44th Scar

850 34 0
                                    

We don't deserve each other

"Nakabili na kami!" Ani Ivana habang may kausap sa cellphone. Maaga kami bumili ng damit. Sarado pa lang ang Sm ay kami ata ang unang una pumasok sa loob ng Mall.

Inagahan talaga naman ang punta dahil pupunta na kami sa bahay nila Angkong. Doon na kami kakain ng breakfast. Buti hindi pa alam nila angkong na nandito na ko.

"Naghihintay kami dito." Ani Ivana. "Papunta na siya." Aniya sabay baba ng phone.

Tumungo lang kami habang naghihintay.

"Ano oras daw yung event?" Tanong ni Kiera.

"Six" Sagot ko.

Tumungo siya. "I saw Azrael, while ago."

Napatingin sa akin si Ivana pero pinabayaan ko na lang yon. Hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa pagkita namin kagabi.

"Nandito din si Kuya Hendrix."

Napatigil ako. "Kasama niya ang mga montefalco?" Walang sarili kong tanong.

Nagkatinginan kami. "Yes! Kasama niya ang mga Montefalco kanina."

"Anong ginagawa ng mga Montefalco dito?" Tanong ni Ivana

Nagbalik baliktad siya. "Hindi ko alam. Pero ka floor din natin sila. Mga tatlong kwarto ang layo nila. Nakita ko kasi si Kuya Hendrix kaninang umaga kasama ang ilang Montefalco."

"Nagpakita ka?"

Umiling siya. "Nope! Hindi ako nagpakita."

Hindi na ko kumibo. Doon siguro yung kwarto nila Azrael. Dumating na si Ian kaya dumaretso kami kayla Angkong.

"Nasa loob siya hinihintay kayo."

Unang bumaba ang mga kapatid ko kasunod sina Ivana. Pumasok kami sa loob at nakita ko sina Angkong sa garden. Nandoon silang lahat at kompleto. Nandoon din ang aking mga magulang.

"There here!" Sumalubong ng yakap si Ysabelle kayla Ivana at sa mga kapatid ko. Napahinto na lamang ito nang makita niya ko.

"Victoria?"

Ngumiti ako ng tipid. "It's good to see you, Ysabelle."

Hindi siya nagdalawang isip ay niyakap niya ko ng mahigpit. "I thought you're dead. Akala ko hindi ka na din babalik dito."

I miss this! I miss my family and my cousins. Humiwalay siya. "Hindi ko din mapapatawad ang sarili ko sa mga nangyari." Hinawakan niya ang aking mga palad. "I hope you forgive me."

Natawa ako. "Past is past, Ysabelle. Let's move on."

"Victoria!" Sigaw ni Denver ang kapatid ni Ysabelle. Niyakap niya din ako ng mahigpit at ilang pinsan kong nakita ako. Lumapit kami kayla Angkong at lahat sa kanila ay bakas ang gulat.

"Apo" Lumapad ang ngiti ni Angkong at sinalubong ako ng yakap. Dumami na ang kanyang puting buhok at halatang kagagaling lang sa hospital. Medyo mas tumanda siyang tignan kesa noon.

Napapikit ako. "Angkong"

Natawa siya. "Ang akala ko ay hindi ka na babalik dito."

"Bakit naman hindi ako babalik, Angkong? Napakalungkot ng buhay ko doon." Humiwalay ako ng yakap. Nagmano ako sa mga Tito at Tita ko. Kinawayan ako ng mga pinsan ko.

Huling huli ang magulang ko.

"Dad?"

Ang akala ko ay ipagtutulakan pa ko ng daddy ko pero hindi. Ngumiti pa ito na para bang walang mangyari. Sinalubong niya ko ng yakap.

Scar left behind (Fan Fiction of Azrael Montefalco Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon