I took a long deep breath as I firmly held on to Luca's hand. Pagkalabas namin ay nakita agad namin ang matangkad na matandang lalaki na pinapalibutan ng dalawang bodyguards. Nahagip kami ng kaniyang paningin at agad itong humarap upang salubungin kami.
I stared at the old man's face. He looked so much like his son. Iyon nga lang, hindi siya maamong tingnan. Na isip ko na baka namana ni Luca sakaniya ang kaniyang tikas ngunit sakaniyang ina niya naman namana ang pagiging maamo ng mukha. Tumikhim si Luca nang tumigil kami sa harap ng matanda.
"Papa." Matigas ang pagkaka-bigkas niyon ni Luca. Governor Hernezto Lagdameo is probably just my father's age. At hindi ko maipagkakaila na hanggang ngayon ay may kakaibang tikas pa rin ang matanda. I imagined Luca in his old age. Natawa ako sa isip ko.
"Son." Tumango ang matanda at tinapik ang balikat ni Luca. Dahan-dahang lumipat ang tingin nito sa akin. Tipid itong ngumiti sa akin.
"Architect Gomez." Naglahad ito ng kamay. Tinanggap ko naman at ngumiti sakaniya. This man is my father-in-law. There are so many reasons to hate him but I'm sick of hating. Isang aral na natutunan ko sa lahat ng ito ay ang importansya ng pagpapatawad. Hindi ko man lubos na naintindihan ang rason niya kung bakit niya iyon nagawa ay wala na akong pakialam doon. Masyado nang mabigat para mag-kimkim pa ng sama ng loob. Lalo na ngayong asawa na ako ng anak niya.
"Good afternoon, Governor." Malamig kong sabi. Huminga siya ng malalim at bumaling kay Luca.
"Congratulations to the both of you." Aniya. Tumango si Luca at ngumiti ng tipid.
"Thank you, Pa."
"I just dropped by to see you two before I head back to Manila. You see, hindi pa masyadong maayos ang firm pero ilang kilos na lang ay magiging maayos na rin. And, son," pinutol niya ang sinasabi at bahagyang napapikit. Pagkatapos ay nakita ko ang bahid ng pag-aalala sa mga mata niya para sa anak.
"Carlos is not happy about the annullment. We had a row. And I'm scared he might pull a stunt-"
"Subukan niya lang. Ako mismo ang magpapa-kulong sakaniya." Marahas na buga ni Luca. Hinaplos ko ang braso niya at pinakalma. Umiling-iling ang Papa niya.
"You know, son, I regret the day I met him. He brought nothing to our family but chaos and evilness. I hope someday you'll forgive me." Yumuko siya at bigong napa-titig sa sahig. I can see his genuine remorse and I can't help but to butt in.
"We already forgive you, po. My husband and I wants to start our journey as a married couple without hatred in our hearts." Tipid akong ngumiti sakaniya at tumango. Nag-angat ng tingin ang matanda sakin at kitang-kita ko ang mamasa-masa nitong mga mata. He smiled at me and the wrinkles in the sides of his eyes showed.
"T-thank you, hija. And please, call me Papa. You are now a Lagdameo. You are now my daughter-in-law." Aniya. Humigpit ang hawak ni Luca sa kamay ko. I looked up at him. I gave him a cute smile before nodding at Papa.
"I will, Papa."
Suminghap siya at bumaling kay Luca. Tinapik niya ulit si Luca sa balikat at ngumiti.
"I'm so proud of you, son. You have my back this time. I promise." Anito. Ngumiti siya sa akin at tumango.
"I'll go ahead. Best wishes, you two."
Pinanood namin ang pag-alis ni Governor Hernezto kasama ang dalawang bodyguard. Nag-angat lamang ako ng tingin kay Luca nang nawala na ito sa paningin namin. Inabot ko ang pisngi niya at hinaplos iyon. Napa-tingin siya sakin at ngumisi ako sakaniya.
"Damn, baby, I love you so much." Napapikit siya at mahigpit akong niyakap. Natawa ako sa dibdib niya.
"I love you, too. It's time for us to forgive him. I can see that he's genuine." Bulong ko. Kumalas siya at sinakop ang mukha ko gamit ang dalawang kamay. Pa-lipat lipat ang mga mata niya sa dalawa kong mata.
BINABASA MO ANG
His Untamed Brat (Hot Trans Series #2)
RomanceLike a typical bratenella, Blythe Gia Gomez loves to do rebellious things and gives zero care. Kayang kunin lahat sa isang pitik lamang ng daliri, buhay prinsesa kung maituturing. Pero ang hindi niya inaasahan ay ang pagdating ng taong babago at hah...