Malaman ang katotohanan
"Wala ka pa bang balak umuwi?" Tanong sa akin ni Nikki habang nag-aayos ako ng damit ko.
Umiling ako. "I'm too bored. Gusto ko sana mag night out." Napatingin ako sa kanya. "Wala ba kayong balak?"
Pinagdikit niya ang dalawang binti niya sa upuan. "Wala eh! Nandito kasi yung pinsan ko. May outing ata kami sa susunod na linggo."
Umupo ako at bumuntong hininga. Tinignan ko ang hawak hawak kong cellphone. I'm waiting for Jason's text. May training ata sila ni Hendrix sa basketball. May laban kasi sila next week. And I'm sure ang Montefalco na naman ang kalaban nila.
Wala pa masyadong nakakaalam tungkol sa amin ni Jason pero marami ng nakakapansin. Ayoko naman kasing ipaalam sa kanila at tsaka hinahayaan ko lang sila mag isip.
Akala ko hindi rin makakagraduate si Jason noon. Nakapasa pa din siya kahit puro absent at kulang sa requirements. Pero may isang subject siyang hindi na pasa kaya nagsummer siya ng dalawang buwan. Doon niya binawi lahat ng pag-aaral niya.
"Kung gusto mo para hindi ka maboring." Tumayo siya. "Sumama ka na lang sa amin ni Cherry. Magg-grocery kami mamayang hapon."
Tumungo ako. "Sure, wala naman akong gagawin mamaya." Inayos ko ang gamit ko at kinuha ko ang damit kong jumpsuit. Ang init kasi tutal tapos na ang training naming lahat. Inipit ko ang maiksi kong buhok sa likod ng tainga.
Narinig ko siyang tumawa habang nakatingin sa akin. Kumunot ang noo ko.
"What?" Naguguluhan kong tanong.
"Alam mo" Tumawa siya. "Natatawa talaga ako jan sa bagong gupit ng buhok mo."
Ngumuso ako. "Bakit naman?"
Umiling siya habang humagalpak ng tawa. "Wala naman. Naninibago lang ako sa new look mo"
Ngumisi ako at tsaka umiling. Nagpaiksi na rin ako ng buhok pagkatapos ng debut ko. Umabot na rin kasi hanggang bewang kaya pinaiksi ko na hanggang balikat at pina-layerd ko. Parang nga gumaang ang pakiramdam ko noong nagpagupit ako. Sinandya ko magpahaba ng buhok dahil magd-debut ako at nagpromise din ako, sa oras na mahaba na ang buhok ko ay id-donate ko.
"Alam mo? Salvador. Ang lakas talaga ng trip mo sa akin."
"Wala nga!" Tumawa siya. "Naninibago talaga ako sayo at tsaka eto naman! Hindi mabiro!"
Umiling ako. Pagkatapos kong magpalit ay nakita ko ang dalawang minsahe galing kay Jason.
Jason:
Sorry! Kakatapos ko lang maglaro.
Where are you?Napatingin sa akin si Nikki habang abala rin sa cellphone.
Me:
I'm with Nikki at aalis kami.
Agad siyang nagreply sa akin.
Jason:
Saan kayo pupunta?
Me:
Sa Mall lang may bibilhin.
Hindi siya nagreply ng ilang saglit. Tumayo na din si Nikki at inilagay ang bag niya sa balikat.
"Tinext ko na si Cherry. Sa labas na lang daw natin siya hintayin." Aniya. Nakasuot siya ng loose tee at shorts. Mukha tuloy koreana.
Tumungo naman ako. Nakalabas na kami. Marami pang bumati sa amin na kilala namin. Naaninag ko agad si Cherry na mag-isang naglalakad papalapit sa amin. I guess siya yung crush ni Eion. Hindi ko lang alam pero yun ang pagkakaalam ko.
BINABASA MO ANG
Scar left behind (Fan Fiction of Azrael Montefalco Book 1)
Hayran KurguVictoria Cristelana Ty is a 2nd cousin of the Ty's. Siya ang kababata ni Hendrix Ty. She's also a soldier and she can do everything to keep you safe. Ginagawa niya din ang lahat para sa ikasasaya ng kanyang pamilya lalo na sa kanyang pinakamamahal...