
"Gusto mo rin talagang nagra-grounded, huh?" Mariin niyang tanong.
"Nag-rereklamo ka? Gusto mo isumbong kita?" Taas ang kilay ko namang sabi. Kumawala ang ngisi sakaniyang labi. Ngising inis at may pagbabanta.
"Baka gusto mong ikaw ang isumbong ko?" Aniya at humakbang palapit sa 'kin. Natameme naman ako sa biglaang galaw niya. Bahagyang nanginig ang kamay kong naka-angat sa ere at hawak ang bag ko.
"Baka nakakalimutan mong ako ang binilinan ng Daddy mo sa'yo? Ibig sabihin, ako ang awtoridad dito." May halong pang-aasar niyang sabi. Napa-kurap kurap ako.
"At ibig sabihin din nun , ikaw ang susunod sa 'kin." Pabulong niyang sabi bago mabilisang umatras at iniiwan akong gulantang at mabilis ang hininga.
"Now, get in the car." Mariin niyang utos. Parang may majika naman ang kaniyang boses at tulala din akong napa-sunod. Nilingon ko siya at nakitang kinawayan niya na si Mommy. I hope Mommy heard everything he just told me!
BINABASA MO ANG
His Untamed Brat (Hot Trans Series #2)
RomanceLike a typical bratenella, Blythe Gia Gomez loves to do rebellious things and gives zero care. Kayang kunin lahat sa isang pitik lamang ng daliri, buhay prinsesa kung maituturing. Pero ang hindi niya inaasahan ay ang pagdating ng taong babago at hah...