Pag-tapak ko pa lang sa public bus ay nanginig na ako. Shucks! I mean, I'm not really new to commuting but clearly not like this one! Kung hindi Taxi, eh, Uber at Grab naman! Pero bus? Pampubliko pa? Napa-ngiwi ako nang may humatsing na pasajero pagdaan namin. Kumapit agad ako sa braso ni Luca at itinago ang mukha doon. This is my first time riding a bus! At bi-byahe pa nang matagal!
"Hey... Are you okay?" Sinilip ni Luca ang mukha ko. Ngumuso ako. Ayokong ipahalata na nandidiri ako pero halata siguro sa mukha kong ganoon nga.
"Saan ba tayo uupo?" Tanong ko. Medyo nagsisiksikan pa kasi kaya natatagalan kami. Napa-singhap ako nang makitang may mamang malagkit na naka-tingin sa 'kin. Bago pa ako maka-tago sa braso ni Luca ay mahigpit niya nang pinulupot ang braso niya sa beywang ko.
Mabilis ang ginawa niyang pag-kilos at agad kaming naka-upo. Pina-una niya ako kung saan katabi ng bintana at sumunod naman agad siya. As soon as we were both settled down, he kissed my temple and whispered his sincere apology.
"I'm sorry. I know you're not comfortable," aniya. Bumuntong hininga ako. Totoong hindi ako komportable pero sa ginawa niya ay na-ibsan kahit papaano ang nararamdaman ko. I feel at ease, somehow.
"We could've just let Manong Andoy take us there." Sabi ko. Nanatiling naka-piid ang labi niya sa sentido ko.
"Ayokong makaabala. Family car niyo iyon at hindi lang tayo ang gagamit." Aniya. Umiling ako at inilayo ang mukha sa kaniya. His dark eyes stared at me.
"May dalawang bakanteng car pa kami. Iyong nililinisan mo?" Nguso ko. Bahagya akong na-distract nang kunin niya ang kanang kamay ko at ipinag-salikop iyon sa kaniya. He then kissed the back of my hand.
"That's too much to ask for, baby. Nahihiya ako sa Daddy mo." Mahinang sabi niya. I felt my heart clenched at that. Alam kong down to earth talaga siyang tao pero hindi ko pa rin maiwasang mamangha.
"Daddy will let you use it because I'm with you. He cares for my safety and well-being. I'm his child after all." Sabi ko. He sighed.
"I know. Pero hindi pa rin ako gagamit." Nag-iwas siya ng tingin. Look at this proud man! Typical na ma-pride na lalaki! Kinurot ko ang braso niya.
"And look at me now! Ang init! Ang sikip pa." Reklamo ko. Nakita kong napa-tingin ang babaeng naka-tayo sa akin at tinaasan ako ng kilay. Tinaasan ko rin siya ng kilay at inirapan.
"I'm sorry... Sa private na tayo sasakay pag-uwi. Iyong may aircon." Aniya.
Kahit naiinis pa rin ay hinayaan ko na lang sa huli. Yumakap na lang ako sakaniya at isinubsob ang mukha sa dibdib niya. I should not let this whole thing consume my thoughts while I am with him. It's our first time going out of the town and it is something I cannot just take for granted!
Nakarating kami sa La Union bandang alas onse ng umaga. The Sun is very cruel to my skin and I made Luca's tall built as my weapon against it. Siya itong bilad na bilad pero parang wala lang.
Another traumatic event for me was when we rode a tricycle to the beach, and I had to crouch all the time because of its small space inside. Gosh! Naiirita na talaga ako! Aawayin ko talaga itong damuho pagdating mamaya sa beach!
Nauuntog pa ako minsan sa tuwing may dadaanang lubak na daan. Matalim na ang tingin ko kay Luca ngunit nanatili lang ang apologetic niyang itsura. He crouched to kiss my cheek.
"I'm sorry." Bulong niya. Kahit inis ay natatahimik na lang talaga ako. Nalulusaw ang inis ko kapag nag-lalambing siya at nang-hahalik. Napaka-pasensyoso niya pagdating sa 'kin. Pero hindi kapag may lalaking involve. Ganun ang sabi niya. I smirked inwardly.
Nakarating na kami sa isang tahimik na beach resort. Hindi masyadong kagandahan ang tanggapan at mga cottages ng resort pero bawing-bawi sa ganda at linis ng dagat. There were only few people around. Mostly families. Tumingala ako kay Luca.
BINABASA MO ANG
His Untamed Brat (Hot Trans Series #2)
RomanceLike a typical bratenella, Blythe Gia Gomez loves to do rebellious things and gives zero care. Kayang kunin lahat sa isang pitik lamang ng daliri, buhay prinsesa kung maituturing. Pero ang hindi niya inaasahan ay ang pagdating ng taong babago at hah...