Agad akong tumili sa sobrang kilig pagkalabas ni Luca. Tinakpan ko ng unan ang aking mukha at mas tumili. Shit! May kung anong kumikiliti na naman sa puson ko! Para akong maiihi na ewan at gusto kong magtatalon sa saya. I'm just so happy! Not because he's going to finally buy me things but simply just because of him. Sobra akong natutuwa sa kaniya. My heart pounds so fast at the thought of us being a couple. Yeah, at talagang sasagutin ko na siya. I'm just waiting for a perfect timing.
Nang medyo nahimasmasan na ako sa kilig at tuwa ay bumangon na ako. It's five pm already and we need to go as fast as we could para hindi kami masyadong gabihin. Pumasok ako sa walk-in closet ko at nag-hanap ng maisu-suot. Pinag-pilian ko ang isang Burberry boyfriend shirt at isang Gucci striped shirt. Kinamot ko ang baba ko at sa huli ay napili ang boyfriend shirt. Paparesan ko ito ng isang high waisted shorts at white sneakers. With my Chanel sling bag to complete the outfit.
Pagkatapos ay pumasok na ako ng banyo upang ma-ligo. Kahit hindi naman ako pinagpawisan buong araw, I still feel the need to take a shower. Para bumango ulit ang balat ko.
After less than twenty minutes, nag-aayos na ako ng mukha. Nakapag-bihis na rin ako at inaabala ko na lamang ang pag-brush sa kilay ko. Pagkatapos ay nag-lagay na ako ng sun-kissed shade lipstick. Ayokong masyadong mag-lagay ng kolorete ngayon. Natawa ako nang maisip na baka isa sa dahilan ay iyong pag-puri sa akin ni Luca. Ang lantod ko!
Naglalagay ako ng hairpins sa buhok nang bumukas bigla ang pinto. Tiningnan ko mula sa reflection ng salamin ang pagpasok ni Luca. Agad humalimuyak ang may katapangang pabango niya. Nanuot sa ilong ko ang panlalaking pabango.
I looked up at his face. His hair is once again brushed up. May mga linya pa iyon na halatang dinaanan ng suklay. Maaliwalas ang maamo niyang mukha at bahagya pang naka-angat ang kanang gilid ng labi niya. My heart jumped.
Naglakad siya palapit sa akin. Tumitig ako sa kabuonan niya at nakitang naka-suot siya ng isang black sweat shirt. Na pinaresan ng kaniyang black jeans at puti ring sapatos. He doesn't look fancy like any other city boys but he looks so clean and neat. Sobrang gwapo na hindi mo na papansinin pa ang damit niya.
Nang nakalapit ay itinukod niya ang kaliwang kamay sa table ng Vanity ko at ang isa'y nameywang. He looked down at me and smirked.
"Ready, baby?" Magaspang niyang sabi. I bit my lower lip and looked away. Ipinag-patuloy ko ang pag-lalagay ng hairpins at tumango.
"Hmm..." he hummed and tuck some loose strands of my hair behind my ear. Napa-kislot ako sa ginawa niya nang makaramdam ako ng kuryente mula roon.
"Pretty." Puri niya at seryosong tumingin sa akin. I gulped. I looked stupid as I stayed silent.
"Come on, bilisan na natin." Aniya. Bumuntong hininga ako at tumayo na. Umayos naman siya ng tayo at kitang-kita ko sa salamin ang pag-landas ng mga mata niya sa buong katawan ko. I saw pure admiration in his eyes.
"L-let's go?" Humarap ako sa kaniya at tiningala siya. His gaze lowered on my body and his eyebrows suddenly met.
Inabot niya ang butones ng boyfriend shirt ko at binutones ang pangalawa mula sa itaas. I frowned.
"What are you doing?" I asked. Huminga siya nang malalim at tumitig sa akin.
"Hindi pwede iyan." Aniya. Umikot ang mga mata ko.
"You ruined my outfit! Sinadya ko iyon para mas bagay." Sabi ko at sinubukang kalasin ang butones. Ngunit mabilis niyang tinampal ang kamay ko.
"You're showing too much of your chest. I don't like it." Seryosong sabi niya. Umawang ang labi ko.
"Kailan ka pa nakialam sa mga damit ko?" Pumameywang ako. He sneered.
"Matagal na. Hindi lang ako maka-reklamo." Aniya. Kahit naiinis ay napa-ngiti ako. Inabot ko ang batok niya at tumingkayad upang ma-halikan siya ng mabilis sa labi.
BINABASA MO ANG
His Untamed Brat (Hot Trans Series #2)
RomanceLike a typical bratenella, Blythe Gia Gomez loves to do rebellious things and gives zero care. Kayang kunin lahat sa isang pitik lamang ng daliri, buhay prinsesa kung maituturing. Pero ang hindi niya inaasahan ay ang pagdating ng taong babago at hah...