Chapter 47

36.3K 1.3K 1.1K
                                    

All I hear is people screaming my name. Ni hindi ko na naaaninag ang mga mukha nila dahil sa sobrang liwanag ng mga flashes ng camera. I clinged to Justin's arm as he guided me towards the long red carpet of the entrance.

May tatlong baitang ng hagdanan pa kaming dadaanan bago ang mahabang red carpet. Sa itaas ay may nakaabang na parang event staff at sinesenyasan na ako. Nang nakalapit ay malapad ang ngiti nito habang patuloy sa pag-tawag ng pangalan ko ang mga media sa gilid.

"Ladies first to brace the red carpet." The staff lady said. Lumingon ako kay Justin na tinanguhan lang ako.

I gasped for air as I started walking down the long red carpet. I imagined it being one of those long runways back in the US. I kept my straight face as I walked towards the middle. One slow motion turn, I faced them again with the best smile I could ever give. Mas lalong nag-hiyawan ang mga tao.

"Blythe! Blythe!"

"Baddest!"

Lumingon ako sa kapatid kong kasalukuyang rumarampa din. Suplado siyang naka-tingin sa mga camera. I grinned at him.

"I hate this." He hissed when he got next to me. I clinged to his arm again. Sabay na kaming naglakad ngayon patungo sa entrada ng tower. Medyo konti na lang ang tao roon kaya napa-hinga si Justin nang malalim.

"Finally." Aniya.

Kahit bahagyang naagaw na ng pag-rampa ko ang atensyon ko, sa likod ng isip ko'y hindi pa rin ako mapakali sa nakita ko kani-kanina lang. Agad nag-likot ang mga mata ko sa unahan at nakitang wala ng ibang panauhin doon. Siguro ay nakapasok na.

May isang staff na naman ang naka-ngiti at aalalay sa 'min pagdating sa entrada. The fancy lobby of the Romualdez Tower feels so luxurious and it has another red carpet leading to another door. Probably the function hall or something.

"Bly, we should look for ate Von." Ani Justin habang patungo kami sa function hall.

"May designated table na tayo. Baka dun din uupo si Ate mamaya." Sabi ko.

I rolled my eyes when I saw another staff waiting and beaming at us outside the function hall's double doors. Tumikhim si Justin at tumango.

"Gomez."

Awtomatikong binuksan ng babae ang pinto at sumabog ang malamyos na musika na ginawa pa yata noong Renaissance period. Kaloka!

I instantly saw familiar faces in the crowd. Mga bigating personalidad mapa business, showbiz, at politika man. Sa pinaka-dulo at gitna ang engrandeng stage kung saan magsasalita ang mga may-ari ng kompanyang ito. 

Tama nga si Mommy nang sinabi niyang oportunidad ito para sa mga negosyanteng naghahanap ng malalaking investors at projects. Kung dati ay hindi na namin kailangang gawin ito, pero masakit mang tanggapin, eh, kailangan na namin ngayon para makabawi sa nagawang pagkakasira ng imahe namin gawa ng trahedya ilang taon na ang nakalilipas.

An old man suddenly came to us holding a glass of whisky. He smiled at us.

"Gomezes! Who would forget such lovely faces..," bati ng matanda. He offered a hand and we shook it with all due respect.

"In case you have completely forgotten me, young kids, I am Primador Ayala. Nice to see you again." The old man screams of so much royalty and elegance. I can't help but admire.

"Oh, Tito, I've always looked up to your family since I was a kid. Who would forget the father of real estate and supermarkets here in the country?" Ngiti ko. Kahit sobrang plastik ko yata dun, kebir lang. Humalakhak ang matanda.

"You know what to say, huh? No doubt, you are Eduardo's children." Tumango-tango siya sa amin ni Justin.

Habang nagpapalitan kami ng mga salita ay may lumapit pa sa aming ibang tanyag na tao. Famous showbiz personalities also came to our circle and I must say that they really have never forgotten the Gomez Architectural Firm.

His Untamed Brat (Hot Trans Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon