25th Scar

1K 23 0
                                    

Hindi ako nagkakamali

Walang gana akong umupo sa kama. "Nasaan ka na naman ba?"

"Nasa trabaho."

"Trabaho na naman? Baka hindi na trabaho inaatupag mo diyan, Jason. Hindi na ko natutuwa sayo"

Narinig kong bumuntong hininga siya sa kabilang linya. "Mamaya uuwi na ko."

Nasa trabaho na naman siya. Kahapon pa siya hindi umuuwi. Nakakainis! Ilang beses akong tumawag kahapon at hindi niya ko sinasagot. Sigurado akong si Natalie na naman ang kasama ng lalaking yon!

"Wag ka na lang kaya umuwi" Nagtatampo kong sabi. "Ganon din naman eh! Kung bukas magkikita tayo ay diyan din naman ang punta mo."

"Nagtatampo ka na naman? Tampuhin ka talaga." Tumawa siya.

"Wag mo kong tawanan Jason. Hindi na ko natutuwa. Naiinis ako sayo!"

"Okay! Sorry." Sumeryoso siya. "Okay! Uuwi na ko, pupuntahan kita jan."

Ilang sadali ay narinig kong may tumawag sa kanya sa kabilang linya. "Jason, I'm waiting for you, nandito ka lang pala." Narinig ko pa siyang tumawa sa kabilang linya.

Nakaramdam agad ako ng kaba at galit. Narinig ko na naman ang boses ng babaeng yon. Sa totoo lang, ang sama talaga ng kulog ko sa babaeng yon. As in napakasama talaga.

"So siya pala ang kasama mo?" Nilaksan ko talaga ang boses ko para marinig ng babaeng yon.

Bumuntong hininga siya. "Nasa trabaho kami. Naiintindihan mo naman hindi ba?"

"Sino yang kausap mo?"

Hinihintay kong sumagot si Jason. "Si Victoria. Tumatawag"

"Bakit daw?" Tanong niya sa kabilang linya. Ano naman ang pake niya kung tumawag ako?

"Wala may sinasabi lang." Sagot ni Jason kay Natalie.

Nagrolling eyes ako.

"Okay! Uuwi din ako mamaya. Don't worry. Ang init na naman kasi ng ulo mo, Sweetheart." Paglalambing niya.

"Bahala ka! Sige na! Baka naghihintay yung Natalie na yun sayo!" Sabi ko sa dismayadong tono. Sa dinami dami ng makakatrabaho niya. Bakit babae pa? Nakakainis! Minsan ko na nga lang nakakasama si Jason.

Pagkatapos kong sabihin kay Jason ay binabaan niya na agad ako. Wala man lang "I love you" na pahabol. Gaano ba siya ka busy? Para mawalan ng time para sa akin?

Humiga ako sa kama at tumingin sa kisame. Nasasaktan ako ah! Akalain mo nga naman! Ang sabi sa akin sa isa niyang katrabaho ay lagi daw silang magkasama ni Natalie. Syempre! Ako ba naman girlfriend, nat-tense ako.

Nabaling ang atensyon ko sa table dahil tumunog ulit ang cellphone ko. I hope na hindi si jason, baka kasi ano na naman ang masabi ko na hindi maganda sa kanya.

Hindi ko na tinignan ang pangalan ay sinagot ko na agad. Hinilot ko ang aking noo.

"Yes?" Medyo pa galit kong sabi.

"Pupunta ka ba sa training ngayon?" Ilang sandali ay napatigil din siya. "Bakit parang badtrip ka ata? Hulaan ko kung bakit? Si Jason na naman yan noh?" Sabi niya, na para bang alam na alam niya kung bakit ako nagkakaganito?

Bumuntong hininga ako. "Wala! Masakit lang ulo ko! Dami kong iniisip."

"Ano bang gusto mo? Bantayan natin? Bantayan na lang kung kesa naman ganyan ka, every time na nasa trabaho siya." Seryoso niyang sabi.

Scar left behind (Fan Fiction of Azrael Montefalco Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon