Chapter 56

42.6K 1.2K 446
                                    

Bahagya akong napaatras sa intensidad ng titig niya sakin. The way he looks at me sent shivers down my spine. And his stance told me I am in danger. Ngunit ibang panganib. Panganib na tanging siya lamang ang makapag-bibigay sa akin.

"Luca.." I whispered. Sinalubong ko ang malamig niyang titig. Kitang-kita ko ang pagtatampo sakaniyang mga mata, ngunit sa kabila niyon nakikita ko ang pagsusumamo at pagmamakaawa. My heart clenched.

Bumaba ang tingin ko sa mga braso niya. Ang pamilyar na dalawang ugat sa magkabilang biceps niya ay buhay na buhay. Pababa ay mas maraming ugat hanggang sa mga kamay niya. I looked up at him again.

"Bakit ka nandito?" Malamig niyang tanong. Pinunasan ko ang tumulong luha at suminghot.

"N-nalaman ko.. kasi na nag-half day ka raw," pumiyok ang boses ko at hindi mapanatili ang tingin sakaniya. Tumuon ang tingin ko sa pantalon niyang may malaking hiwa sa kaliwang hita at kitang-kita ko ang mabalbon niyang hita. I gulped.

"Ano naman ngayon kung nag-half day ako? You should be working at hindi na inaabala pa ang isang kagaya ko." Punong-puno ng pagtatampo ang boses niya. Damn! Ang sarap sarap niya nang yakapin! Lambingin para tumigil na siya sa pagiging malamig ngunit alam kong kailangan pa naming mag-usap ng matino. I sighed.

"Ba't ka nag-half day? Hindi ba may usapan tayo? Ano itong ginawa mo? Ba't ka nandito imbes na nagta-trabaho?"

"I'm working. Nag-tatanim ako."

"Luca! Nag-usap tayo kagabi!" I groaned in frustration. Humakbang siya palapit kaya natigilan ako at kumalabog ang dibdib sa kaba.

"Nag-usap nga, diba? Ang tino pa ng usapan natin tapos malalaman ko lang ipapakasal ka na pala sa kung sinong putang ina?" Napapikit ako sa sigaw niya. The veins in his forehead protruded and I can almost hear his self restraint. Damn.

"H-hindi naman iyon totoo, eh! K-kaya nga nandito ako para sabihin sayo na hindi iyon totoo!"

Umiling siya at tumalikod sakin. Inis niyang sinuklay ang buhok niya gamit ang kaniyang mga kamay. Humarap ulit siya sakin. This time he caressed his beard in a very manly manner. Kumiliti ang puson ko. Damn it!

"Who was that again? Nicko Romualdez? Bayaw ni Von?" Mapanganib niyang tanong. Dahan-dahan akong tumango. His jaw clenched so tight.

"Luca... hindi totoo iyon. Si Daddy, ewan ko kung bakit niya ipinagkakalat iyon. Atsaka, kakausapin ko si Nicko para klaruhin itong maling balita na ito."

Dumilim ang mukha niya. Na para bang may nasabi akong mali. He stepped forward once and my knees are already trembling. I don't know why if it's because of fear... or excitement.

"Don't you fúcking dare talk to him."

Napa-yuko ako dahil sa kaba. Marahan akong tumango. Nagpapa-ubaya sakaniya. He sighed heavily.

"A-ayaw mo kasing maniwala. Sa tingin mo kung totoo iyon, wala akong magagawa? I can always reject it! Kung ipapakasal nga ako ni Daddy kay Nicko, kayang-kaya kong tumanggi!" Tunog malapit umiyak ang boses ko. Sinadya ko iyon para kaawaan niya. Nangi-ngiti na ako sa kaloob-looban ko.

Nag-angat ako ng tingin sakaniya. Seryoso at kunot-noo pa rin siyang naka-titig sakin.

"Bakit, kanino mo pala gustong ma-ikasal?" Malambing niyang tanong, pero rinig na rinig ko pa rin ang hamon sa boses niya. Na parang kung sagutin ko ito ng tama, wala na akong kawala. At kapag sinagot ko ito ng mali, panganib ang hatid niya.

Uminit ang pisngi ko. Bigla akong nawalan ng confidence na sagutin siya. Humakbang ulit siya at halos isang dangkal na lamang ang layo namin. Inangat niya ang baba ko gamit ang marumi niyang kamay. I did not mind. Napa-titig ako sa mga mata niyang maiitim.

His Untamed Brat (Hot Trans Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon