18th Scar

1K 23 0
                                    

I want you right now

Nakita ko ang bagong sasakyan ni Jason papalapit sa akin. Napangiti ako dahil nagkita na naman kami ngayon. Inayos ko ang aking bag at ang aking buhok. Bumaba pa siya at pinagbuksan ako ng pinto. Malapad siyang ngumiti at itinaas ang kanyang mga braso.

Niyakap ko siya.

"I miss you" Natawa ako dahil hinalikan niya ko sa noo. Niyakap niya pa ko ng mahigpit. Alam kong maraming estudyanteng nakatingin sa aming dalawa ngunit hindi namin yon pinansin. Nagkakaroon na sila ng Idea kung bakit magkasama kami.

"I miss you too" Humiwalay ako ng yakap. "Let's go"

Tumungo siya at tsaka ako sumakay sa loob ng kotse niya. Sinara niya ang pintuan at lumipat siya sa kabila.

"Excited ka ba?" Aniya habang paliko liko kami sa daan.

"Uhm...medyo kinakabahan." Sabi ko. B-bisita na kasi kami sa Lolo niya dahil gusto akong makita ng pamilya niya.

"Why?" Nalipat ang tingin niya sa akin.

"Wala lang" Tumawa ako ng mahina.

Napintig ang puso ko ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko. "Don't be. Nakita ka na nila kaya wala ka na dapat ikahiya."

"Ngayon ko lang kasi makilala ang parents mo" Sabi ko.

Tumawa siya. "Wala naman yon, sigurado akong magugustuhan ka nila."

Ngumiti ako. Nakarating kami sa Del monte golf course. Bumaba kami ng sasakyan at may kinuha siya sa likod. Kinuha niya ang kanyang golf bag at hinawakan ako sa bewang. Pumasok kami sa loob at maraming naglalaro ng golf. May bumati pa sa kanya at sa tingin ko ay anak ng may ari ng golf course. Nilibot ko ang tingin ko sa buong golf course. Maalaga sila at sa tingin ko, dito masarap magpahinga.

"I'm with my special friend"

Agad akong napalingon kay Jason. Ngumiti sa akin ang lalaking mukhang negosyante, nasa tingin ko ay kasing edad lang din namin.

"This is Victoria Ty. My future girlfriend." Aniya sabay akbay sa akin. Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko. Kinakabahan ako na parang kinikilig. Hinigpitan niya ang pagkayakap sa akin.

"Hi! I'm Matteo." Naglahad siya ng kamay sa akin kaya agad ko tinanggap.

"Victoria Ty" Nakangiti kong pagpapakilala.

Tumawa siya. "Ikaw na pala ang nagpapatibok ng puso ni Jason. Akala ko hindi na magkakaroon ng..."

Nagtawanan kami. Siya ang anak ng may ari ng Golf course. Magkaibigan sila ni Jason at siya ang laging niyang kausap sa tuwing nandito siya.

Tumawa si Jason. "Legal na kami."

Halatang na gulat si Matteo sa sinabi ni Jason. Nagpaalam na ko kayla Papa na magd-dinner kami kasama siya. Hindi ko na kailangan ipakilala si Jason dahil kilala na siya ng magulang ko. Alam na ng lahat na nanliligaw siya sa akin.

"Well! That's good. Wala nang lihim lihim pa" Tumawa siya. "Let's go! Handa na yung cart natin."

Sumakay ako sa Cart. Katabi ko si Jason at si Matteo naman ay nasa harap kasama ang isang driver. Inakbayan ako ni Jason. Sanay na ko na lagi niya ko ginaganito. Para na rin kami mag girlfriend o magboyfriend pero hindi ko pa siya pwedeng sagutin, kasi sabi sa akin ni Angkong ay bawal pa ko magkaroon ng boyfriend, kaya walang choice si Jason kundi maghintay sa akin.

Malawak ang buong paligid. Kinuha ni Jason ang wedges at ibinigay sa akin ang isa. May alam naman ako sa golf. Hinawakan ako sa kamay ni Jason habang naghahanap kami ng mapagpapaluan.

Scar left behind (Fan Fiction of Azrael Montefalco Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon