Umaga ng Lunes ay tamad akong nag-susuklay ng buhok kong medyo basa pa. It's six in the morning and I'm off to school. Nakaligo at nakapag-bihis na ako ng uniform ngunit hindi ko pa rin feel bumaba dahil tinatamad at wala akong gana. Hindi talaga sapat ang dalawang araw na break!
Mas lalo akong nanlumo nang maalala na may oral recitation pala kami ngayon. Random calling! Hindi naman ako ganun ka nangungulelat sa school pero damn! Madalas lang talaga akong tamarin mag-aral!
Pagod akong tumitig sa repleksyon ko sa salamin matapos mag-suklay. I look so formal and innocent when wearing a school uniform. Hindi ako masyadong naglalagay ng kolorete sa mukha kapag nag-aaral pero hindi pa rin nawawala ang on fleek kong kilay. Natural na ma-arko at makapal ang mga pilik-mata ko. My eyelashes flatter my chinky eyes. And my cute lips is to die for. Bitch, I'm a goddess.
Marami akong manliligaw sa school. I mean, no kidding. I'm quite popular in school and a lot of girls hated me for it. While the boys, on the other hand, respect me so much because the Dean is my Uncle— Daddy's twin brother. Si Tito Edgar. And, hello! Bitter lang din talaga iyong mga malalanding mga babae sa school dahil hindi ko pinapansin ang mga lalaking kina-babaliwan nila. I mean, wala akong nakikitaan sakanila ng spark and substance. Gwapo, mayaman, malaking pangangatawan, pero boring. Alam niyo 'yon?
Napa-kagat ako ng labi nang maalala si Clyde. Clyde Fox Jaranilla. Oh, 'di ba? Alam ko na ang buong pangalan niya. And we're friends on Facebook already! In-add niya ako! Imagine my kilig that time! Sabado ng gabi iyon nang mag-open ako ng account at bumungad sa 'kin ang friend request niya! Gosh, ang ganda ko talaga!
Pero hindi pa kami nagkakaroon ng conversation sa social media. Napansin kong hindi siya ganun kadalas mag-online. Well, I'd prefer we talk and flirt in person, anyway. No biggie.
He's really gwapo. A young teenage boy with the 'spark and substance'. Unang kita ko pa lang sakaniya ay nag-wala na agad ang maharot kong sarili. I really can't wait to bond with him soon.
Nawala bigla ang ngiti ko nang maalala si Luca. That guy! Hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa niya nung Sabado! Napaka-kill joy! Imbes kilig na kilig na sana ako, eh, nung nakita ko ang pagmumukha niya ay biglang gumuho! Hindi ko siya nakita buong araw kahapon at rinig ko'y may lakad daw. Mabuti naman at nang hindi ako aburido na naman buong araw. Naiinis talaga ako sakaniya!
Inis akong napa-irap sa salamin at padabog na tumayo na. Panigurado'y naga-almusal na sila ngayon sa baba. Of course, with Luca. Napa-tingin ako sa labas ng bintana ko at nakitang matirik na ang araw sa labas. Malapit na rin kasing mag-summer. Napa-ngiti ako agad. Malapit na ring mag-end ang school year! And bitch! Summer it is! I can't wait for my vacation! The beach and all that.
Pababa ako ng hagdanan ay sakto namang paakyat rin si Kuling. Tinaasan ko agad siya ng kilay. Huminto siya at puma-gilid pagkatapos ay tipid na ngumiti.
"Good morning po, Ma'am Blythe. Pinapatawag na ho kayo." Aniya. Tipid lang akong tumango at nilagpasan siya. Narinig ko naman siyang sumunod sa 'kin.
Pagkapasok ko ng Dining Area ay una kong nakita sina Dad at Luca na masinsinang nag-uusap habang kumakain. Si Mommy naman ay tahimik lang at wala si Ate Von. Si Justin lamang na naka-suot na rin ng kaniyang Junior High School uniform ng aming paaralan ang anak niya sa hapag.
"Good morning." Tamad kong bati. Sabay silang napa-lingon sa 'kin. Humalik ako sa pisngi ni Mom at Daddy.
"Kumain ka na, Blythe." Ani Mommy. Agad akong tumabi sakaniya.
"Ang tagal mo na namang bumaba, male-late ka na naman." Sita niya. Bumuntong hininga ako.
"Mom, you know I hate Mondays..." Sabi ko. Tumikhim naman si Daddy at nag-punas ng table napkin sakaniyang bibig.
BINABASA MO ANG
His Untamed Brat (Hot Trans Series #2)
RomanceLike a typical bratenella, Blythe Gia Gomez loves to do rebellious things and gives zero care. Kayang kunin lahat sa isang pitik lamang ng daliri, buhay prinsesa kung maituturing. Pero ang hindi niya inaasahan ay ang pagdating ng taong babago at hah...