Scar left behind
Halos dalawang taon kalahati akong nawala sa pilipinas. Pagkatapos ng aksidente ay napadpad agad ako sa states. Kasama ang pinsan kong si Selena. Doon na ko nagtapos ng pagaaral. Hindi ko din alam kung itutuloy ko pa ba ang criminology ko dahil pati si Angkong ay umayaw agad dahil na din sa mga nangyari. Nilipat niya na lang ako sa negosyo.
Kasama ko si Jason sa states. Pinatawad ko na siya sa mga ginawa niya. Magkaibigan lang kami at hindi na natuloy ang engagement. Nalaman nila ang totoo. Nalaman nila ang mga baho ng mga nagtraydor sa akin kaya iyon ang dahilan kung bakit napadpad ako sa states. Iyon din ang dahilan kung bakit hindi na natuloy ang engagement namin ni Jason.
Nagalit din sila sa mga nalaman. Noong una ay hindi sila naniwala pero si Jason na mismo ang nagpatunay. Siya ang may pakana ng lahat. Una palang ay siya na may kasalanan. Pero sinabi ko na lang na patawarin na lang si Jason. Tapos na ang tapos.
Pero hindi na mawawala yon sa buhay namin. Istorya na lang yon.
Simula noong iniwan ko si Azrael ay hindi na ko nagpakita pa ulit. Ni minsan ay hindi na ko nago-open ng social media. Wala na din ako balita galing sa kanya. Maraming ganap at nangyari sa buong buhay ko. Noong una ay akala kong patay na ko pero...hindi pa pala.
Maraming nagbago at maraming nakakapanibago. Sa loob pa naman ng dalawang taon kalahati ay sa tingin mo ba ay walang mangyayari. Halos magtatatlong taon na din kami hindi nagkikita. I'm sure...galit siya sa akin. Ganon naman! Aaminin ko, sa lahat nang nabasa ko ay paulit ulit na lang lamang.
Iniwan dahil buntis. Iniwan dahil niloko. Iniwan dahil may dahilan. Iniwan dahil hindi ka na mahal at hindi kayo nagkataluyan sa huli.
It's just a recycling stories. Pero lahat nang iyon ay mangyayari sa totoong buhay. Why? Saan ba sila kumukuha ng kwento? Hindi ba sa totoong buhay?
Yes! Let's say na...iexample na lang natin ang buhay namin ni Eba. Si Eba iniwan niya si Damon dahil buntis siya pero hindi natin alam ang buong storya. Sumunod ako...iniwan ko si Azrael dahil may dahilan kami.
Pero...kahit recycling lang ang mga storyang iyon...hindi ko akalain na nangyayari ito sa totoong buhay. Akala ko noong una ay gawa gawa lang ito. Pero totoo pala. Totoo pala kahit sa librong nababasa mo ay nagkakatotoo.
Except na lang sa mga stories na para bang princessa ka. Nope! Hindi lahat ay parang fairytale kapag nagkalove life ka. Mali! Ito ang tinandaan ko sa aking buhay. Hindi lahat ng mga nababasa mong love story ay ganon na lang ang love. Nope! Kung mahal mo ang isang tao ay kaya ka dapat ipaglaban, mahalin, ipagmayabang, buhayin at higit sa lahat ay hinding hindi ka sasaktan.
Noong una ay mataas ang standard ko sa lalaki. Yes! Sabihin na lang natin dahil sa nababasa mo. Pero...aaminin ko. Hindi mo kailangan ng gwapo, may abs, mayaman blah! Blah! Blah!
Ang importante...kaya kang mahalin at buong buo ay kayang tanggapin lahat. Kahit hindi gwapo o ano man basta kaya kang mahalin ng tunay. Isa sa mga natutunan ko. Aaminin ko, hindi lahat ng mayaman ay masaya sa buhay. (Hindi ko sa nilalahat) Yes! Nakukuha mo ang iyong gusto. Nakukuha mo ang atensyon ng tao lalo nang mayaman ka.
Pero...
May mga problema din sila na kahit ikaw ay hindi mo maayos. Sabihin na din natin sa storya ko. Yes! Aaminin kong may kaya din kami pero...napansin mo bang masaya din kami sa buhay?
BINABASA MO ANG
Scar left behind (Fan Fiction of Azrael Montefalco Book 1)
FanfictionVictoria Cristelana Ty is a 2nd cousin of the Ty's. Siya ang kababata ni Hendrix Ty. She's also a soldier and she can do everything to keep you safe. Ginagawa niya din ang lahat para sa ikasasaya ng kanyang pamilya lalo na sa kanyang pinakamamahal...