Chapter 20

27.7K 1K 230
                                    

I cried silently inside my dark room. I wiped my tears with the back of my hand and tightly clenched my jaws. Hindi ko maintindihan. Hindi ko alam kung bakit sobrang nasasaktan ako ngayon dahil sa nangyari. Dahil sa lahat ng sinabi ni Luca sa akin. I don't know which part of all of those hurt me the most. Iyon bang panunumbat niya sa akin? Iyong pagbabanta niyang isusumbong ako? O iyong... iyong hindi niya na ako pakikialaman?

Sumikip na naman ang dibdib ko sa hindi ko na mabilang na pagkakataon. Matinis akong humikbi at pinunasan ulit ang parang ulan kong mga luha. Nahagip ng paningin ko ang papel na ipinakita sa akin ni Luca kanina. Naiwan iyon sa aking kama. Inabot ko iyon at pinaka-titigan.

Napa-iyak ulit ako. Did he ask of this from my adviser? After he learned from one of my classmates that I was with Clyde? Napapikit ako nang mariin. How could I forget that he is so smart? That he is a fucking Magna Cum Laude? And yet I dared to fool him! How stupid can I be? Urgh!

And now he knows about everything. And I broke his trust. I fooled him. I bruised his male ego. He's mad at me. Very mad...

Tumingala ako at pinakiramdaman ang mahihinang pag-tulo ng mga luha ko. Ang sakit niyang pakinggan kanina. Hindi ko halos kayanin. Ang mga mata niyang puno ng iba't ibang emosyon habang sinusumbatan ako at sa huli'y naging blanko, madilim, at malamig.

Hindi ko lubos ma-isip na siya iyon. Na kaya niya palang maging ganoon. Sobra ko nga sigurong sinagad ang pasensya niya at lumabas ang ugali niyang hindi ko kailanman inakalang mayroon siya. Pero bakit? Bakit parang mas lalo lamang iyon nagbigay ng kakaibang epekto sa 'kin?

Magda-dalawang oras na simula nang lumabas si Luca. Naka-ilang balik na rin si Kuling upang pababain ako para kumain ngunit parati kong tinatanggihan. Hindi yata ako makaka-lunok ng pagkain kung ganitong sobrang bigat ng puso ko.

And now, I also don't know if I would be able to sleep in such a state. Kahit hindi na peacefully, kahit makatulog na lang. Pero pakiramdam ko ay kahit iyon, ang hirap pa ring gawin. All these things I am feeling right now just won't let me rest. Patuloy akong gagambalain.

Humiga ako at nag-talukbong ng kumot. I tightly closed my eyes and all I can still see is Luca's bloodshot eyes. His pointed nose. His clenching jaws, and his moving pectorals. Damn it! Naiiyak na naman ako. Parang hindi na titigil sa pag-buhos! Nakakainis!

Ano na kayang ginagawa niya ngayon? Isinumbong na ba ako? Kung ganoon ay bakit hindi pa ako pinatatawag? Nasa kwarto niya na ba siya? Natutulog na o nagdra-drawing pa? Ugh!

Maingay akong nag-buga ng hininga at mahinang humikbi. Ugh! I can't stop crying! Nararamdaman ko na ang pamumugto ng mga mata ko ngunit walang pagod pa ring bumubuhos ang mga luha ko! Nakakainis na talaga.

What if I will apologize to him tomorrow? This time, sincerely. Mabait si Luca, alam ko. Mabuti siyang tao. Makikita niya naman siguro 'di ba na nag-sisisi ako sa ginawa ko? Maybe he will forgive me naman, 'di ba?

Pero nahihiya ako! Sobrang nahihiya. Wala na yata akong mukhang maihaharap pa sa kaniya. What if he will reject my apology? Paano kung dedmahin niya lang ako? By the looks of it, parang hindi niya na yata ako pagkakatiwalaan ulit, eh. Frustrated na lamang akong napa-iyak.

Ah, basta! Magso-sorry ako bukas ng umaga rin! Pagkatapos kumain. Magtatabi naman kami sa sasakyan kaya madali lang iyon. Tama, tama...

Iyon lamang ang inisip ko buong magdamag hanggang sa hindi ko na namalayang naka-tulog na pala ako.

Maaga akong nagising kinabukasan. Pag-tingin ko sa salamin ay medyo namumugto nga ang mga mata ko. Huminga ako nang malalim bago pumasok ng banyo. I did my morning rituals. Nang natapos ay hindi ko na hinintay pa ang pag-katok ni Kuling at lumabas na ako bitbit ang sling bag ko.

His Untamed Brat (Hot Trans Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon