Chapter 4

23.4K 1K 147
                                    

Tanan ng sasakyan ay nag-hihimagsik ang kalooban ko dahil sa nangyari. Dagdagan pa na katabi ko ang hayop na lalaking ito. Napapa-gitnaan ulit ako ng dalawa at konti na lang ay pag-sasabunutan ko na sila sa inis.

"Baka nakakalimutan mo ang rule ni Dad, Bly." Ani Justin. Matalim ko siyang sinulyapan. Magkahalong panunuya at tuwa ang makikita sakaniyang mukha.

"Tumahimik ka." Mataray kong sabi.

"Lunes na lunes maglalakwatsa ka agad?" Patuloy niya.

"Ano bang pake mo? Hindi naman ikaw ang mapapagalitan, ah!" Singhal ko. Umingos naman siya.

"And you're with Gabby again! The last time na magkasama kayo, gabing-gabi ka na nakauwi." Paalala niya. Umusok na ang ilong ko sa inis ngunit inirapan ko na lamang siya sa huli at padabog na sumandal sa upuan ko. Tumutok na lang sa daan.

"Was that your classmate?" Nabigla ako nang biglang mag-salita si Luca sa gilid ko. Nawala siya pansamantala sa isipan ko dahil kay Justin pero nang kumibo siya ay naalala ko ulit. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Why are you asking?" Tanong ko. Tumikom ang kaniyang bibig at seryosong tumingin sa 'kin.

"Saan pala kayo patungo?" Dagdag niya. Kumuyom ang mga kamao ko sa panggigigil.

"Ugh! Bakit ba kayo tanong nang tanong? Ha? Pwede ba, huwag kayong makialam!" Singhal ko. Natahimik ang sasakyan pagkatapos kong sabihin iyon. Tiningnan ko ulit ang kapatid kong patay malisyang nag-lalaro na sakaniyang iPad at binalingan din ulit ang lintek na lalaking tahimik at seryoso ring naka-tingin sa daan.

Hindi ko alam kung saan ako sobrang naiinis. Sa kakatanong at pangingialam ba nila o dahil lang talaga kay Luca. Pero agad ko ring napagtanto iyon dahil simula nang maka-sakay ako rito ay umaapaw na ang inis ko. At dahil iyon kay Luca! Sakaniya lang! Lalong lalo sakaniya!

Pa-simple ko siyang sinilip sa gilid ko. Nakita ko siyang seryoso pa ring nakatanaw sa labas. Suot ang kaniyang unipormeng hapit sakaniyang katawan. At ang medyo may kahabaan niyang buhok ay tumatabing sakaniyang noo. Bumaba naman ang tingin ko sa mga kamay niyang ma-uugat at solido. Mabilis ko ring iniwas ang aking tingin at marahang tumikhim.

Nang nakarating sa bahay ay unang bumaba si Justin. Patakbo itong pumasok ng bulwagan. Napa-irap ako sa inis. Tiyak na magsusumbong na iyon! Argh!

Sumunod akong bumaba at nilingon ang pababa na ring si Luca. Humalukipkip ako at inabangan siya. Natigilan naman siya nang makita akong mataray na nakatayo sa harapan niya.

"How dare you boss me around, you asshole?" Marahan at mahina kong sabi ngunit puno pa rin ng inis at galit. Ang gulat sakaniyang mukha ay kalauna'y napalitan ng ka-walang emosyon. Umayos siya ng tayo at pumamulsa.

"I am not bossing you around, kid. I am just following your father's rule since I am now living in your house." Pormal niyang sabi.

"My Dad's rule is only for us! Hindi ka niya anak kaya hindi ka obligadong sumunod!" Sabi ko.

Hindi siya nag-salita. Naningkit lang ang kaniyang mga mata at isang hakbang na umabante palapit sa 'kin. Agad kumalabog ang dibdib ko. Kahit nababahala ako'y hindi pa rin ako umatras. Pilit nag-tatapang tapangan ko siyang sinalubong ng tingin.

"Oo nga. Hindi niya ako anak. Pero ba't ikaw, anak niya nga, pero hindi pa rin magawang sumunod sa utos niya?" Magkahalong panunuya at pang-iinis ang boses niyang sabi. Hindi agad ako nagdalawang isip na itulak siya palayo sa sobrang inis. How dare he!

"Ang kapal ng mukha mong pangaralan ako! Bakit, sino ka ba? Ha?" Galit kong sabi. Mabilis na ang hininga ko sa sobrang galit na nararamdaman. Si Luca naman ay kalmado pa rin ngunit halatang nagtitimpi na. Hah! The audacity!

His Untamed Brat (Hot Trans Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon