What do you want from me?
Nagyakapan kaming lahat sa tuwa dahil kami ang nanalo sa game. Sobrang tuwa ko ngayon, una nanalo pa kami sa game pangalawa ay kinuha ni Jason ang number ko. I can't believe it!
"Congrats! Tory" Niyakap ako nila Liezel at Jasmine. "Proud kami sayo!"
"Thank you! Guys" Nagtawanan kami at nagtalunan sa tuwa. I'm so blessed right now! Nanalo ang section namin. 4th year high school ang mga kalaban namin. Binigay sa amin ang maliit na trophy. Nakipagkamayan sa amin ang mga 4th year yung iba naman ay tipid na ngumiti.
"Congrats sa atin!" Patalon na yumakap sa akin si Nikki. "Ang saya grabe!"
Umingay ang mga estudyante at ilan pang kasama namin. Nagyakapan kaming lahat at sinigaw ang team namin. Hindi mawala ang mga ngiti namin sa labi.
Pumalakpak si Jason sa aming lahat.
"Uy! si Jason oh!" Ani Nicole.
Tumingin ako sa kanya. Pumula ang pisngi ko dahil hanggang ngayon ay malapad ang ngiti niya.
"Oo nga! lapad ng ngiti oh!" Kiniliti ni Trisha ang tagiliran ko. "Ayiee! ikaw ah! sabi mo ayaw mo sa mga lalaki tas may pa jason jason ka nang nalalaman jan."
"Support siya sayo oh!" Tumawa si Nikki.
Napayuko ako. "Ewan ko sa inyo!"
"Hala! Namumula siya!" Gulat ni Nicole. "JASON!"
Nanlaki ang mga mata ko sa pagtawag niya. Hala! ayokong makita niya kong ginito. Sa amin napunta ang atensyon nang mga kateammates ko. Napatingin si Jason sa amin habang kinakausap niya si Andrew.
Dumating bigla si Allyson. "Aba! sino namumula" Aniya habang nasa tagiliran ang bola ng volleyball.
"Si Tory, namumula." Ani Trisha. Pilit tinataas ni Allyson ang mukha ko pero umiilag ako.
"Wag!" Protesta ko.
"Aba! Namumula nga! Sino ang nagpapatibok ng puso nito?" Tumawa silang lahat.
"Wala nga!" Yumakap ako kay Liezel.
Nakita kong binulungan ni Andrew si Jason kaya mas lalo akong nahiya. Tumingin dito si Jason at ngumiti. Tumungo tungo pa siya.
"Namumula siya!" Sigaw ni Trisha.
"Jason!" Tawag ni Allyson.
Napatakip ako bigla nang bibig niya. "Allyson wag!"
Nagtawanan ang lahat kahit kanina ay kinakabahan na ko pero ngayon parang mas lalo akong kinabahan.
"Jason!" Tawag ni Nikki. " Payakap daw sabi ni Tory"
"Hala! wala akong sinabi!" Giit ko.
"Nanalo naman daw siya, yakap mo na lang daw ang prize niya" Nakipag apiran si Allyson kay Nicole.
Nagulat na lang ako nang bigla siyang lumapit sa akin. Dala dala niya pa ang kanyang Puma na bag. Umingay ang buong kaklase ko at iba pang estudyante. Iba pa sa kanila ay pinipicturan kami. Bumilis ang tibok nang puso ko at feeling ko parang kamatis na itong mukha ko.
"Oh my gash!" Pinagpapalo ni Savanna si Kelly kaya naiirita ito sa kanya.
"Araw ko naman!" Reklamo ni Kelly.
"First time kong makita si Tory na namula!" Natatawang sabi ni Allyson.
Lumapit sa akin si Jason. "Congrats! Ulit"
"Yakapin mo na! Jason." Natatawang sabi ni Andrew at saka niya hinawakan sa bewang si Jasmine. Si Liezel naman ay supportadong pinipicturan kami. Natawa lang sa kanya si Jason.
BINABASA MO ANG
Scar left behind (Fan Fiction of Azrael Montefalco Book 1)
FanfictionVictoria Cristelana Ty is a 2nd cousin of the Ty's. Siya ang kababata ni Hendrix Ty. She's also a soldier and she can do everything to keep you safe. Ginagawa niya din ang lahat para sa ikasasaya ng kanyang pamilya lalo na sa kanyang pinakamamahal...