12th Scar

1.2K 29 0
                                    

He's back

"What are you doing here? Azrael." Mataray kong tanong.

"Hanggang ngayon pa rin ba tatarayan mo ko?"

"Hindi ko pa rin nakakalimutan ang sinabi mo!" Pagtataray ko ulit. Agad akong siniko ni Ivana. Napatingin ako sa kanya ngunit kumunot ang noo niya para tigilan ang pagt-taray ko.

"Gusto ko lang maki-join sa inyong apat." Sabi niya.

"Hindi pwede! Wala ng space!" Protesta ko. Palipat lipat ang tingin sa amin ng tatlo. Narinig kong tumawa ng mahina sina Jasmine at Liezel.

"Apatan yan! Di pa ba ako kakasya jan?" Tumingin siya sa pinsan ko. "Hi! can i join with you two?" Nakangiti niyang sabi kay Ivana.

Napatingin sa akin si Ivana pero nagtaas ako ng kilay para hindi siya pumayag ngunit ngumiti siya ng malapad sa akin at tsaka siya tumungo.

"Oo naman!" Ngumit pa siya ng todo. "Of course! Why not?" Nakangiti niyang sabi. Nalaglag ang panga ko.

"Come on! Victoria! Minsan na nga lang oh!" Tumawa si Jasmine. "Pagkakataon na niya!"

Tumawa silang apat samantalang ako ay namumula na sa inis.

"Bat ka ba nandito? Azrael." Inis ko at tumabi pa talaga siya sa akin.

"Bakit? Ikaw lang ba may karapatan kumain dito?" Pang-asar niya. Kaya mas lalo akong napikon.

"May sinabi ba ko?" Pagtataray ko ulit.

Dumating na ang pag kain namin umorder na rin siya. Nakakainis talaga siya! Tinitignan niya ako habang kumakain kami. Nagkasalubong ang paningin namin kaya kumunot ang noo ko.

"Wag mo akong titigan ng ganyan!" Mataray kong saway sa kanya.

"Maganda ka pala kahit masungit ka, type kita" Sabi niya at kumain ng noodles. Napahinto ang tatlo sa aming dalawa.

Umiling lang ako.

"Azi?"

"Bakit love?" Abot magkabilang tenga ang ngiti sa tanong niya.

Ngumuso ako. "Wag mo kong tawagin ng ganyan. Nakakairita!" Sabi ko ngunit tumawa lang siya.

"Kayo na?" Napatingin sa amin si Liezel. Bakas sa mata niya ang pagkagulat. Nagkatinginan sina Ivana at Jasmine. Nakita kong nakangiting umiinom si Azrael sa tabi ko. Nagkatinginan sila ni Liezel na alam na ang sagot.

"Talaga kayo na?" Nakangiting sabi ni Liezel.

Tumawa si Azrael.

Nanlaki ang mata ako. "Ano? Hindi ah!" Sinamaan ko ng tingin si Azrael na mas lalong natawa. "Wag ka nga maniniwala jan!"

Humagalpak si Jasmine. "May nililihim ka pala sa amin. Bakit hindi mo sinasabi na siya na ang boyfriend mo" Isa pa ito imbes tulungan niya na lang ako dito mas lalo pang lumalala.

"Tumahimik ka nga! Di ako makakain sa inyo!" Awat ko sa kanila

"Sasabihin ko kay Angkong" Panakot sa akin ni Ivana ngunit tumawa siya.

Nanlaki ang mga mata ko. "Hindi nga! Baka mapatay ako ni Angkong pag sinabi mo."

Tumawa silang tatlo. Umiling ako at hinayaan ang tatlo.

"Eto naman! Di mabiro! May stalker ka pala!" Nakangiting sabi ni Ivana.

"Almost 3 years na" Nakangiting sabi naman ni Azrael.

"Wow! 3 years na pala! Bakit hindi mo pa ligawan?" Tanong ni Ivana kay Azrael.

Umiling siya at inilapag ang baso sa lamesa. "May iba siyang gusto" Sagot ni Azrael. Napahinto ako ng saglit, naramdaman ko ang pagtingin niya sa akin ngunit hindi ko yon sinukli-an ng tingin.

Scar left behind (Fan Fiction of Azrael Montefalco Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon