Crush
Bumaba na kong stage nang nakangiti. Hindi ko alam kung ano masasabi niya sa kinanta ko. Ginusto niya kong pakantahin doon.
Lumapit ako sa kanya at binigyan ko siya ng matamis na ngiti. "Ano? Maayos ba?"
Ngumiti lang siya. "Oo naman! Maayos naman." Inilagay niya ang kanyang Cellphone sa kanyang bulsa.
"Saan mo gustong pumunta ngayon?"
Nagisip pa ko kung saan kami pupunta, Nakalabas na rin naman kami ng Restaurant.
"Ikaw saan mo ba gusto?" Wala rin naman kasi akong maisip kung saan ang punta naming dalawa.
Tumingin siya sa akin. "Are you sure?"
Kumunot ang noo ko. "Na ano?"
"Sasama ka sa akin?" Malamig ang titig niya.
"Sasama saan?"
Ngumisi siya at inayos ang jacket niya na kapareho sa akin na Xavier university rin ang tatak.
"Just come with me." Ngumiti siya. Hinawakan niya ang kapulsohan ko at hinila niya ko papunta sa kanyang kotse.
Parang kinakabahan ako! Hindi ko alam kung may masamang balak ba itong si Jason. Okay! Ayoko na lang mag-isip dahil alam kong hindi siya ganoong tao.
Sinakay niya ko sa kanyang kotse. Umikot siya sa kabila at siya ang nagdrive Tinignan ko siya, blanko rin ang kanyang mukha habang nakatingin sa kalsada.
Kinuha ko ang cellphone ko mula sa bulsa. Pero ni isang text ay wala akong natatanggap kahit sino sa pamilya ko. I guess na okay lang din naman sa kanila kasi si Jason ang kasama ko.
"Saan tayo pupunta?"
Napatingin siya sa akin at saka ngumiti. "Basta! Sigurado akong magugustuhan mo ito." Aniya.
Hindi na ulit ako nagtanong tungkol doon. Tahimik lang kaming dalawa sa loob ng kotse. Sa sobrang tahimik ay naka tulog ako. Ilang sandali ay narinig kong namatay ang makina ng kotse. Bumaba siya at pinagbuksan ako ng pinto.
Where the hell are we?
Medyo malabo labo pa ang paningin ko. Kinusot ko ito at inayos ang aking salamin. Parang na sa isang resort kaming dalawa.
Binuksan niya ang pintuan ko. Nag-alay siya ng kamay kaya tinanggap ko ito. Tinignan ko ang buong resort. Maraming ilaw at may mga malalaking buildings. May kinuha pa siyang isang bag sa likod bago niya ibinigay sa Valet ang susi.
May sinabi pa siya sa isang...parang bodyguard. Lumapit siya sa akin at inayos ang kanyang bag sa kanyang likod.
"Let's go!" Nakangiti niyang sabi. Pumasok kaming dalawa sa loob ng resort malaki ang chandelier sa gitna at may mga turistang nakacheck in.
Sumunod ako sa kanya pero sa isang private house kami pumasok. Kitang kita ang city light ng Cagayan De Oro at isang malaking infinity pool sa harap ng bahay. Malinis ang tubig at mukhang bagong lagay lang.
Kaming dalawa lang sa loob ng kanyang bahay. Eto ata ang bagong resort na pinagawa ng mga Zhang. Umupo ako sa sun lounger at nilibot ko ng tingin ang sa buong Cagayan. Sumandal ako para makapagrelax muna ng saglit.
Narinig ko ang yabag niya papalapit sa akin. May inabot siya sa akin na pangswimming. Tinignan ko lang ito.
"Mags-swimming tayo?"
Tumungo siya at umupo sa tabi ng sun lounger. "Yep! kahit isang oras lang."
Tinignan ko ang cellphone ko. It's almost 7:30 pm. Nagdadalawang isip pa ko kung mags-swimming ba ako. Malamig kasi ang panahon dahil malapit na rin ang Pebrero halos dalawang araw na lang. Napansin niya siguro ang atensyon ko kaya hinarap niya ko.
BINABASA MO ANG
Scar left behind (Fan Fiction of Azrael Montefalco Book 1)
FanfictionVictoria Cristelana Ty is a 2nd cousin of the Ty's. Siya ang kababata ni Hendrix Ty. She's also a soldier and she can do everything to keep you safe. Ginagawa niya din ang lahat para sa ikasasaya ng kanyang pamilya lalo na sa kanyang pinakamamahal...