Chapter 1

42.6K 1.2K 343
                                    

Nagpupuyos ang kalooban ko habang naka-upo sa paanan ng aking kama. Pa-ulit ulit na bumabalik sa isipan ko ang tuwang-tuwang mukha ni Daddy kanina habang naka-tingin sa binatang iyon. Sa binatang tutulungan niya at patitirahin dito. What the hell! Are they really serious? Ang bilis nilang mag-tiwala! Have they known that guy for years? Eh, mukhang kakakilala pa nga lamang ni Daddy roon tapos ito?

I'm a brat, yes! A bitch, too. Pero hindi pa ako kailanman tumanggi at bumastos ng bisita. Ngayon lang! Hindi ko matanggap! This is just not right! Alam kong tinuruan kami ni Daddy na maging matulungin sa kapwa pero hindi yata tamang pag-aksayahan ng panahon at tulungan ang lalaking iyon! He's not worth it!

Eh, ano naman ngayon kung matalino siya? Masipag mag-aral? May potensyal sa Architecture? Matanda na siya kaya kakayanin niya na nang walang tulong na natatanggap mula sa pamilya ko!

Bigla akong natigilan nang may mapag-tanto. He's into Architecture. And Daddy sees himself in him. While me? Hindi ko iyon hilig. Daddy's been bugging me my whole life about that thing. Gusto niya akong sumunod sa yapak niya since ako raw ang una niyang anak na 'lalaki'. Pero tumanggi ako. Hindi ko iyon hilig at hindi iyon ang gusto kong kunin sa kolehiyo!

He got disappointed. I know. It was the only thing he ever asked of me. Wants from me. Pero hindi ko maibigay. And my brother, Justin, is into business! And he's not forcing it to him. Is that it? Kaya ba naghanap siya ng ibang susunod sa yapak niya? Hindi niya man lang ba kayang unawain at tanggapin na iba ang gusto naming mga anak niya?

I'm a Daddy's boy— no, scratch that. A Daddy's girl. I used to be. He spoiled me with everything. Pero nakaka-tampo lang dahil simula noong nalaman niya ang tunay kong kasarian ay nag-iba na ang pakikitungo niya sa 'kin. He still spoils me with everything pero may kulang na. We lack communication now. Hindi na kami nagkakaroon ng bonding. Lagi niyang rason ang trabaho. Kaya labis-labis akong nag-tatampo sa ama ko.

Minsan naiisip ko, hindi niya siguro ako tanggap? Pero kailanman ay hindi siya nag-bigay ng komento tungkol doon. Hindi niya ako kinompronta. Basta ay naging ganun na lang siya. And it hurts so much. He used to shower me with his affection. But now? He only showers me with unending gifts and other material things out of his mere responsibility as my father. It's not enough for me! I want his attention. His proud look every time he looks at me. Pero ngayon, sa iba niya na iyon ibinibigay.

Kumuyom ang kanang kamao ko at inis na tumayo. Inalala ko ang itsura ng lalaking iyon. He's tall. Hula ko'y six footer. His body is lean and he's moreno! Napaka-lalaki niyang tingnan pero sobrang contradicting ng mukha niya. Napaka-amo na akala mo'y sobrang bait. Na parang kahit kailan ay hindi nagkasala!

Kung ang katawan lang ang titingnan ay iisipin mong barako, matapang, at basagulero siya. Pero iyong mukha? Sobrang pungay ng mga mata, makakapal ang mga kilay pero hindi masungit tingnan,  at iyong buhok niyang may kahabaan! A slicked back hair!

Napapikit ako nang mariin at nanginig sa pagkaka-disgusto. Ugh! Why am I thinking about that guy? I hate that guy!

Hindi ko alam kung saang lupalop nanggaling at napulot iyon ni Daddy. Pero halatang mahirap. I will never forget the white long sleeve polo shirt he's wearing! May mga gusot sa ibang parte at hindi na yata matatawag na white iyon! Off-white! Napa-irap ako.

At iyong pantalon niya? Kupas! Like, ew! He had the guts to sit beside my Dad wearing that sick jeans of him? He had the guts to eat with— if not the most, but one of the most in demand architects in the country wearing that obviously cheap looking ass long sleeve polo? I cringed at the thought.

I heaved a deep sigh. Kahit anong pagpupuyos ang gawin ko rito'y parang hindi ko na rin mababago pa ang pasya ni Daddy. That guy will stay here. Period. I guess, I'll just have to accept and deal with that.

His Untamed Brat (Hot Trans Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon