I love you no matter what
Nakatulong si Azrael sa aking binti. Hinawi ko ang kanyang buhok habang pinagmamasdan ko ang maamong niyang mukha. Humugot ako ng malalim na hininga at hinalikan ang kanyang noo. Kumunot ang noo niya sa ginawa ko kaya napangiti ako.
Na isip ko sa tuwing lalapit siya sa akin ay parang may mangyayaring masama. Ayoko siyang madamay lalo ng ako na ang kasintahan niya. Gusto ko na lang ilihim ang lahat. Ipaglalaban ko siya kahit anong mangyari.
Pinagmasdan ko ang buong syudad. Inaamin ko, sobrang saya ng nararamdaman ko ngayon.
Ilang sandali ay tumunog ang kanyang cellphone. Agad ko itong kinuha at binuksan. Alam ko na ang password ng cellphone niya. Kaya di na ko mahihirapan pa. May ilang mensahe ako natanggap galing kay Rafael.
Rafael:
Nandito kami sa bahay niyo. Nasaan ka?
Nagtext ulit siya.
Rafael:
Dude! Pagkauwi mo. Bumili ka ng makakain para dito.
Napatigil ako ng umungol si Azrael. Agad kong tinago ang cellphone sa likuran ko. Humarap siya sa akin at siniksik ang kanyang mukha sa aking tiyan. Hindi ako gumalaw ng ilang minuto dahil baka magising siya.
"Azi!" Tawag ko pero hindi naman sumagot. Mukhang nakatulog ulit. Kinuha ko ulit ang kanyang cellphone at tinignan ang ilang minsahe.
Napahinto ako ng mabasa ko ang mga mensahe nilang magp-pinsan sa group chat. Kumunot ang noo ko nang nabasa ko ang minsahe ni Rafael. Pero mga nakaraang araw pa ata ito.
Rafael:
Dude! Hindi ko alam kung na saan si Liezel.
Azrael:
Try to find her! Itanong mo kay Eba.
Rafael:
Hindi ko din mahanap si Eba. Wala na din akong balita sa kanya. Pati si Damon ay hinahanap siya.
Rafael:
Wala siya sa apartment niya. Pinuntahan ko siya kahapon doon pero wala siya. Hinanap ko siya kahit saan pero wala akong matanggap na kahit isang minsahe galing sa kanila. Kahit sa Xavier ay wala na siya.
Azrael:
Bakit hindi mo pinatanong sa
admin kung nasaan si Liezel?Josiah:
Rafael, nabilitaan ko ay umalis na si Liezel sa school. Nagpatanggal na siya. Iyon kasi sabi ng kaibigan niya.
Rafael:
Nagpatanggal? Sino kaibigan?
Josiah:
Si Jasmine yung girlfriend ni Andrew. Ang sabi daw ay umalis na siya patungong Manila.
Rafael:
Ano dahilan? Bakit siya umalis? Pucha!
BINABASA MO ANG
Scar left behind (Fan Fiction of Azrael Montefalco Book 1)
FanfictionVictoria Cristelana Ty is a 2nd cousin of the Ty's. Siya ang kababata ni Hendrix Ty. She's also a soldier and she can do everything to keep you safe. Ginagawa niya din ang lahat para sa ikasasaya ng kanyang pamilya lalo na sa kanyang pinakamamahal...