26th Scar

1K 24 0
                                    

The Chinese boys

Pagkadating ko sa SCP. Nakita ko ang isang Ford ranger. Napailing na lang ako at hindi ko pinansin ang kotse na yon dahil kilala ko na kung sino yon. May mga sumaludo pa sa akin kaya sumaludo din ako pa balik. May mga babae pang nakasuot na pang soldier. Maraming nagt-training ngayon at lalo't ng sabado.

Sinuot ko ang salamin ko dahil sikat na sikat na ang araw. Bago ako makapasok ay may nagtext sa akin.

Azrael:

Gising ka na ba?

Masama pa ba pakiramdam mo?

Agad din ako nagreply.

Me:

I'm okay! Thank you pala kagabi.

Hindi siya nagreply sa text ko. Inilagay ko muna yon sa bulsa ko. Pagkapasok ko ay nandoon sina Ivana, Ian and of course! Jason.

Napatigil ako ng makita ko ang isang babaeng mukhang modelo sa tabi ni Ian. Napatigil sila ng makita ako ni Ivana. Lahat ay napasa akin ang atensyon. Napatayo siya at niyakap ako. Napatingin din sa akin ang babaeng kasama niya, na si Natalie.

"Sa wakas! Nandito ka na." Nakangiti niyang sabi. "Kanina ka pa namin hinihintay" Ngumiti ako ng tipid at niyakap din siya.

Inaamin kong hindi ako okay ngayon. Nagkatinginan kami ni Jason. Napatayo siya at may kinuhang bulaklak. Ngumiti siya sa akin at sinalubong ako ng yakap.

"I miss you!" Masaya niyang sabi. Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan lalo ng makita ko ang babaeng lagi niyang kasama. I'm just jealous and insecure. I miss him too pero may kulang talaga.

Ngumiti ako ng tipid at tinanggap ang binigay niya. "Thank you!"

Kumunot ang noo niya. "Are you okay? Hindi ka ata kumikibo ng maayos ngayon."

"I'm okay" Ngumiti ako.

Ngumiti din siya pa balik. "Do you miss me?" Hinalikan niya ako sa pisngi. Natawa naman ako. "I'm fine. Kakagising ko lang kase." Binale wala ko ang sinabi niya.

Tumungo naman siya at mukhang nadismaya naman. "May papakilala ako." Bigla akong nakaramdam ng hindi maganda sa kanya. Inakbayan niya ako at lumapit kami sa table nila Ian. Ngumiti lang ng malapad sa akin si Ian kaya tumungo lang akong nakangiti.

"This is Natalie Dela cruz"

Napatingin ako sa babaeng nasa harapan ko ngayon. Nakangiti siya sa akin. Mataas ang kanyang cheek bones at nahalata din ito dahil sa kulot niyang buhok. Medyo makapal ang kanyang labi at mapula. Malalim ang kanyang mata at matangos ang ilong. Maputi siya at medyo petite ang katawan. Parang nakikita ko si Lana del rey sa harapan ko. Hindi na ko magtataka dahil mukha siyang modelo.

Ngumiti ako sa kanya at nagpakilala. "Victoria Ty" Nilahad ko ang kamay ko. Ngumiti siya at tinanggap ang kamay ko.

"It's nice to meet you! Ikaw pala ang girlfriend ni Jason?"

Aba! Buti at alam mo! Syempre sa isip ko lang yon!

"Yes! His one and only." Humawak ako sa braso ni Jason at pansin ko ang pagtingin niya doon. Ngumiti ako kay Jason na nakangiti lang din sa akin. Umupo kaming dalawa sa harapan nila. Nasa harap ko si Natalie. Si Ian naman ay kaharap si Jason. Pinaka gitna si Ivana.

"So, siya ang magaasikaso ng negosyo nila kapag wala ang kanyang Daddy." Ani Ivana. "Ang Daddy niya ay kasama lagi ni Tito Victor."

So kasyoso pala ng tatay ko ang pamilya nila.

Scar left behind (Fan Fiction of Azrael Montefalco Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon