32th Scar

1.2K 29 6
                                    

My Idiot

Pagkatapos namin kumain ni Azrael ay bumalik na kami. Hinatid niya muna ako sa condo dahil doon kami magkikita ni Eba. Sinabi kong tatawag na lang ako sa kanya dahil may aasikasuhin lang ako saglit. Pumasok ako sa loob at nakita kong naghihintay si Eba malapit sa counter. Dala dala niya ang kanyang mga maleta. Bigo ang tingin ko sa kanya habang umiiyak siya ng palihim. Nang makita niya ko ay agad siyang lumapit at niyakap ako ng mahigpit.

Humagulgol siya. "Tulungan mo ko!"

Humiwalay ako. "Teka! Kumain ka na ba?"

Tumungo siya. "Oo kamain na ko."

Napatingin ako sa kanyang tiyan. Medyo malaki laki na din ito at mukhang nasa apat na buwan na. Agad akong tumawag ng guard para dalhin ang mga maleta niya sa loob ng condo. Nakayakap siya sa akin habang umiiyak. Pinagtitinginan na siya ng tao kaya tinago ko na lang siya sa tabi ko. Pagkadating namin ay binigyan ko agad ng tip ang guard at nagpasalamat sa pag tulog.

Pinaupo ko siya at binigyan ng tubig. Hindi ko akalain na buntis si Eba at lalo ng hindi pa kami graduate. Hindi ko din alam kung paano niya bubuhayin ang bata. Umupo ako sa harapan niya. "Alam ba ng pamilya mo?" Agad kong tanong.

Tumungo siya. "Oo pero ayokong umuwi dahil susundan ako ni Damon."

Nagulat ako. "W-what? Si Damon?"

Tumungo siya. "Si Damon ang ama, Victoria."

"Damon Montefalco?" Napahawak ako sa noo ko at hindi makapiniwala. "Alam niya?"

Umiling siya. "H-Hindi niya alam at wala akong balak sabihin."

"Eba, nababaliw ka ba? Sabihin mo kay Damon yan!"

Umiyak ulit siya. "Hindi naman kasi ganon kadali, Victoria. Hindi niya ko mahal iyon ang totoo."

"Teka! Paano pag-aaral mo?"

"Ayun nga eh! Nadrop na ko dahil lagi akong absent. Hindi din ako makapasok baka makita ni Damon ang tiyan ko. Naisip ko na lang na wag na munang magpakita."

"Eba naman! Nagiisip ka ba? Paano kapag lumaki na ang anak mo? Baka hanapin niya ang ama niya." Napailing ako. "Ang aga mong binigay ang kabataan."

Pinunasan niya ang kanyang pisngi. "Victoria, alam ko din naman magagalit ka. Gusto ko tulungan mo muna ako. Hindi pa ko handa para iharap ang anak ko kay Damon. Gusto ko munang lumayo. Alam kong mga close mo ang mga Montefalco pero sana wag mong sasabihin sa kanila. Hindi pa talaga ako handa."

Pinagmamasdan ko lang siya tingin. Bumuntong hininga ako. "Okay! Ganito. Dito ka muna at kung gusto mo ay sa Manila ka muna. Sabihin mo sa magulang mo at ipagpatuloy mo ang pag-aaral mo."

Nabuhayan siya. "Talaga?"

"Oo pero sasabihin mo kay Damon ang tungkol dito, Eba. Ayokong madamay sa pagalis mo pero tutulong ako sa paglaki ng bata."

Nagulat ako sa pagtayo niya kaya agad ko siyang inalalayan. Napaiyak siya.

"Tunay ka talaga na kaibigan, Victoria. Laking pasasalamat ko na kilala kita." Aniya sabay yakap ng mahigpit.

"O-Oo!" Humiwalay ako. "Magusap tayo at marami akong gustong malaman."

Tumungo siya. Binigay ko muna ang isang kwarto. Wala naman natutulog doon dahil lagayan lang ng mga damit ko iyon. Nagluto ako para makakain siya. Buti na lang ay may manga ako dahil kanina pa daw siya naghahanap.

Scar left behind (Fan Fiction of Azrael Montefalco Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon