Chapter 46

28.9K 1.2K 569
                                    

It's been years since the last time I saw his aristocratic and prominent features this close. We catch up sometimes through Facetime and I never once noticed the wrinkles on his forehead and the sides of his eyes. Nakaka-lungkot. Nakaka-konsensya. Inabala ko lang ang sarili ko sa pag-tatanim ng galit. Pero ni hindi ko napansin ang kalagayan ng ama ko, o ng pamilya ko sa Pilipinas. Iniisip ko pa lang na makikita ko sila pagkarating sa Pilipinas ay kinikirot na ang puso ko.

Sa tuwing ganito, laging may bumubulong sakin na hindi dapat ako manghina. Kaya agad kong na-iwaksi ang lahat ng iniisip at ibinalik ang sarili sa kung alin ang dapat kong unahin. Family is my weakness but this time, I will make them my strength.

"Dad, bakit niyo po inilihim sakin?" I asked. Hinihilot ko ang palad niya habang prente siyang naka-sandal sa upuan niya. Lulan kami ng eroplano pabalik ng Pilipinas.

He sighed and shook his head. "Ayokong bigyan ka pa ng problema, Blythe. Sa lahat, ikaw ang pinaka-nasaktan. Kaya ayoko ng bigyan ka pa ng dadaramdamin." Aniya. Unti-unti na namang namumuo ang mga luha ko.

"Kaya niyo po ba ako pinadala sa US dahil gusto niyo akong.. akong..-"

"Gusto kitang mag-hilom. I want you to forget about all of it." Patuloy niya. Kahit anong pilit kong maging matatag, tila awtomatikong gumuho ang mga itinayo kong haligi. Tuluyang tumulo ang mga luha ko. Napa-pikit na lamang ako ng mariin. Oh, Daddy. Sorry I took it wrong. I went there to water my anger. I went there to be just like what I am right now.

"You did not want me to be.. mad? Did you ever wanted me to be mad?" Bulong ko. He shook his head and looked at the window.

"No."

"Kahit may karapatan akong magalit?" Sabi ko. Lumingon siya sakin. Bumuga siya ng hininga at pinatigil ako sa paghi-hilot ng palad niya. He held my hand and caressed it.

"I know you were already mad. It's normal. But I never wanted you to be mad forever about it. Nakakapagod mabuhay ng may kinikimkim na galit, Blythe." Aniya. I shook my head. No, Dad. You don't talk like this right now. Hindi ka dapat magpakita sakin ng kahinaan at kapatawaran para sa mga taong nagkasala sa atin!

"Let's all just move on. Patuloy ang buhay. The moment we get back home, you will be the new President of GAF. I know it may not be your dream profession, but I always know you can do it." Aniya. Nag-iwas ako ng tingin at huminga ng malalim. I can do it. Kayang-kaya ko. Pero bakit? Bakit parang hindi ko makita sakaniya ang gusto kong makita? I want to see him mad, too. Gusto kong sumang-ayon siya sakin sa pinaplano ko dahil mas lalo akong gaganahan sa pag-hihiganti. Bakit parang wala na lamang para sakaniya ang lahat ng nangyari noon?

I sighed in disappointment. Never mind. He's probably too old and tired to give a shít about it anymore. Ako. Ako ang kikilos. Kung gusto man nila ng payapa, ako hindi. Gusto ko ng gulo.

"I will assume your post as soon as I step foot on the firm, Dad. Let me get us back to the top." I smiled at Daddy. He smiled proudly at me and closed his eyes in contentment.

And let me destroy who destroyed us first, Dad. Walang ititira.

Hapon ng lumapag ang eroplano sa NAIA. Daddy's men assisted us out immediately. May iilang flashes ng camera akong nahagip sa may bukana ng airport kaya mas naalerto ang mga bodyguards.

"Hurry up, Blythe." Ani Daddy ng ilang metro na lamang kami mula sa naghihintay na Lexus. Matigas ang ulo ko at lumingon muna sa iilang media na tinatawag ang pangalan ko.

I naughtily winked at them before hopping in inside the car. Sumunod si Daddy na naka-kunot ang noo. I grinned.

"The whole country deserves to know that the baddest heiress is finally back." Sabi ko. He cleared his throat. Natatawa siyang napa-iling.

His Untamed Brat (Hot Trans Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon