Chapter 44

26.6K 1.2K 885
                                    

Mahigpit kong hinawakan ang bag ko habang paakyat ng hagdanan ng bus. Unti-unting pumapasok sa isipan ko ang ginagawa kong ito. Nakaramdam ako ng takot at pangangamba. May bumubulong sa aking huwag ko nang gawin 'to. Pero sa huli ay nananaig pa rin ang kagustuhan kong sundan si Luca sa Isabela.

Napa-pikit ako nang mariin nang maka-upo na sa pinaka-likod ng bus. Hindi siksikan pero parang kakapusin yata ako ng hininga dahil sa sobrang kaba. Parang habang lumilipas ang bawat segundo, may punyal na tumutusok sa puso ko.

Pumikit ako at dinama ang malakas na pag-pintig ng puso ko gamit ang aking palad. This is crazy. I don't know what's making me nervous. Sa kaalaman bang taksil ang tingin ng pamilya ko kay Luca o ang posibilidad na baka mapatunayan ko nga iyon kapag nag-kita na kami.

Tumulo ang isang butil ng luha sa kaliwang pisngi ko. No. He is not a traitor. Napag-bintangan lang siya. Hindi niya magagawa iyon sa amin. I will help him clean his name. I will prove my family wrong. Mahal ko si Luca at hindi ko hahayaang pag-bintangan siya sa isang bagay na hindi niya naman ginawa at wala naman siyang kinalaman.

Inilabas ko ang aking phone at tiningnan ang oras. It was nine forty five in the morning. Mahaba pa ang byahe at mas lalo lang iyong nag-dagdag sa kagustuhan kong makapunta na kay Luca. Eight hours is too long! Bakit noon nung kasama ko siya papuntang Isabela, hindi naman ako nainip ng ganito? Bakit kapag nasa tabi ko siya hindi ako nakakaramdam ng ganito?

Mas lalo akong napa-iyak. I need him so much. I missed him so much. Mababaliw yata ako kapag mas tumagal pa na hindi kami nagkikita.

I went to my Photos and my tears wouldn't stop falling when I saw our pictures together. And his stolen shots...

Tumitig ako sa isang larawan niyang naka-talikod na naka-upo sa dulo ng lounger sa pool. He was shirtless and the muscles on his back were very evident. May isa namang selfie ko at nasa likod ko siya nakayakap at tipid na ngumingiti habang hinahalikan ako sa sentido.

Pinunasan ko ang mga luha ko at tumingin pa sa mga masasayang pictures namin. Hanggang sa dumako ako sa isang partikular na video. Iyong araw na isinauli niya na sa 'kin ang mga gamit ko at pa-simple kong kinunan ang paglalambing niya sa 'kin.

"I love you so much..." rinig kong sabi niya sa video.

Agad kong tinakpan ang bibig ko upang hindi kumawala ang hikbi ko. Punong-puno ng emosyon ang mga mata niya sa video habang naka-tingin sa 'kin. Maging ang boses niya. He loves me. That's for sure. Hinding-hindi niya magagawa sa amin ang ibinibintang sa kaniya dahil panigurado'y masasaktan niya ako. And Luca will never hurt me intentionally! Ever!

Lumipas ang ilang minuto na tumitingin lamang ako sa mga pictures namin. Nang naubos na at hindi ko na kinaya ay pinatay ko na ito.

Naka-idlip ako sa kalagitnaan ng byahe. Binuksan ko ang phone ko at nakitang maraming messages sina Mommy at Ate Von. There were missed calls from Daddy, too. Binalewala ko iyon.

I scanned through my contacts and looked for Luca's number. When I found it, tinagawan ko iyon. But it was out of coverage area. May tumusok ulit na punyal sa puso ko. No... I should think positively! Makikita ko rin naman siya mamaya. Kaya umayos ka, Blythe.

I put on my earphones and listened to sad songs. Lalo na iyong laging pinapakinggan ni Luca kapag nagsi-stream siya sa phone ko. Hindi na mapigil-pigil pa ang mga luha ko. Parang mas lalo ko pang pinapa-iyak ang sarili ko.

Hanggang sa naka-tulog ako ulit at nagising nang tapikin ng konduktor. I've just arrived in Isabela. Mainit at masikip pagkalabas ko ng bus. Gaya ng ginawa ni Luca noon, pumara ako ng tricycle. At napa-mura ako nang maalalang hindi ko pala alam kung anong pangalan ng lugar na tinitirahan ng Lola niya.

His Untamed Brat (Hot Trans Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon