1st Scar

3.3K 53 5
                                    

Ayoko sayo

Ikinuwento na sa akin ni Hendrix tungkol sa kapatid niya. Maraming taon na ang lumipas simula nung nalaman ko na rin kung bakit nandito ang pinsan ko. Noong una ko palang nalaman ay hindi ako naniwala na kapatid niya si Klare. Siguro noong una palang siya dito ay naninibago siya. Kaya ngayon niya lang naikwento lahat ng ito sa akin.

Si Klare ang dahilan kung bakit siya na lipat dito. Gusto niyang makita ang kanyang kapatid. I can't believe it! May kapatid pala si Hendrix sa labas. Pero sana nga...malaman niya na rin na mas maaga para hindi rin siya masaktan.

"Baka niloloko mo lang ako Hendrix" Sabi ko sa pinsan ko.

"I'm not, Victoria." Seryoso niyang sabi. Nakapatong ang isa niyang siko sa lamesa habang pinagmamasdan ang pini-paint ko. Nasa garden kaming dalawa dahil mas presko kapag dito ako gumawa.

"Kaya ka nandito dahil doon?" Naglagay pa ko ng konting acrylic sa tray.

Tumungo siya. Kinuwento niya sa akin lahat na may kapatid nga siya dito. At si Klare Montefalco nga iyon. Malaki ang tiwala sa akin ni Hendrix kaya sa akin niya lang naikwento pero sa iba pa naming pamilya ay hindi alam.

"I want to see her and to check her, Gusto ko siya makilala." Aniya.

Napatingin ako sa kanya ngunit blanko at seryoso ang pagtingin niya sa paintings ko. "Pinapansin mo ba?"

Umiling siya. "Nope, ayoko masyadong dumikit sa kanya."

"Bakit hindi mo pansinin? I think she's nice naman. And her cousin's too. I mean mga girls lang puwera na lang sa mga pinsan niyang lalake"

Umiling siya. "I just want to check her everytime."

Nalaman ko rin na lagi silang nag-aaway nang kapatid niya. Ayaw niyang may pumapansin kay Klare. Na kahit ako ay pinagbabawalan niya minsan. But i don't care, i want to know my cousin. Gusto ko sa oras na malaman niya na Ty siya ay akong una niyang pinsan na makilala kahit pangalawang pinsan niya lang ako. I'm still a Ty. Masama rin ang kutob ko na hindi siya magugustuhan ng mga Ty. Only Tito Ricardo and her brothers. Hindi ko na lang alam kung matatanggap siya ni Tita Marichelle. Pero sa tingin ko matatanggap din naman siya.

"How about Pierre?" Tumingin ako sa kanya. "I heard na susunod siya dito."

Sumandal siya sa upuan. "Mag-eenroll na siya dito."

Naghalo ako nang kulay. Naglagay ako nang kulay yellow at konting orange para magkulay Peach ang color. Dinamihan ko naman ang paglagay nang kulay puting pintura. Pinunasan ko ang ang natitirang acrylic sa kamay ko.

"Well, that's good. Hindi ka nag-iisang tumitingin kay Klare." Tumawa ako ngunit ngumisi lang siya.

Pininturahan ko ang mukha nang paintings ko. Para nga lang siyang anime pero nagmumukha siyang tao. It looks like a realistic anime. Malaki ang mga mata pero hugis tao ang kanyang mukha.

Tumingin ako sa pinsan ko. Likas siyang maputi, matangkad at seryoso. Hindi mo siya mabibiro but deep inside. Mabait si Hendrix at maalaga. Hindi niya lang masyadong pinapahalata.

Grade 8 na kami this june. Hindi parin kami magkaklase pero okay lang din naman sa akin. Hindi ako sanay na may kaklase akong pinsan. Hindi naman ako katulad ng mga montefalco. Dumating si Ivana at naglapag nag cookies sa lamesa.

Her short hair na umaabot hanggang balikat ay bumabagay sa kanyang cheek bones. She's only 14 pero may cheekbones na. Her petite body and fair skin ay bumagay din sa kanyang tangkad. Sabi ko magpataba siya kahit konti pero wala...hindi nakakayanan. Malakas siyang kumain pero hindi tumataba.

Scar left behind (Fan Fiction of Azrael Montefalco Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon