Chapter 42

24.6K 922 347
                                    

Bumuhos ang kakaibang takot sa sistema ko kahit na hindi ko naman alam kung bakit. Kung saan ba galing ang takot. Basta't nararamdaman ko ang panlalamig ng aking katawan. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at ibinalik ang tingin sa ama kong tahimik na nag-pupuyos. Kumirot ang puso ko sa tanawin. Agad akong tumayo at dahan-dahang lumapit sa kaniya.

"D-dad..." I called. He looked at me through his bloodshot eyes, and my heart clenched even more. I gasped and hugged him tightly.

"Daddy..." My voice broke.

Maybe it's a natural reaction from a child who feels his father's distress. There's this urge within me that wants to comfort him and make him feel that everything's going to be alright. Kahit na wala akong kaalam-alam. Alam ko, kakayanin namin ito.

"Blythe, you should go home now." Matigas na sabi ni Daddy ngunit halatang pinipilit niya lang maging matatag sa harap ko. I shook my head and hugged him as tight as I could. He sighed heavily.

"Come on now, child. Hindi ka dapat nandito. May problema ako." Malumanay niyang sabi at itinulak ako. Kumalas ako at pinunasan ang luha sa mga pisngi ko. I pursed my lips.

"But, Dad... Hindi ka po okay." Suminghot ako.

I can't exactly remember the last time we had conversed like this. It felt like years ago. Pero ramdam kong sa kailalim-laliman ng puso ko, hindi pa rin nawawala ang koneksyon ko bilang anak sa kaniya.

"I am. I can handle this. Come on, I'll call Andoy to fetch you up." Aniya at kinalikot ang telepono. Wala akong nagawa kundi ang panoorin siya.

Bago pa man makausap ni Daddy si Manong Andoy ay pumasok na ang naghihisteryang si Mommy at takot na si Ate Von. Nakita ko si Victoria na siyang nag-bukas ng pinto na mas lalong namumutla. Agad niya iyong isinara.

"Eduardo! Oh, my goodness!" Tila nababaliw si Mommy habang lumalapit kay Daddy na ngayon ay nakitaan ko na ng panghihina.

He hugged my Mom so tightly, and my tears just wouldn't stop flowing because of that. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal at pag-suko ni Daddy kay Mommy. Kung wala lang siguro kaming dalawa ni Ate Von ngayon ay baka umiyak na siya.

Mommy hushed my Dad as she whispered comforting words to him. He shut his eyes tightly, and squeezed Mommy even more. There was a deafening silence in the room.

"Dad? What's going on? Are you okay?" Ate Von broke the silence. Kumalas naman ang dalawa sa yakap at sumulyap sa kanilang panganay na anak. Daddy shook his head.

"The Montallanas are at it again." Ani Daddy na para bang alam na ng buong mundo iyon, at tanging ako na lang ang walang alam.

"What? Why? I thought they already stopped? The last time was years ago! Eduardo... this can't be happening to us again." Napahilot si Mommy sa kaniyang noo. Ate Von cleared her throat. More composed and relaxed than the three of us.

"For the same reason, Dad?" Tanong ni Ate. Tumitig ako sa kaniya. May alam siya. Siguro ay noon pa nga niya alam dahil sa narinig ko ay noon pa raw ginagambala ng mga Montallana ang pamilya namin.

"Yes. What else could it be other than fucking business?" Daddy hissed. Hinaplos-haplos ni Mommy ang likod niya habang inaalalayang umupo ulit sa kaniyang swivel chair.

"They really play dirty." Ate chuckled. Walang saya roon kundi galit lamang. I shivered.

"Yes, they do. But I doubt their capability to do such thing. They've grown incapable and unstable over the years. Noon pa man, bagsak na ang firm nila. Kung nagawa nga nilang isabotahe ang proyekto ko sa mga Ayala, iyon ay baka dahil merong tumutulong sa kanila." Ani Daddy.

His Untamed Brat (Hot Trans Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon