Napalunok ako habang nakatingala kay Luca na nakatitig lang kay Clyde. Hindi ko mabasa ang kaniyang ekspresyon. His face is void of any emotions. O pinipilit niya lang na hindi magpakita ng kahit ano man.
Bumaling ako kay Clyde na nakangiti pa rin. What a bad timing! Ngayon pa? Sa lahat ng oras at araw, ngayon pa na nandito itong damuhong si Luca! I thought mamayang uwian pa siya pupunta!
"Blythe... babe." Dahan-dahang lumapit si Clyde sa kinatatayuan namin. I tried to step forward but Luca's grip made me stay still.
"Surprise!" He beamed but it only made the air around us more awkward.
"C-clyde... ano..." hindi magka-apuhap kong sabi. Hindi ko rin alam kung susuklian ko ba siya ng ngiti ngayong kinakabahan pa rin ako.
Gayunpaman ay magaan pa rin ang mukha ni Clyde. He still did not sense the bad aura around. Tumingala siya sa mas matangkad na si Luca at bumalik ulit ang tingin sa 'kin.
"Who is this? Kuya mo?" Aniya at nag-taas ng kilay. Humigpit lalo ang hawak sa 'kin ni Luca at kung wala lang dito si Clyde ay ngingiwi na ako sa sakit.
"N-no—"
"Ikaw sino ka?" Putol agad ni Luca sa 'kin at sinalubong ng titig si Clyde. Napatingin ulit si Clyde sa kaniya. This is so not good!
"Uh, boyfriend niya. Clyde nga pala." Ani Clyde at naglahad ng kamay. Bumaba ang tingin ni Luca roon at ilang sandali pa bago ito tinanggap ng kaniyang libreng kabilang kamay. They shook hands.
"Luca. I am the mentee of Blythe's Dad. Did you know that this kid is grounded?" Pormal at mariing sabi ni Luca. Nahiya ako nang sobra. Gago talaga! Hindi niya naman kailangan ipangalandakan iyon kahit na ba alam na ni Clyde!
"Hmm, y-yes." Ani Clyde. Ngayon, masasabi kong nararamdaman niya na ang tensyon galing kay Luca. He swiftly glanced at me.
"At alam mo bang itong relasyon ninyo ay maaaring maging sanhi upang mas parusahan pa siya?" Patuloy ng walang hiyang si Luca.
"Luca!" Saway ko at sinubukang agawin ang braso ko. He did not even flinch.
"How old are you, boy?" Tanong niya kay Clyde. Binabalewala ako. Shit! Ang yabang nitong damuhong ito!
"S-seventeen." Nag-aalinlangang sagot ni Clyde. Nakababa na ngayon ang dala niyang chocolates.
"Kaya mo na bang panindigan itong pinasok mo? Pinasok niyo?" Mariing tanong niya at mas tumalim ang tingin kay Clyde. Pagkatapos ay sa 'kin naman bumaling. I shivered at his intense glare.
"P-po? Uh..." Clyde stuttered and I hate how it sounded so cowardly.
"Balikan mo na lang itong si Blythe kapag kaya mo nang sagutin iyan. At kung sakali, sa Daddy ka niya haharap. Naiintindihan mo ba?" Ani Luca kay Clyde. This time I tried really hard to get away from his grip pero sobrang lakas niya talaga na hindi man lang gumagalaw ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. Ugh!
"Excuse us." Luca ended smugly. At hinila ako upang lagpasan ang tigagal na si Clyde. Naiwan ang mga mata ko sa kaniya. He was dumbfounded. Hindi ko matanggap! Pinahiya siya ni Luca at hindi niya man lang nagawang manlaban! Tumayo para sa 'ming dalawa!
"What the hell?!" Bulyaw ko agad kay Luca nang halos padarag niya akong ipasok sa sasakyan. Mang Andoy was silently staring at the steering wheel at wala na akong pakialam! Gusto ko nang awayin ang pesteng lalaking ito!
"I hate you! Akala mo kung sino ka!" Sigaw ko. Padabog niyang isinara ang pinto nang nakapasok na rin siya.
"How can you be so disrespectful? Wala kang pakialam kung makipag-relasyon man ako sa kahit sino! Pinahiya mo ang boyfriend ko!" Nanggagalaiting sigaw ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/149112264-288-k535589.jpg)
BINABASA MO ANG
His Untamed Brat (Hot Trans Series #2)
RomanceLike a typical bratenella, Blythe Gia Gomez loves to do rebellious things and gives zero care. Kayang kunin lahat sa isang pitik lamang ng daliri, buhay prinsesa kung maituturing. Pero ang hindi niya inaasahan ay ang pagdating ng taong babago at hah...