You are now at the last chapter. I just want to thank you all so much for still keeping up with me despite my imperfections. Thank you for giving me the chance to grow not only as a writer but also as a person. I know this book is not perfect, but what keeps me stay in love with it is your undying support and love guys. Thank you! See you all soon.
-
For me, everything in life is temporary. Life is short, indeed. So you should live your life full of hope, love, color and pride. You should not spend it hating, complaining or even simply not smiling. Hiram ang buhay natin, kaya habang nasasa atin pa, sulitin natin.
Everything happens for a reason. No miracles or even coincidences. It just simply happens for a reason. And we should learn to accept that life is that way: unpredictable.
Lahat tayo takot mawala sa mundong ito nang hindi pa natutupad ang mga pangarap. May ibang takot dahil masaya pa at kontento pang mabuhay kasama ang mga mahal nila. May iba ring takot sa hindi kasiguraduhan pagkatapos ng kamatayan. May iba namang takot lang. At alam na alam ko kung nasaan ako sa mga iyon.
Takot ako dahil sa ikalawang pagkakataon sa buhay ko, naging masaya at kontento ulit ako sa piling ng taong pinakamamahal ko. At masakit dahil pinili ng tadhana na agawin ako kung kailan perpekto na ang lahat para sa akin.
Can I just live for one more year? Please? Huwag muna ngayon. I just got married to the love of my life. Please? Can You give me the chance to live more? I love him. I don't want to leave him. Especially if I can still hear his voice shaking as he beg for me to wake up. As I can still feel his warm calloused hand touching mine. His warm minty breath. Just one more chance, please? Please....
Kadiliman. Iyon ang bumalot pagkatapos ng mga hindi maisabing salita sa utak ko. Kadiliman, pamamanhid at kawalan ng pandinig. Para akong nasa loob ng isang kahon na walang hangin, mainit at nakaka-bingi ang katahimikan. I want to shout, yes, but I just cannot. It's not hard, but it feels like I just cannot.
Ito ba ang kabayaran sa lahat ng kasalanan ng isang tao? Sa lahat ng mga galit na ikinimkim, sa mga masasamang salita, sa mga maka-mundong pagnanasa. Tinatanggap ko. Pero hayaan pa sana akong mabuhay pa. Kahit sandali... kahit isang araw... gusto ko lang siyang makausap muli, mahalikan, mahaplos... kahit isang araw nalang. Kahit sa huling pagkakataon.
Sa hindi ko malamang bagay kung ilang oras akong naka-kulong sa kadilimang ito, naramdam ko ang panunubig ng mga mata ko. I felt hope. Naramdaman ko ang pag-sikip ng dibdib ko kasabay ng pag-tulo ng mga luha. Ngunit wala pa rin akong makita. I prayed more. This time, harder.
Please, I will be a better person after this. I will live a meaningful life. With purpose. Please... please, my husband is a good person. He does not deserve this. If You take me away from him this soon, it will hurt him. He will be devastated. I love him so much. Just for him, this time, please...
Galing sa bumubuhos na luha sa mga mata ko, bigla akong nakarinig ng maliliit na ingay. Mula sa isang tila makina na tumutunog, sa iyak ng mga babae at sa baritonong boses niya. Niya...
With all the guts and determination, I opened my eyes. Everything was blur. Mas lalong lumakas ang mga ingay. At ngayon, hindi na lang ang pag-tulo ng mga luha ko at ang ingay ang bumabalot sa kanina lang ay madilim na mundo, ngayon ay nararamdaman ko na ang isang mainit na hawak sa kamay ko. Mahigpit. At nanginginig.
"Oh, God! She's awake!" Boses ni Mommy ang umalingawngaw kasabay ng iyak niya. Ang puting nakikita ko ay unti-unting naging klaro sakin. Isa itong kisame na may ilaw.
"Just, please press the button! We need the doctor!" Si Ate Von naman ngayon. Hindi ko pa rin makuhang tumingin sa mga taong nagsasalita. Tila pino-proseso pa ng utak ko ang nakikita ng mga mata ko ngayon. Light. It resembles: hope... of new life.
![](https://img.wattpad.com/cover/149112264-288-k535589.jpg)
BINABASA MO ANG
His Untamed Brat (Hot Trans Series #2)
RomanceLike a typical bratenella, Blythe Gia Gomez loves to do rebellious things and gives zero care. Kayang kunin lahat sa isang pitik lamang ng daliri, buhay prinsesa kung maituturing. Pero ang hindi niya inaasahan ay ang pagdating ng taong babago at hah...