16th Scar

1K 23 1
                                    

What if

Buti hindi nila ako nakita. Agad akong lumapit kay Azrael na saktong tapos nang kumain.

"Azi! Umalis na tayo!" Hihilahin ko na sana siya pero nagpaawat pa.

"Why?" Kunot noo niyang tanong.

"Basta! Umalis na tayo!" Sumunod naman siya. Kinuha ko na ang pitaka ko sa bag para magbayad ngunit inagaw niya ito. "Ako na" Aniya

"Teka! Hindi ba? Bawi ko sayo ito?" Kinuha ko ulit ang wallet ko. "Ako na!"

"Hindi ako pumapayag kapag babae ang nagbabayad para lang sa akin." Kinuha niya ang wallet niya. "Ako na!" Ngumiti siya. "Makasama ka lang ngayon masaya na ko."

Ngumisi ako habang naghihintay sa kanya. Sumakay na kami ng fortuner niyang kulay puti. Tahimik ako sa tabi niya habang diretso siya sa pagdrive.

"Lalim ng iniisip mo?" Palipat lipat ang tingin niya. "May problema ba?"

Napatingin lang ako sa kanya at tsaka umiling. Sinong pinapahanap ni Jason? Hindi kaya...Umiling ako. Hindi ako yon dahil wala naman akong narinig na pangalan ko.

"Are you sure? You really want to go home?" Tanong niya. Gusto ko na ba talaga umuwi o mamaya na. Palipat lipat ang tingin niya sa akin na parang nag-aalala rin.

"Ayoko pa!" Ngumiti ako. Alas cuatro palang naman ng hapon at wala naman ako gagawin sa bahay. May tiwala ako kay Azrael, kaya okay lang din naman.

Tumungo siya at nagdrive. Ilang sandali ay may tumawag sa kanya. Tinignan niya muna ang pangalan bago niya sinagot.

"Hello?" Sagot ni Azrael sa kabilang linya.

"Nasaan ka?" Rinig kong boses ni Josiah.

"Nasa tabi tabi lang." Tumawa siya. "Bakit?"

"Baka kung sino sinong chicks na naman kasama mo." Narinig kong tumawa si Josiah. Napatingin sa akin si Azrael ngunit umiwas ako. Nakikinig lang ako sa usapan nila habang pinaglalaruan ang mga daliri ko.

"I don't have any girl, Josiah." Seryosong sabi ni Azrael. Napansin niya siguro ang reaction ko sa sinabi ni Josiah.

"Chill! Parang ang sungit mo ata ngayon." Tumawa si Josiah. "By the way! Sa bahay tayo nila Klare matutulog bukas."

"Okay! I'll text you when I got home. I'm busy!"

"Busy for what? Azi. Baka nagpapainit ka na naman."

Natawa ako ng mahina sa narinig ko. Pinagmumura niya si Josiah sa kabilang linya. Namula rin ang pisngi ni Azrael dahil sa na rinig ko

"Okay! Okay! I'll call you later. Masyado kang epal!" Iritadong binaba ni Azrael ang cellphone. "Sorry about that."

Tumungo ako. "It's okay!" Napayuko ako. "Bakit daw?"

"Wala. Kayla Klare kami matutulog mamayang gabi." Ngumiti siya. "It's her birthday tomorrow."

Napatigil ako at muling tumingin sa kanya. "Seriously?" Napangiti ako. "Pa bati na lang ng happy birthday sa kanya."

Matamis siyang ngumiti. "Sure! So...saan mo gustong pumunta?" Niliko niya ang sasaktan.

"Kahit saan mo gusto. Basta ayoko pang umuwi, kahit tayong dalawa lang muna."

Tumungo siya. "May dala ka bang damit?"

Napalingon ako bigla sa kanya. "Why?"

Tumawa siya bigla habang nagd-drive. Nagtaas ako ng kilay. "Bakit nga?"

Scar left behind (Fan Fiction of Azrael Montefalco Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon