31th Scar

1K 29 0
                                    

Where's the love

Napasandal ako sa likod ng sofa nang malakas na sampal ang inabot ko. Agad na lumapit sa akin si Ian at Ysabelle sa ginawa ni Papa. Galit sa akin ang pamilya ko dahil pinaliwanag ko lahat. Lahat ng mga kawalanghiyaan na ginawa sa akin ng mga Xiong at Zhang. Napaiyak ako at napahawak sa aking pisngi.

Si Mama ang umawat kay Papa. Ang mga pinsan ko ay tahimik lang at gulat sa mga nangyayari. Hindi ko din alam kung may galit din ba sila sa akin.

"Malaking kahihiyan ang ginawa mo!" Sigaw ni Papa ng nakauwi na kami.

"I know but you need to understand."

Halos ibaon na ko sa lupa ng malaman nilang lahat. Ayaw nilang maniwala sa akin. Parang nagmumukha akong blacksheep dahil gumagawa ako ng kwento para hindi matuloy ang kasal. Kumbaga ako ang pinakawalang hiya. Tama nga si Azrael. Baka nga pagsisihan ko bandang huli at eto nga ang kinalabasan.

"Nakakahiya sa mga Zhang! Lalo na sa mga kaibigan ni Angkong!"

Lahat ng pamilya ko ay nasa akin ang tingin. Si Ian ay parang awang awa. Si Ivana naman ay walang kibo. Ang iba kong pinsan ay nasa akin ang tingin at parang hindi makapinawala.

"Pa, I'm sorry. Ayoko talaga magpakasal at matagal ko na din gustong itigil toQ"

Napailing si Mama. "Kami ang napahiya! Victoria. Lalo na kay Tita Denise mo!"

"I know. Pero sana intindihin niyo din ako! Ako ang anak niyo! Ma! Bakit ba ayaw niyong maniwala sa akin?"

Hindi ko akalain na pamilya ko pa mismo ang ayaw makinig. Basta sa pera pati anak pinamimigay. Sasampalin sana ulit ako ng inawat siya ni Angkong. "Victor, tama na! Narinig mo naman ang rason ng anak mo! Wala ka na siguro dapat itanong pa dahil iyon na ang pinaliwanag sayo!"

Nagkatinginan sila ni Papa. "Dad ng dahil sayo nagiging ganyan ang anak namin. Hindi marunong rumespeto. Hinding hindi magagawa ng mga Zhang ang ganon na bagay."

Nasasaktan ako dahil ako mismong anak ayaw ako paniwalaan. Tumalim ang tingin sa kanya ni Angkong.

"Wag mong pagsasalitaan ng ganyan ang apo ko! Victor. Kung totoo man o sa hindi ang sinasabi niya ay dapat maniwala ka sa anak mo! May respeto ang apo ko at ako ang nagpalaki sa kanya! Kilala ko ang mga apo ko. Bakit? Ano bang klaseng pagmamahal ang pinakita mo sa apo?" Napailing siya. "Wala kang ginawa kundi magtrabaho." Napamura siya sa harapan namin. "Dumating ka lang dito ay agad mong pinamimigay ang anak mo sa iba!"

Bumigay ako sa sinabi ni Angkong. Hinimas ni Ysabelle ang likuran ko. Napasinghal ako at niyakap ako ng pinsan ko. Kahit si Mama ay nagulat sa sinabi ni Angkong.

Napalingon sa akin si Mama pero hindi man lang ito lumapit.

Natahimik si Papa. Natahimik ang buong pamilya. I'm hurting as hell! Gusto pa din nila ituloy ang kasal sa ayaw at sa gusto ko.

"You're daughter is a great detective. Alam niya ang ginagawa niya at alam niya ang tama't mali."

"Dad, siya na din ang may gusto na magpakasal kay Jason. Ngayon? Magsasabi siya na ayaw niya na!"

Tumayo ako ng maayos at hinarap sila. Pinunasan ko ang mukha ko. Napasa akin ang tingin ni Angkong.

"Bakit hindi niyo tanongin si Ian?" Napalingon ako sa pinsan ko. "May alam din siya."

Scar left behind (Fan Fiction of Azrael Montefalco Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon