Mabilis kong tinahak ang palabas ng tanggapan ng office ni Dad. Kitang-kita ko pa ang pagkaka-lito ng sekretarya ni Dad nang makita ang luhaan kong itsura. Wala akong ibang gustong gawin kundi ang makaalis nang mabilis sa lugar na ito dahil natatakot ako. Natatakot na ako sa nararamdaman ko. Malakas at matindi na hindi ko maintindihan. Ulit. Kinakain ang buo kong pagkatao at hindi ko alam kung saan kukuha ng eksplenasyon. It is so strong I can't even contain it. Ang alam ko lang, masakit.
Nang nakalabas ng tanggapan ng opisina ni Daddy ay lumiko agad ako patungo sa pinaka unang tanggapan ng firm. Nakaka-salubong ko ang mga abalang tao at nagpapasalamat ako dahil walang nakaka-pansin sa luhaan kong mukha.
Kumalabog nang malakas ang dibdib ko nang nakarinig ng mabibigat na hakbang. I don't know but the moment I heard it, I automatically thought of him. Siya iyon. Hindi ako pwedeng magkamali.
"Blythe!" Mababa at may pag-iingat niyang tawag. Napapikit ako nang mariin kasabay ng pag-tulo ng matatabang luha ko. Fuck!
Mas binilisan ko pa ang pag-lalakad ko. Hindi niya ako pwedeng maabutan. Hindi niya ako pwedeng makita nang ganito. Hindi!
"B-blythe... no. No." May naririnig akong taranta sa boses at mga hakbang niya. Mas lalong kinurot ang puso ko. How could he act like that after all he's done? Damn him!
"Stop. Please, let's talk." Seryoso niyang sabi at narinig ko na ang pag-takbo niya. At dahil sa mas malalaki ang biyas niya kesa sa akin ay madali niya agad akong naabutan. Ma-ingat niyang hinila ang kaliwang braso ko.
"H-hey..." humahangos niyang tawag. Naka-talikod pa rin ako sa kaniya habang mahigpit niyang hawak ang braso ko. Hindi ko siya nililingon sa takot na baka makita niya ang pagka-wasak ko.
"Face me. I need you to face me." Hingal niyang sabi at pilit hinuhuli ang mukha ko. Kinagat ko nang marahas ang ibabang labi ko upang pigilin ang nag-babantang hikbi. I just can't! Bukod sa ayokong makita niya ang mukha ko, we are also in the middle of this fucking busy firm!
"Let's talk, please... what you saw—"
"Was not my business. Let go." Pinutol ko na agad siya. Mas lalong humigpit ang hawak niya sa braso ko at mas inilapit pa ang sarili niya sa akin.
"N-no. Cassie... C-cassie, she was just there to—"
"I don't care and I don't need to know." Putol ko ulit.
"Fuck!" Malutong niyang mura. May halong frustration at galit na ang tinig niya. What's the use of explaining, anyway? Why is he acting like this all of a sudden?
"B-blythe, I need you to understand. Come on..." nag-susumamo niyang sabi. Napa-ngisi ako habang tahimik na nagpapa-tuloy sa pag-agos ang mga luha ko. Bakit pa ba? Bakit siya nagpapaliwanag? Takot ba siyang isumbong ko siya kay Daddy? Kasi ginawa niyang motel ang opisina ng ama ko?
"Again, there's no need. Let go." May diin ko nang sabi. Hindi pa rin siya nililingon habang parang na-uulol siyang hinuhuli ang mukha ko mula sa likuran.
"Come on..." tila nasasaktang pakiusap niya.
"Masakit na ang braso ko, Luca. Bitawan mo na ako." Mariin kong sabi. It amazes me to hear how calm and collected my voice is as of the moment! I'm already fucking wrecked inside! I'm hurting!
"Let's talk... please." He begged. This time, he already begged. Suminghot ako dahilan upang marinig niya ang munting hikbi ko. Hold it, Blythe!
"Baby.."
And there. My heart clenched so tight. Tuluyan nang kumawala ang hikbi ko kasabay nang mabilis na pag-yakap sa akin nang mahigpit ni Luca mula sa likod. How dare he call me that! How dare he call me his baby again! After making me feel worthless? After making me feel so bad? Tapos ngayon tatawagin niya ulit ako nang ganoon? Hindi niya ba alam na kay tagal ko nang gustong marinig ulit iyon sa kaniya? Na kay tagal ko nang nami-miss ang malambing niyang pag-tawag sa 'kin ng ganoon? Kahit na noon naman ay naiinis ako at hindi ko maintindihan? Kahit paulit-ulit kong pinandidirihan ang pag-tawag niya sa 'kin ng ganoon pero hahanap-hanapin ko rin pala ngayon? At ngayon eto, ano, biglang balik ulit? Matapos niyang makipag-halikan sa iba?
BINABASA MO ANG
His Untamed Brat (Hot Trans Series #2)
RomanceLike a typical bratenella, Blythe Gia Gomez loves to do rebellious things and gives zero care. Kayang kunin lahat sa isang pitik lamang ng daliri, buhay prinsesa kung maituturing. Pero ang hindi niya inaasahan ay ang pagdating ng taong babago at hah...