39th Scar

907 22 0
                                    

Galit

"Ready mo na ang mga gamit mo para mamayang madaling araw." Ani Ivana.

Tumungo ako sa kanya habang malungkot na nag aayos ng litrato. May  magaganap na okasyon mamayang gabi. May bagong binili si Angkong na Hacienda dito sa Cagayan. Hindi naman talaga ako excited tinamad na din ako pumunta kung tutuusin. Pero ano ba ang magagawa ko? Si Angkong na mismo nagsabi sa akin, na kailangan hindi ako mawala doon dahil may mga bisita pa galing Manila o kung saan saang pang lugar.

Hindi ko pa din makalimutan ang nangyari kahapon, Akala ko panaginip lang lahat ng iyon pero hindi pala. Inayos ko lahat ng mga litrato namin ni Azrael. Kahit naman wala na kami ay hindi ko makakalimutan ang pinagsamahan namin.

Hindi ko na alam kung ano ang mga magaganap na mangyayari mamaya. Tinignan ko ang bawat litratong pina-develop ko kanina sa Sm. Inisa isa kong inilalagay sa album tinulungan din ako ni Ivana sa pag a-ayos. Hindi na din siya nagsalita tungkol sa amin ni Azrael.

"Ate!"

Nabuhayan na lamang ako nang kumatok ang kapatid ko na si Blazer. Agad kaming napalingon ni Ivana.

"Ano?" Iritado kong tanong at binalik ang atensyon sa pag a-ayos.

"Ate! I'm hungry."

Nagkatinginan kami ni Ivana, Tumungo siya! Bumuntong hininga akong tumayo. "Sasama ka?" Tanong ko kay Ivana.

yumuko siya at inayos muna ang mga kalat sa sahig. "Sandali lang!" Inayos ko ang sarili ko at lumabas para asikasuhin ang mga kapatid ko.

"Where do you want to eat?"

Nagisip siya ng sandali. "I want Kfc, Ate. Can we?"

Bumuntong hininga ako. "Okay! Call your brother. Sabihin mo aalis tayo."

Nakangiti siyang tumakbo sa kabilang kuwarto. Bumuntong hininga ako at kinuha ang susi ng kotse.

"Your brother is getting bigger already. Tumatangkad na din sila."

Tumawa ako. "Oo nga eh! Feeling ko pa nga na mas matangkad pa sa akin yung dalawa."

"Sana lang! Sana lumaking hindi babaero ang dalawa. Ang g-gwapo pa naman. Mukhang habulin ng mga babae eh!"

Nagtawanan kaming dalawa ni Ivana. Ilang sandali ay lumabas din ang kambal. "Are you ready?"

"Yes! Ate." Sagot ng kambal. Paliko liko kaming apat sa daan para pakainin ang dalawa. I'm not hungry at all. Ang kukulit lang talaga nitong mga kapatid ko. Grade five na ang kambal kaya medyo nagka kaisip na, lalo na si Blazer.

"Ate?" Tumaas ang kilay ko kay Casper na nasa passenger seat. Si Blazer naman ay busy sa Pagp-psp sa likuran ko at katabi ni Ivana.

"Hmm?"

"Can I ask you something."

"You already asking..." Ngumiti ako ngunit ngumuso naman siya. "Okay! Yes you may...what is it?"

"Bakit minsan ko na lang kayo nakikita ni Kuya Jason na magkasama?"

Napahinto ako sa tanong niya. Agad ako napalingon sa kapatid kong curious na curious. Nagkatinginan kami ni Ivana na parehong nagulat sa tanong. Hindi ko nga din alam ang isasagot ko. "Uhm...bakit mo pala natanong? Casper."

Nagbalik baliktad siya. "Kasi I always seeing you with Kuya Azrael eh! Tas Kuya Jason is always with Ate Natalie. Hindi ba dapat si Kuya Jason ang kasama mo? Ate."

Scar left behind (Fan Fiction of Azrael Montefalco Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon