Inis
Pagkatapos namin magbihis ay umuwi na kami. Marami siyang kinukwento sa akin. Siya ang nagbibigay sa akin ng mga bulaklak at chocolate tuwing Valentines. Siya lang ang nakakaalam at walang nakakaalam kung sino nagbibigay. Halos kung ano ano ang naging topic naming dalawa. Minsan nambobola pa siya sa akin, minsan niloloko ako.
Nakarating na kami ng bahay. Ilang ilaw na lang ang nakabukas sa loob. Tinangal ko ang seatbelt at kinuha ko ang mga sariling gamit ko.
"Thank you pala!" Ngumiti ako kay Azrael.
Tumungo siya. "Sana maulit pa."
Ngumiti ako. "Kahit anong oras pwede naman ako."
Bubuksan ko na sana ang pintuan ng kotse nang bigla niya kong tinawag ulit. Napataas ang mga kilay ko ngunit hindi siya kumibo.
"Uhm...Mag ingat ka." Paalala niya.
Ngumiti ako ng matamis. "Ikaw rin. Ingat sa mga girls."
Nagtawanan kaming dalawa. Sinara ko na ang pintuan ng kotse niya at humarurot na siya paalis. Pumasok ako sa loob nang naabutan kong nasa sala sila Daddy at Mommy na seryosong nag-uusap.
"Bakit ngayon ka lang?" Bungad sa akin ni Mommy pagkapasok ko, na kahit si Daddy ay seryosong napatingin sa akin. May lumapit na katulong kaya ibinigay ko ang bag ko.
"May pinuntahan lang po ako na importante at kakatapos ko lang po sa training." Sabi ko at humalik sa kanila. Sinuot ko ang damit kong ginamit ko kanina. Hindi naman masyado napawisan kaya okay lang na gamitin ko ulit. Baka kasi mahalata nila kapag nag-iba pa ko ng damit. Baka kung ano na isipin nila sa akin.
"Ganyan ba ang uwi ng babae?" Seryosong sabi ni Dad. Tumingin ako sa orasan na nakasabit sa dingding. Alas ocho palang naman. Hindi sila sanay na ganitong oras ako umuuwi. Lagi kasi silang wala sa bahay kaya na iinip ako. Mga kapatid ko lang din ang mga kasama ko. Minsan wala rin si Kiera, lagi na lang nasa mga kaibigan niya. Si Casper at Blazer naman ay laging na kayla Angkong.
Natahimik ako ng sandali. Bumuntong hininga ako. "I'm sorry if I'm late. Marami lang po talaga ginagawa." It's my responsibilities. Totoo nga naman, ganito ba talaga ang uwi ng mga babae. Alam kong hindi lahat ng babae. Hindi lang talaga ako sanay na nandito sila. Lagi ako na kayla Angkong kapag gusto nila kong papuntahin.
Nagkatinginan sila ni Dad at uminom ng kape si Mommy. Tumungo si Dad. "Okay! Sa susunod ay umuwi ka ng maaga para hindi kami mag-alala sayo."
"Yes! Dad"
Tumungo ako. "Go to your room. Magpahinga ka na" Ani Mom.
Tumungo ako at umakyat ng kwarto. Seryoso ulit silang nag-usap ni Papa. Papasok na sana ako ng kwarto nang napansin kong na sa labas si Kiera. Seryoso siyang kikinig kayla Mama.
"What are you doing there?" Nagtaas ako ng kilay.
Agad siyang napatingin sa akin na para bang gulat na gulat sa pagdating ko. Nakatago siya sa isang pinto habang nakatingin kayla Papa. Napakamot siya ng ulo at lumabas ng kwarto.
Umiling siya. "Nothing" Sumulyap siya kayla Papa kaya napasulyap din ako.
Kumunot ang noo ko. "Any problem?"
"W-wala" Nauutal niyang sabi. "Sige!" Aniya sabay pasok ng kwarto.
Weird!
Hindi ko na siya pinansin at pumasok na rin ako sa kwarto ko. Kinuha ko ang cellphone ko sa bag at ilang minsahe ang galing kay Azrael.
Azrael:
Thanks for the night. Sana maulit pa ito!
Nagtext din ako bigla.
BINABASA MO ANG
Scar left behind (Fan Fiction of Azrael Montefalco Book 1)
FanfictionVictoria Cristelana Ty is a 2nd cousin of the Ty's. Siya ang kababata ni Hendrix Ty. She's also a soldier and she can do everything to keep you safe. Ginagawa niya din ang lahat para sa ikasasaya ng kanyang pamilya lalo na sa kanyang pinakamamahal...