Chapter 6

23.5K 992 159
                                    

Tatlong araw ang lumipas at mas lumala pa ang parusa sa 'kin ni Daddy. It pains me to think na natitiis niya na talaga ako nang ganito ngayon. Na kaya niya akong pahirapan nang lubusan dahil lamang sa isang pagkakamali ko. Without even checking on me to ask me if I have already learned my lesson. And did not really dare exert any effort to talk to me. Pinapabayaan niya lang ako kay Luca. It's like he's even prolonging my agony.

I'm starting to think about my wrongdoings before. I'm starting to consider how badly I had always behaved. How bratty I was— I still am, though. 

Naisip kong siguro ay sobra nga rin talaga. A little pang of guilt crept inside me and I hated it. I should not feel guilty because this is naturally who I am and no one has the right to change that, right? Forcibly and most especially, unsolicited! 

Sa parusang ito parang gusto ko na lamang sumuko at sabihin kay Daddy na natuto na ako. Na tapusin niya na ito. Pero sa tuwing nakikita ko ang pagmumukha ni Luca at kung paano siya mag-mando sa 'kin ay siyang nag-tutulak sa 'king lumaban at mas mag-matigas pa. I don't want to give up my right and place in my father's life to him! Ako ang anak dito! At kung tuluyan lang din akong susuko eh hindi naman siguro makatarungan iyon, 'di ba? To surrender your power to someone that's not even family! An outsider! 

Tiningala ko siya nang makitang papalapit siya sa hinihigaan kong sun lounger dito sa pool namin. Hindi ako naliligo at nagbabasa lamang ng libro. Ang kapayapaang tinatamasa ko ay biglang nag-laho dahil sa presensya niya. Ayaw talaga akong tantanan ng bwisit na 'to!

"Eat your lunch." Baritonong bungad niya pagkalapit sa 'kin. Bahagya siyang nameywang sa harapan ko habang dinudungaw akong naka-higa. Tinaliman ko siya ng tingin.

Naka-suot siya ngayon ng boardshorts at manipis na puting sando na naman. Bakat ang matutulis niyang nipples at kung titingnan ay para siyang turista sa isang isla. Kumunot ang noo ko at napa-iwas ng tingin. Damn, why did I stare at it? Kadiri ka, Blythe!

"I'm not yet hungry." I said dismissively. Naaalibadbaran na naman ako sa presensya niya. It's suffocating me, too!

"Ayaw mong sumunod?" Taas kilay niya. Padarag kong isinara ang libro ko at bumangon. I remained sitting on my sun lounger and faced him. 

"Why won't you just leave me alone, Luca?! Kita mong nagbabasa ako rito, eh!" Singhal ko. His lips twitched at umayos ng tayo. I saw a ghost of a smile pero mabilis din iyong nawala. Parang tinatago at tinatakpan gamit ang seryosong mukha.

"Ano? Tinatamad ka na naman? Kaya ultimo pagkain mo eh pinapalipas mo pa?" Tanong niya at tinaasan pa lalo ako ng makapal niyang kilay. I instantly felt the urge to throw my book at his face. Urgh!

"Pakialamero ka talaga! Ayaw mo na lang lumagay sa tahimik at hayaan ako rito! Palibhasa kasi, sipsip ka!" Parang batang sabi ko. Gumalaw ulit ang kaniyang mga labi at ngayon ay may tumakas nang ngiti. Humalukipkip naman siya ngayon.

"Uh-huh? Sipsip?" He drawled sarcastically. Sa hindi malamang dahilan ay biglang uminit ang mga pisngi ko. Biglang may naiisip akong iba. Shit. Nakakadiri!

"Sipsip? Huh? Ano pa?" Hamon niya.

"Pabida! Feeling!" Inis ko namang dagdag. Humagalpak siya ng tawa at nanindig agad ang mga balahibo ko. I don't like the sound of his laughter, really. Lalaking-lalaking at... Nevermind! Shit.

"I like 'sipsip' more, though." Aniya at mas ngumisi. Ang kaniyang morenong balat ay kumikinang kahit hindi siya gaanong nasisinagan ng araw. Nag-iwas ako ng tingin. 

"Umalis ka na nga! I don't need you here." Sabi ko at humilig ulit sa sun lounger ko. I swiftly glanced at him. He titled his head to the right.

"Aryt." Mahina at tamad na sabi niya at pumasok na sa loob ng bahay, sa wakas. Nasa may kaliwang gilid ng bahay ang pool area at dun sya sa pinto palabas rito pumasok.

His Untamed Brat (Hot Trans Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon