Yakap
"Sabay na tayo umuwi"
Tumungo ako sa kanya. Inayos na namin ang mga gamit para makauwi na. Maga-alis singko na ng hapon. Palipat lipat ang tingin ko sa lalaking nakatalikod. May mga sinasabi sa akin si Eba pero hindi naman ako nakikinig. Hanggang sa nakalabas na kami ng cafe ay hindi na ko nagdalawang isip ay nilapitan ko ang lalaking yon.
"Eba! Sandali lang." Napatigil naman siya sa paglalakad. Agad ulit akong pumasok sa loob para tignan ang lalaking yon. Siya lang mag isang nakaupo habang abala sa cellphone. Sumunod sa akin si Eba at hinihintay ako.
"Jason?"
Nakauwi na kaming dalawa ni Eba. Malapit lang din pala ang bahay niya pero medyo malayo ang bahay ko. Nakita ako ng mga kapatid kong naglalaro sa sala pero agad ako napatakbo sa kwarto at napahiga sa kama. Kinuha ko ang unan ko at tinakpan ang mukha ko.
Ilang sandali ay naramdaman kong may pumasok sa kwarto ko.
"What's wrong?" Umupo si Kiera sa tabi ng kama ko. Agad din ako napaupo sa kama ng maayos. Nakatingin lang siya sa akin at hinihintay ang sasabihin ko.
"Jason?"
Agad sa akin napatingin ang lalaking tinawag ko. Nanlaki ang mga mata ko at napatahimik sa harapan niya. Tinawag ako ni Eba pero hindi ko yon pinansin. Kumunot din ang noo ng lalaking tinawag ko.
"Ay! Sorry! Akala ko po kayo yung kaibigan ko" Ngumiti ako ng mapait. "Pasensya na sa abala!"
Tumungo lang siya at hindi siya nagsalita. Hinila ko na agad si Eba palabas ng cafe. Gosh! Nakakahiya!
"Sino yon?" Kunot noong tanong ni Eba habang naghihintay kami ng masasakyan pauwi.
"Wala! Akala ko yung kaibigan ko" Sagot ko. Tumungo naman siya at hindi na muling nagtanong. Hindi mawala sa isip ko ang ginawa ko kanina. I'm just want to check na siya nga yon.
Tumingin tingin ako sa paligid para makahanap ng masasakyan ngunit tumama ang paningin ko sa lalaking nakatayo sa harap ng kotse. May hawak hawak siyang yosi habang nakalagay ang isa niyang palad sa bulsa.
Naningkit ang mga mata ko habang pinagmamasdan ang lalaking nakatayo. Ang lalaking chinese ang nakita ko. Napatigil ako nang nakatawag na si Eba ng masasakyan. Hindi ko na yon pinansin ay sumakay na ko.
"Akala ko si Jason yung nakaupo kanina sa Starbucks" Napahiga ako at inilagay ang mga palad ko sa aking tiyan.
"Bakit hindi mo siya puntahan o tawagan?"
Napatingin ako sa kapatid ko. "Hindi siya sinasagot ang tawag ko at laging wala siya sa bahay."
"You know what? Ate. Kung ako sayo wag ka nang umasa sa lalaking yon! Nanliligaw lang naman siya sayo pero hanggang kailan ka niya gugustuhin? Kung ngayon ay hindi siya nagpapakita sayo."
Napaupo ako at inilagay ang unan sa binti ko.
"Ate, maraming lalaking naghahabol sayo pero isang taong hinihintay mo ay mukhang wala naman pakialam sayo!" Umiling siya. "Ate, apat na linggo na siyang nawawala, kahit saang sulok ng mundo kung talagang namimiss ka niya, bakit hindi siya gumagawa nang paraan para makita ka? Ikaw ang naghahabol, hindi siya."
"Ang gusto ko lang malaman, bakit na siya na wala?"
"Ate, apat na linggo palang, wala pang taon ang lumilipas. Baka nandiyan lang sa paligid!"
Pumikit ako nang mariin. "Basta! Gusto ko lang siya makita para matapos na to!"
Pagkatapos nang huling exam namin, bukas na bukas ay babalik na ko sa shooting range. Sigurado akong araw araw na ito at kailangan ko pa magenroll para sa taekwando.
BINABASA MO ANG
Scar left behind (Fan Fiction of Azrael Montefalco Book 1)
FanfictionVictoria Cristelana Ty is a 2nd cousin of the Ty's. Siya ang kababata ni Hendrix Ty. She's also a soldier and she can do everything to keep you safe. Ginagawa niya din ang lahat para sa ikasasaya ng kanyang pamilya lalo na sa kanyang pinakamamahal...