21th Scar

998 19 0
                                    

Matagal na kaming dalawa

Ilang buwan na ang nakaraan. Dumating ang pasko at bagong taon ay panabagong buhay na naman ang haharapin ko. Marami na nangyari sa buhay ko. Graduated na din ako ng college at Business management ang kinuha kong kurso. Natapos na rin ang debut ko noong mga nakaraang buwan.

"It's Klare's debut." Uminom ako ng Heineken. "Invited ka?"

Umiling si Hendrix habang pinapanood ang kapatid niyang naglalaro ng billiards. "We're not invited." Napatingin siya sa akin. "You?"

Umiling din ako. "We're not even close."

Ilang linggo na lang din ay debut na ni Klare. She's turning 18 this month.

"Ballseye!" Tumawa ang isa sa mga kaibigan ni Pierre. Nakita kong napailing si Pierre dahil hindi niya napasok ang isang bola.

"I heard that Justin just got home from states."

"Yep! He invited me to his party."

Napatingin siya sa akin. Kumunot ang noo niya. "When?"

"Maybe" Tumingin ako sa relo ko. "Later. It's only seven."

Tumungo siya. I'm waiting for Jason's text. Kanina pa ko naghihintay sa kanya. Kasama ko kasi siya sa party mamaya.

"Wala ka bang balak batiin ang kapatid mo? Malapit na debut niya."

Umiling siya. "I have no plans for that...pagkatapos ng debut niya sasabihin na namin"

Tumungo ako. "I hope so...sana matanggap niya. Alam kong masakit sa kanya at lalo ng hindi siya tunay na Montefalco."

"I hope so" Tipid niyang sabi. Tumayo ako sa upuan para makisali kayla Pierre. It's been 18 years. Hindi pa rin nalalaman ni Klare pero base sa plano ni Hendrix ay sasabihin niya din. Dadahan dahanin niya lang ang plano niya para hindi mabigla si Klare. Alam kong malaking gulo ang mangyayari kapag sa oras na malaman ni Klare na hindi siya tunay na Montefalco. Sana laksan niya rin ang kanyang loob. Matatangap niya rin naman pero hindi ganon kadali.

Isa na din sa mga problema nila ang kanyang Lola Senica. Sana ay matanggap siya ng kanyang Lola. She's over protective. Siya lagi ang nasusunod.

"May I"

Nagkatinginan pa ang mga kaibigan ni Pierre. Tumungo ang isa sa kanila.

"Prove it to me." Mayabang na sabi ni Pierre. "Kung talagang marunong ka."

Natawa ako. Kinuha ko ang taco at pinabayaan niya ko maglaro. Naglaro ako. Napasok ko ang isang bola.

"Nice!" Sabi ng isang kaibigan ni Pierre. Lumipat ako ng map-pwestuhan. Sinukat ko muna ang taco bago ako tumira. May dalawa akong napasok. Sumimangot si Pierre sa akin kaya tinaasan ko lang ng kilay

"Last one" Sabi ng isang lalaki. Tumuwad ako para isukat ang bola. Nanonood lang ang dalawa kong pinsan. Si Ivana ay kausap ang isang kaibigan nila Hendrix habang pinapanood ang laro ko.

Ititira ko na.

"Victoria" Nagulat ako ng biglang dumating si Jason. Napatingin kaming lahat sa pagdating niya. Narinig kong tumawa si Pierre sa tabi ko. Napailing ako dahil pumalpak ang tira.

Scar left behind (Fan Fiction of Azrael Montefalco Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon