22th Scar

1K 21 0
                                    

Nag-aalala

"Hindi ba ko pwede sumama?" Nakanguso kong tanong kay Jason. Wala siyang ginawa kundi ay umalis. Naiinis na nga ako minsan. Bihira lang kami nagkikita. Lagi siyang busy. Text at tawag lang ang ginagawa namin. Gusto ko na nga sumama minsan. Gusto ko, ako ang kasama niya lagi. Humiga ako sa kama at pinagpatong ang kamay ko sa akin tiyan.

"Kung pwede lang ay sinama na kita" Ngumiti siya ng tipid at inayos ang kanyang polo.

"Kasama mo na naman si Natalie." Nagtatampo kong sabi. Tumayo ako at umupo ng maayos sa kama. Napatingin siya sa akin kahit nasa harap siya ng salamin. Nagsusuklay siya ng buhok.

Natawa siya ng mahina at lumapit sa akin. "Nagseselos ka na naman?" Pinanggigilan niya ang pisngi ko.

Umilag ako. "Lagi na lang siya ang kasama mo. Bakit pwede naman ako?"

Umupo siya sa harapan ko. "Tama na pagseselos, Victoria." Hinalikan niya ang labi ko. Siya pa talaga may ganang sabihin yan.

"Paano hindi titigil? Sa tuwing aalis ka siya ang kasama mo. Pwede naman ako? Ano pa itong pinag-aaralan ko?"

Narinig ko siyang tumawa ng mahina. Tumingin ako ng masama sa kanya. "Ano nakakatawa?"

"Lagi mo na lang pinags-selosan si Natalie."

Nagtaas ako ng kilay. "Aba! Paano hindi pagseselosan? Alam mo naman ang babaeng yon medyo..." Napailing ako. "Ayoko na lang magsalita."

Nakatingin lang siya sa akin. Pinagmamasdan niya ang reaksyon ko. Napatingin ako sa kanya kaya humugot ako ng malalim na hininga. "Fine! Kung siya talaga kasama mo? Wala akong magagawa. Umalis ka na lang."

Nakatingin pa rin siya sa akin. Pinagpatong niya ang dalawang siko niya sa binti ko. Ayoko naman maging immature at taasan ang pride ko. Wala din naman ako magagawa kung siya talaga ang kasama.

Napatingin ako sa kanya at kumunot ang noo. "What?"

"Still mad?" Pumungay ang mata niya.

Tumungo ako. Ayan! Sinabi ko ang totoo. Ayoko maging magsinungaling sa kanya. Hindi naman ako katulad ng ibang babae na kahit galit na galit na ay sinasabing hindi naman sila galit.

"I'm sorry." Ngumiti siya ng tipid. "Isasama na kita sa susunod. Ako na magsasabi kayla Angkong. Sasabihin ko nagseselos ka kay Natalie." Tumawa siya.

Pinalo ko siya sa braso. "Sira ka talaga!"

Tumawa lang siya. Hinalikan niya ulit ako sa labi ng paulit ulit. "Too cute. Wag ka na magalit." Hinalikan niya naman ang kamay ko. "Kain tayo sa labas para hindi ka na magalit."

Natawa naman ako ng mahina. "Fine!" Ngumiti siya ng malapad. Hinalikan niya ko ulit. Napasigaw ako ng mahina ng bigla niya ko hiniga. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko.

"Jason" Naka ibabaw siya sa akin kaya nabibigatan ako. Sinugod niya ko ng malalim na halik. Tinulak ko siya dahil hindi na ko makahinga.

Mas diniinan niya ang kanyang sarili sa akin. "Jason. Ang bigat mo."

Tumingin sa akin ang mga mata niyang mapupungay. "You're not going anywhere." Ngumiti siya ng dahan dahan. Napalunok ako. Hinalikan niya ulit ako. Natawa pa ko habang sinisiil ng labi ko ang malalim niyang halik.

"Hmm..." Napaungol ako ng kinagat niya ang ibabang labi ko. Lumipat ang halik niya sa aking leeg. Tumaas ang aking mga balahibo at mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Naramdaman ko ang paghawak niya sa aking binti.

"I love you" Bulong niya sa tainga ko.

Tumawa ako. "I love you too" Bumaba ang halik niya sa aking collarbone.

Scar left behind (Fan Fiction of Azrael Montefalco Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon