Chapter 28

32.5K 1.1K 250
                                    

I grinned mischievously as I listened to Gabby's rant about my relationship with Luca. He likes the guy so much, he just can't accept the fact that I am dating him! Sino nga ba naman kasi ang mag-aakalang mauuwi kami ni Luca sa ganito? Saksi si Gabby sa kung paano ko kinamuhian si Luca noon. Kaya ganito na lamang siya ka histerikal ngayon. Mas lumala pa kesa sa pag-uusap namin dati sa phone.

"I can't believe you made him buy that stupid NARS cosmetic for you! You could've just opted for cheaper brands like... What the hell?" Nanlalaki ang mga mata at naka-taas ang kanang kamay niyang sabi. I laughed.

"Oh, you know I wouldn't dare apply anything on my face unless it's expensive and safe." I rolled my eyes. Dumaan naman ulit ang pagka-dismaya sa mukha niya.

"Pwede ba, Blythe? Luca is not rich for you to demand such things!" Aniya. Bitterness is dripping like an acid in his voice.

"Come on, Gabby. Huwag ka ngang bitter. He loves me so he will buy anything for me regardless of how much it may cost him." I said nonchalantly. Napa-buga siya ng hininga at sumipsip sa milk tea niya.

"Kung ako ang liligawan niya, okay na sa akin ang street foods. Matikman ko lang siya," aniya. Namilog ang mga mata ko.

"Stop it, Gabby! Ayokong pinagnanasaan mo si Luca sa harapan ko!" Naiinis kong sabi. I mean, he's done it before, alright. Pero ngayon na iba na ang takbo ng mundo, ayokong makarinig ng mga ganoon. It irks the hell out of me.

"Sorry, okay. Just kidding." Natatawa niyang sabi. Bakit ang libog ng baklang ito? Gosh.

So yeah, we are currently at a Starbucks near our firm. It's Saturday and I'm free so why not. Ang tanging nagpa-hirap lamang sa akin kanina ay ang pag-payag ni Luca na makipag-kita ako kay Gabby. Knowing him, nag-seselos pa rin iyon kay Gabby kahit na ina-assure ko naman siyang bakla nga ito. Mabuti nga, eh, at pumayag siya sa huli. Nadaan ko sa pag-nguso nguso at tampu-tampohan.

Atsaka, malapit nga lang naman ito sa firm. Mga seventy meters away lang. Doon din naman ako didiretso pagkatapos namin ni Gabby dito. It's past twelve na kaya maya-maya lang din ay aalis na kami.

"So, ano nang plano mo? Kailan mo sasagutin?" Tanong ni Gabby. Nakita ko ang pag-sulyap niya sa bagong sling bag ko. I smirked.

"Maybe one of these days. Basta, malapit na." Sabi ko. Umikot naman ang mga mata niya.

"Huwag mo na talagang patagalin pa! Baka malingat ka lang, eh, mag-iba bigla ang ihip ng hangin." Tawa niya. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Kung mag-iiba man ang ihip ng hangin, sigurado naman akong hindi lilipat sa 'yo ang pagka-gusto niya sa 'kin." Mataray kong sabi. Napa-awang ang labi niya at tumawa.

"Wow ha! Masyado mo naman yatang minamaliit ang kakayahan ko. Nakakawala kaya ng itim sa mata itong bibig ko." Ngisi niya. I flushed.

"Yucks! Pwede ba, Gabby!" Ngumiwi ako. Mas lalo siyang tumawa.

"Ang lakas ng loob mong mag-taray! Mag-taray ka nang naaayon sa galing at abilidad mo! Bruha 'to." Ismid niya sabay ngisi. Napa-tingin ako sa paligid at nakitang wala namang nakikinig.

"Nakakahiya ka talaga." Inis kong bulong. Tumawa siya.

"Dadaan at aabutin mo rin iyan, Blythe! Lalo na ngayong papasok ka na sa isang relasyon. Naku, hindi pwedeng hindi ka magaling! Mapag-iiwanan ka ng panahon!" Halakhak niya.

"Bitch! Alam ko iyan! Hindi ako mangmang!" Depensa ko. Tumaas naman agad ang kilay niya.

"Really? Puro laplapan ka lang, eh! Walang sisid at subo!" Aniya. Hindi ko na napigilan at hinampas ko na siya. Natawa na rin ako.

His Untamed Brat (Hot Trans Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon