29th Scar

1.1K 23 2
                                    

All lies

Months ago

Hindi ko namalayan na halos dalawang oras na ko naghihintay sa kanya. Kakatapos ko lang magtaekwando at madilim dilim na ang paligid. Wala pa naman akong dala na kotse dahil ang usapan namin ay susunduin niya ko. Niyakap ko ang sarili ko nang umihip ang malakas na hangin.

Me:

Where are you?

Agad ko sinend ang text. Umupo ako para hintayin siya. May mga ilang kotse pa naman ang dumadaan kaya wala akong ginawa kundi panoodin ito.

Pabalik balik ang tingin ko sa cellphone para hintayin ang text niya. I'm tired and I want to go home. Bigla naman ito tumunog at alam ko na kung sino iyon.

"Jason?"

"Gabi na ah! Hindi ka pa din umuuwi?"

Napatigil ako. "A-Azael?"

"Yes! Sino pa ba?" Napatingin ako sa paligid ngunit wala naman siya dito.

"P-paano mo nalaman na magisa nga ako?"

"Siguro nandito ako sa likuran mo?"

Agad ako napalingon sa likod nang makita ko siyang nakangisi.

"Alone again huh?" Binaba niya ang tawag. Hindi na ko kumibo. Tumalikod na lang ulit ako na hanggang ngayon ay umaasa pa din na dadating siya.

Naramdaman kong tumabi siya sa akin at bumuntong hininga. "Siya ba ang hinihintay mo?" Aniya sabay tingin sa akin.

Tumungo ako nang hindi ko siya nililingon. Natahimik kami ng sandali habang tinitignan ko ang picture namin ni Jason. Magkayakap kaming dalawa at ito yong nagdate kami noon.

"Azrael?" Mahinahon kong tawag.

"Hmm?" Nagtaas ang mga kilay niya.

"Mahirap ba kong mahalin? Feeling ko kasi ang hirap."

"Walang mahirap, Victoria." Bumuntong hininga siya. "Bakit mo pala na tanong yan?"

Nagbalik baliktad ako. "Wala naman." Ngumiti ako ng tipid. "Gusto ko din malaman kung mahirap ba?"

"Hindi ka naman mahirap mahalin, Victoria. Ang mahirap mahalin ay yang boyfriend mo." Tumawa siya ng mahina.

Napailing na lang ako. Ang hirap dito kay Azrael ay hindi siya nagseseryoso minsan. Kaya tuloy nasusuntok.

"But if you love him and you really love each other. You need to fight and to understand, Victoria. Para mas tumibay ang relasyon niyo. All you need is." Ngumiti siya sa akin. "Trust to each other."

"Tama ka nga siguro." Tumayo ang mga balihibo ko ng umihip ang hangin. "I'm just frustrated and curious."

"What do you mean?"

"Dati gustong gusto ko siya pero bakit ngayon parang..."

Tinignan niya ko ng maigi. "Parang ano?"

Scar left behind (Fan Fiction of Azrael Montefalco Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon