First kiss
"Sa tingin ko ayoko ng mag shooting." Umupo si Ivana sa tabi ko.
Kumunot ang noo ko. "Bakit naman?"
Umismid siya. "Eii! Parang nakakatamad. Puro practice."
Tumawa ako. "Kailan ka pa sinipag? Ivana. Alam mo, kahit kailan talaga puro reklamo na ririnig ko sayo. Edi sana tumanggi ka na rin."
Ngumuso siya at tiniklop ang mga braso. "O dahil tinatamad lang ako. Tsk! Bahala na nga!" Nilagay niya ang kanyang earphones sa tainga.
Umiling ako at tumayo para tanawin ang pagilid. Umihip ang malamig na simoy ng hangin sa mukha ko. Sobrang presko dahil puro Puno ang nakapaligid.
"I'm so bored right now!" Ani Ian nang kagagaling lang sa loob ng bahay.
Tumabi siya sa kanyang kapatid at may sinabi ito.
Hindi ko na lang yon pinansin at panay parin ang tingin ko sa buong Surigao. Sobrang liwanag ng dagat.
Nandito kaming pamilya para magpahinga na muna. Actually I want to stay here for a while, ayoko munang bumalik sa Cagayan. I want to stay here alone.
"Are you ready for this summer? Victoria." Tanong ni Ian sa likuran ko.
Napatingin ako sa kanya at ngumiti ng tipid. "I think so"
Ngumiti siya at pinagpatong ang dalawang siko sa railings. "I saw you with Azrael few days ago."
Napatingin ako sa kanya. Ngumiti siya ng malapad dahil mukhang alam niya na kung ano ibig kong sabihin.
"Hindi ko kayo sinundan. Napasadya lang, kasama ko si Hendrix non. Don't worry, hindi ko sasabihin kay Tito."
Bumuntong hininga ako. "It's just a friendly date, Ian. Hindi date yon."
Tumawa siya. "I didn't say anything."
Umiling ako. "I know pero inuunahan na kita!friendly date lang yon. Baka ano na isipin mo jan."
Humagalpak siya at umiling. "Nevermind!"
May kinuha siya sa Cooler na Monsters at binigyan niya ko ng isa. Nakangisi ko ito tinanggap. Agad ko ito binuksan at ininom.
"I heard na nakipagdate ka kay Jason."
Tumungo ako at sumandal sa railings. "Yep!"
"But I want to warned you, Victoria. Medyo layu-layuan mo ang lalaking yon."
Napatingin ako sa kanya. "Bakit naman?"
"If you only know, he's not a good person, Tory. Kaya medyo iwas iwasan mo ang lalaking yon."
"I know him, Ian. He's a good guy." Umiling ako. "At saka family friends natin ang pamilya niya."
"I know, pero masama rin ang kutob ko sa lalaking yon. Kaya medyo lumayo ka ng konti kahit na magkakilala sila ng mga pamilya natin."
Hindi ko alam kung ano problema niya kay Jason. Wala naman problema sa kanya o sinisiraan lang kami. Wala akong clue kung ano naman dahilan.
BINABASA MO ANG
Scar left behind (Fan Fiction of Azrael Montefalco Book 1)
FanfictionVictoria Cristelana Ty is a 2nd cousin of the Ty's. Siya ang kababata ni Hendrix Ty. She's also a soldier and she can do everything to keep you safe. Ginagawa niya din ang lahat para sa ikasasaya ng kanyang pamilya lalo na sa kanyang pinakamamahal...