38th Scar

1K 20 5
                                    

Slow motion

Lumabas na ako. Una palang masama na ang kutob ko. Isusumpa ko na ang araw na to.

Tumungin ako sa kabilang direksyon para punasan ang luha na pumapatak sa mata ko. ANG TANGA MO! VICTORIA. NAPAKATANGA MO!  Kinagat ko ang ibabang labi ko para hindi maluha.

Kailangan ko ng pigilin ang sarili ko. Huminga muna ako ng malilim.  Wala na kong pakelam kung may makakita pa sa akin. Basta makaalis lang ako dito nakakapagod ng magpanggap na okay lang ang lahat.

Tumakbo ako patungong parking lot. Hindi na din ako nakapag paalam dahil sa nakita ko.

"Victoria!"

Sinusundan niya pala ako. Binilisan ko ang paglalakad. Narinig kong mabilis ang pagtakbo niya sa akin. Napatakbo ako ng mabilis sa narinig kong yun. Agad kong naramdaman ang pananakip ng dibdib ko.

"Sandali!"

Muntikan na ko matalisod hanggang ngayon di pa rin siya sumusuko! Sinusundan pa rin ako. Palapit na ng palapit ang boses niya. Mas lalo ko pang binilisan.

Nakikita ko na ang kotse ko. Nilabas ko na ang susi ko sa bag pero bigla na lang hinawakan ang braso ko at iniharap sa kanya. Muntikan pa ko masubsob sa dibdib niya kaya agad ko siyang tinulak.

"What do you want?" Singhal ko

"Pabayaan mo muna ko magsalita please!" Pagmamakaawa niya

"Ano pa ba ang ipapaliwanag mo? Kaya umalis ka na!" Binawi ko ang braso ko at tumalikod. Agad namn niya akong hinarang.

"Let me explain"

"ANO PA ANG PAGUUSAPAN NATIN?  WALA NA OK! WALANG WALA NA!" Sigaw ko at pilit kong makawala pero di niya ako pinapakawalan.

Nawalan na ko ng gana harapin siya. "Azrael, wag ka ng magpaliwanag pa. Nakita ko na kung paano mo siya hawakan. Kitang kita ko na ng mga mata ko." Umiling ako. "A-Ayoko na!"

Naglakad na ko palayo ngunit nagulat ako ng bigla niya kong yakapin. "I'm sorry! Damn! I'm so sorry!"

Pilit ko man siyang itulak ngunit hindi ko magawa dahil sa lakas niya. "Let me go! Please!"

Hindi niya ginawa ang gusto ko. Nanghina ako nang napasinghal ako sa ginawa niya, na para bang konting lambing niya ay manglalambot ka. "Azrael, please!"

"No! Damn!" Mura niya. Tama lang to! Para malayo na din ang loob ko sa kanya. Naisip ko na tama lang din ang ginawa niya kahit masakit.

"Azi, let me go!" Tinulak ko na siya. Pinunasan ko ang mga luha sa aking pisngi. "Tama na! Ayoko na!"

"Let me explain! Hayaan mo muna ko! Please!" Napansin ko ang pagbilis niyang paghinga. Napapikit ako ng mariin at tinakpan ang mukha ko. Kahit tama lang ang ginawa niya para sa akin pero hindi ko talaga maiwasan masaktan. Hinawakan niya ang pulso ko para tanggalin ang palad sa mukha ko.

"Victoria" Hindi na ko nakatiis ay pinaghahampas ko na siya ng bag.

"Tangina! Ang galing mo magpabilog!" Hinampas hampas ko ang bag ko. "Pati ako napabilog mo!" Panay ang iwas niya pero hindi ako tumigil.

"Manloloko kang hayop ka! Kaibigan ko pa talaga ang kinatchawan mo!" Sigaw ko habang hinahampas ko ang bag ko. "Alam mo ba kung gaano kasakit ang nakita ko! Alam mo ba yon?" Hinampas ko ulit siya. "Kaibigan ko pa! Azrael! Kaibigan ko pa!" Napaos ako at nanghina.

Scar left behind (Fan Fiction of Azrael Montefalco Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon