Warning: SPG
Jealous
Binigay sa akin ni Ian ang picture. Tinignan ko ng maigi ang babaeng laging sumusunod sa akin. Maganda siya kung tutuusin. May mukha siyang na pamilyar na sa akin hindi ko lang maalala kung sino.
Binalik ko sa kanya ang picture. Natahimik kaming dalawa. Sumandal ako sa motor habang siya ay umihithit ng isang stick ng malboro.
"Hindi ko alam kung bakit nangyayarisa atin ito. Hindi naman tayo naging masamang tao para ganituhin tayo. Nagulat na lang ako na may gustong pumatay sa atin."
Panay ang buga niya ng yosi samantalang ako ay tahimik. Dinama ko ang simoy ng hangin na tumatama sa mukha ko. Kahit papaano ay gumang ang pakiramdam ko.
"Maraming gustong manira sa akin. Lalo na ang mga Xiong."
"I know" Walang gana kong sabi. "Iniisip ko din si Azrael. Hindi ko alam kung paano siya protektahan. Feeling ko nga kapag kasama ko siya. Parang may mangyayaring masama. Hindi ko nga din alam kung paano siya ipapakilala sa pamilya natin. Sigurado lang ako na malaking gulo ang mangyayari.
"Alam mo? Victoria. Madadamay lang siya. Isa lang iyan kundi iwan siya."
Di ko alam pero na inis ako sa sinabi niya. "Parang ganon lang kadali sa akin, Ian. Kung masakit sa akin, mas masakit sa kanya."
"Ganon din naman! Pagtatabuyan lang siya."
Iniwan ko na siya magisa nakatayo. Mas lalo lang ako maiinis kung makikipagtalo pa ko. Kinuha ko ang cellphone mula sa bulsa. Napako ang tingin ko sa litrato naming dalawa ni Azrael. Agad na lumapad ang aking ngiti. Nilagay ko sa wallpaper ang picture niya kanina habang natutulog. Mukha kasi siyang baby kaya pinagp-picture ko siya.
Lumapit ako kay Ivana para kunin ang susi ng motor. Nasa bahay kami nina Ian. May pupuntahan ata kami mamayang madaling araw. Naginuman at nagkakayaan lang naman ng sandali.
"Saan ka pupunta?" Napalingon pa ang isang kasama namin sa SCP.
"Basta! Pahiram ng susi."
"Oh! Saan ka nga pupunta?" Ulit na tanong niya.
"Basta! Babalik ako. Don't worry." Ngumiti ako. Lumingon ako sa likuran ko habang hinihintay ibigay ang susi.
"Saan pa ba pupunta yan?" Natatawang sabi ni Aki ang bestfriend ni Ian.
Masama ko siyang tinitigan ngunit mas lalo lang siya natawa. "Please! Ivana. Sandali lang talaga"
Hindi na siya nakatiis ay lumapad ang ngiti ko nang binigay niya sa akin ang susi.
"Thank you!" Umalis ako agad. Sigurado akong madaming itatanong yon. Nakasalubong ko si Ian kausap sina Lex at ilang kaibigan namin sa SCP.
"Saan ka pupunta?" Taas noo niyang tanong.
"Babalik ako" Agad akong sumakay ng motor at naglagay ng helmet.
"Teka!" Hindi ko na narinig ang boses niya nang humarurot na ko palayo.
Mag-aalas nueve na ng gabi. Panay ang text sa akin ni Azrael at ina-update ang mga ginagawa niya. Nagikot ikot ako kung saan saan pero hindi ko din alam kung saan ako pupunta. Ang gusto ko lang ay mapagisa. Napahinto na lamang ako sa isang lumang bahay. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko. Nagulat na lamang ako ng may sumilip na babae sa bintana kaya agad ako napaharurot palayo.
It's something weird and creepy.
Paliko liko lang ako sa daan at hindi ko din alam kung saan ako patungo. Basta ang alam ko lang ay bumayahe. Agad ako napatingin sa side mirror. May tatlong nakamotor na nakasunod sa akin. Agad akong kinabahan kaya binilisan ko ang takbo ngunit nakasunod pa din sila. Halos masubsob na ko sa kalsada ng may biglang humarang sa harapan ko. Lahat sila ay nakaitim.
BINABASA MO ANG
Scar left behind (Fan Fiction of Azrael Montefalco Book 1)
FanfictionVictoria Cristelana Ty is a 2nd cousin of the Ty's. Siya ang kababata ni Hendrix Ty. She's also a soldier and she can do everything to keep you safe. Ginagawa niya din ang lahat para sa ikasasaya ng kanyang pamilya lalo na sa kanyang pinakamamahal...