Chapter 22

30K 1K 294
                                    

Napa-titig na lamang ako sa pintong nilabasan ni Luca at noong babaeng kasama niya. Naninikip ang dibdib at hindi makagalaw. Hindi ako makapaniwalang ganoon na siya ka-galit sa 'kin na pati ang ipinangako niya ay isasawalang-bahala niya na lamang. Nangako siyang bibilhan niya ako! Ngunit biglang may pag-kakagustasan pa pala siyang mas importante? Ano, iyong babae niya? Napapikit ako nang mariin.

Alam kong malaki ang kasalanan ko sa kaniya. And I am trying to understand where he is coming from, okay. But I did not expect he'd still be that... cold and impassive. After all the apologies I did in front of him.

Napa-tingala ako at agad kong naramdaman ang pamumuo ulit ng mga luha ko. He's been with girls lately. Napapansin ko. Simula noong narinig ko siyang may katawagan. Pati iyong si Cassie. O baka naman... Ganoon na talaga kahit noon pa? At hindi niya lang ipinapakita dahil baka gamitin ko iyon kay Daddy laban sa kaniya? At ngayo'y hinahayaan niya na lamang dahil nga wala naman na akong laban pa sa lahat. Talong-talo na ako.

Is this one of the many traits I never knew he possessed? Matinik sa babae? Isa ba ito sa mga hindi ko alam sa kaniya? Na-kagat ko ang aking ibabang labi. Maybe, yes...

Hindi ko naman pakikialaman iyon, eh. Alam ko namang wala akong lugar upang punahin iyon. Kahit na may nararamdaman akong mabigat at kakaiba. Alam kong wala ako sa lugar. Gusto ko lang naman humingi ng tawad. Gusto ko lang naman ma-ibalik iyong dati niyang pakiki-tungo sa 'kin. I just want him back simply because I realized how kind and thoughtful he really is. I just want to finally thank him for everything he's done for me. Kahit iyon lang. Kahit iyon na lang...

Naisip ko bigla na baka hindi niya na nga siguro ako patatawarin pa. Na hindi na siya babalik sa dati. I shivered at the thought. Ang sakit.

Ilang minuto pa akong nanatili at naka-tulala lamang habang malalim ang isip sa mga bagay-bagay. Maybe it is not yet enough? Maybe, I should try harder? Napa-pikit ako nang mariin. Ang hirap. Nahihirapan ako. Hindi ako sanay sa ganito. All my life not once did I ever ask for forgiveness just like how I did a while ago. Hindi ako ganoon humingi ng sorry. Hindi ako kailanman naging ganoon ka-sincere at desperado. And it frustrates the hell out of me thinking that it's still not yet enough for him. For a man like him.

Bigo na lamang akong napa-tayo. Malakas na nagpakawala ng hangin bago lumabas. Napa-tingin sa akin ang sekretarya ni Daddy. I smiled at her.

"Oh? B-blythe, hindi ka pa ba magla-lunch?" Alanganing tanong nito sa akin. Umiwas ako ng tingin.

"Uuwi na po ako." Sabi ko. Bahagyang kumunot ang noo nito pero tumango rin kalaunan.

Tumitig muna ako sa kaniya nang ilang sandali. I just want her to tell Luca that I went home already when he comes back. Pero naisip ko, baka wala rin naman iyong pakialam. Kaya huwag na lang. Binigyan ko na lang ng tipid na ngiti ang naka-tulalang sekretarya 'tsaka mabilis na umalis.

Nagpa-sundo ako kay Manong Andoy. Nag-hintay pa ako nang ilang minuto sa labas ng firm. Tulala ako habang pinapanood ang paglalabas-masok ng mga tao sa firm nang mapansin ko ang binatang vendor ng yema candy. My mouth suddenly watered at the sight!

Dali-dali akong lumapit sa binatang vendor at kumikinang ang mga matang tiningnan ang yema candies niya.

"Yema candy, Ma'am? Masarap." Medyo may pagka-jologs nitong sabi sa akin. Palihim akong ngumiwi ngunit ngumiti rin agad.

"How much?" I asked. Kinamot nito ang kaniyang batok at pinunasan ng puting towel na nasa balikat nito ang namamawis na noo.

"Five pesos, Ma'am." Anito. Okay, I like the gender sensitivity of this guy. He keeps on addressing me 'Ma'am'. Hindi tulad ng iba na insensitive at kailangan pang i-correct bago matauhan.

His Untamed Brat (Hot Trans Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon