Stalker
Tatlong buwan na ang nakalipas nang umuwi kami ng Surigao. Medyo naging tan at mapula ang kutis ko. Wala kaming ginawa kundi magswimming, surfing, tulong sa negosyo o kung ano-ano pa.
"Are you ready for the sem?" Tanong ni Jason habang kumakain sa harapan ko.
Umiling ako. "Hindi pa ko nagr-review. Maybe later, magsisimula na ko."
Ngumiti siya. "That's good. Kahit ako ay wala pa rin na r-review. Pwede bang sabay tayo?"
Sa tuwing ngingiti siya parang gusto ko na siyang halikan. Masyado kasing mapula at makinis ang labi niya. Kung pwede nga lang kanina ko na ginawa. Teka! Siya pala first kiss ko! Bakit ngayon ko lang naisip yon? Matagal na rin kasi yon, pero kahit na! Sana maulit pa!
"S-sure!" Ngumiti ako. "Why not?"
Ganon parin ang itsura niya. Singkit at maputi ang kutis. Makinis siya. Hindi katulad ng iba ay puro peklat o kung ano ano pang sugat sa katawan. Hinawi niya ang kanyang buhok na mas lalo kong nakita ang kagwapuhan ng mukha niya.
"Gusto ka pala makita ni Ahma. Namiss ka daw niyang kakwentuhan." Aniya.
Tumawa ako at umakyat ang dugo ko sa aking pisngi. "Talaga lang ah!" Naging close kami ng Ahma niya noong dumalaw kami sa Angkong niya. Masyado kasi siyang na stress sa nangyari sa angkong niya, kaya lagi kami nagk-kwentuhan.
"Yep! Gusto ko niya makita." Tumawa siya. "Nakita ko naman kung paano mo pinasaya ang pakiramdam nila Angkong."
Napayuko ako at ngumiti na mas lalong na mula ang pisngi ko. "Wala yon! Naiintindihan ko naman."
"Thank you for that!" Ngumiti siya at kumain ng sandwich. "Can we go out after the sem?"
Agad ako napatingin sa kanya. Sa loob ng maraming buwan ay ngayon na lang ulit siyang nagyaya umalis. Tumawa ako at umiwas. "Sure! Bakit naman hindi. Malakas ka sa akin e"
Ngumiti siya. "Ang tagal na rin natin hindi umaalis. Almost a month na rin.
Kumain lang ako sa harapan niya habang tahimik lang kami. Umupo ako ng maayos para sumenyas sa kanya.
"Jason?"
Agad naman siyang napatingin sa akin at nagtaas ng kilay.
"Nagkaroon ka na ba ng girlfriend?" Wait! Bat ko pala natanong yon? Alam mo Victoria? Hindi ko alam kung minsan tanga ka! Wala na naman siguro ako sa sarili. Agad ako umiwas at pinunasan ang pisngi ko. "I-I'm sorry! W-wag mo na lang sagutin."
Ngumiti siya. "No! It's okay! Wala namang problema sa akin yon."
Ngumiti ako. "Ang tagal na kasi natin magkakilala pero wala pa akong masyadong alam sayo. I mean..." Binasa ko ang labi ko. "I want to know more about you."
BINABASA MO ANG
Scar left behind (Fan Fiction of Azrael Montefalco Book 1)
FanfictionVictoria Cristelana Ty is a 2nd cousin of the Ty's. Siya ang kababata ni Hendrix Ty. She's also a soldier and she can do everything to keep you safe. Ginagawa niya din ang lahat para sa ikasasaya ng kanyang pamilya lalo na sa kanyang pinakamamahal...